Daniel Padilla, Kinumpirma Ang Hiwalayan Nila Ni Kathryn Bernardo

Sa wakas ay nagsalita na ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla hinggil sa matagal nang napapabalitang hiwalayan nila ng kanyang longtime girlfriend na si Kathryn Bernardo.
Nitong November 30, 2023, ginulatΒ nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang magkasunod silang maglabas ng mga official statement sa kani-kanilang Instagram accounts kung saan kinumpirma na nila ang kanilang paghihiwalay.
Sa official Instagram account ni Daniel Padilla ipinahayag niya ang kanyang pag-amin sa hiwalayan nila ni Kathryn.
Pinasalamatan din niya ang dating nobya sa lahat ng pagmamahal nito sa kanya at pagsama sa kanya sa up and downs sa buhay.
“11 years K D Pagibig. Sa mundo, buhay ay sa limitadong oras na tayo ay nandito, Isang malaking biyaya ang pagmamahal. Ang mahalin ka at mahalin mo.
“Ang mga alaala natin ay laging kong baon sa aking puso at magiging liwanag sa mga madidilim kong araw. Thank you for dancing with me during my highs and thank you for singing with me during my lows.
“Our lives may drift away, but our love will still ride that tide.”
Nagbigay din siya ng mensahe sa lahat ng mga Kathniel fans na hanggang sa huli ay sumusuporta parin sa kanilang pagmamahalan ni Kathryn Bernardo.
“Kathniels, maraming salamat sa pagmamahal ninyo. Maraming salamat sa napakagandang pinagsamahan natin. Hinding-hindi namin ipagpapalit at hindi makukumpara kahit ano pang gawin nila.
“Hinding-hindi nila pwedeng sirain yun. This is beyond show business, pamilya kayo at mga kaibigan. Magiging mahirap pero kailangan natin yakapin ang kinabukasan.
“I pray for us to grow, and heal.”
Sa huli, nagbigay ng mensahe si Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo kung saan ipinahayag niya ang pagmamahal niya sa aktres hanggang sa katapusan.
“Bal, ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan at walang katapusan.”
Marami naman sa kanilang mga tagahanga ang nalungkot sa tuluyang pag-amin nila na winakasan na nila ang kanilang relasyon sa loob ng 11 years.
Marami ang naghinayang sa pinagsamahan nila sa loob ng mahabang panahon, gayunpaman may mga nagsasabi naman na mas maigi na ang ganoon upang maging malinaw na sa lahat at matapos na ang lahat ng mga speculations.
Hiling naman ng ilang mga fans nila na tuluyan na silang makapag-move forward sa kani-kanilang buhay.
Si Daniel John Ford Padilla, na mas kilala sa kanyang mga tagahanga at sa entertainment industry bilang Daniel Padilla o DJ, ay isang multi-awarded Pinoy actor, recording artist, model, at product endorser. Ipinanganak siya noong Abril 26, 1995 sa aktor na si Rommel Padilla at aktres na si Karla Estrada. Bilang isang artista, nakatanggap si DJ ng maraming parangal sa telebisyon at pelikula.
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News ππ π₯ππ©ππ πππ‘π¨ππππ’π ππ‘π ππ‘π§ππ₯π§πππ‘π ππ‘π§ πͺπ’π₯ππ π ππ§ππ£π’π¦ π ππππ ππ‘ ππ‘π π£πππππππππππππ‘ π‘ππ‘π ππ¬πππ π£ππππππ ππ§ ππππ¨π₯ πππ₯ππ‘πππ/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the publicβs surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthdayβ€οΈNapa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load