SHOCKING: Belle calls Donny ‘baby’ leaked audio allegedly of DonBelle having a strange conversation/hi

Belle tinawag na ‘babe’ si Donny

DonBelle

Grabe ang haba ng pagti-trending ng ‘Babe Try Mo ‘Yung Lato-Lato’, ha!

Imagine, mula gabi hanggang kinabukasan ay trending sila.

At bakit naman siya trending?

Well, ang involved nga kasi ay sina Belle Mariano, Donny Pangilinan, at isama na si Darla Sauler.

Sa video kasi, kasama nga ni Darla ang DonBelle, at bongga nga ang conversation nila, ha!

Ang dinig ng mga fan, ‘Babe try mo ‘yung lato-lato’! Na hirit naman ni Donny, ‘Ikaw na, ikaw nagsabi…’

Reaksyon ng mga fan:

“Omg, babe talaga `yon, ‘di ba?”

“Sanaol tinatawag na babe.”

“Babe naman talaga ang narinig ko.”

“Hindi naman ito first time na tinawag na babe ni Belle si Donny. Pero iba talaga kapag sobrang clear.”

“Grabe Darla ang dami mong pusong pinasaya.”

“Naka-ilang play na ako sa YouTube mo Darla, at babe talaga ang narinig ko.”

“Ah basta, babe talaga, period!”

Well, dahil mabilis nga ang pagkakasabi at halos sabay-sabay rin kasing nagsasalita, kaya ‘babe’ talaga ang intindi ng mas maraming fan.

Pero siyempre, nabasag din ang trip na `yon ng DonBelle fans, dahil na rin sa paglilinaw ng iba na hindi naman ‘Babe’ ang binanggit, kundi ‘Wait’ daw!

Pero kahit igiit pa ng iba na ‘wait’ ‘yon at hindi ‘babe’ sarado na ang isip ng DonBelle fans, na ang narinig nila ay ‘babe’ at hindi ‘wait’, ha!

Oh, eh, may magagawa pa ba tayo? Wala na, ‘di ba?

Ke ano man ang sinabi, ang importante, maraming masaya!

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News