Shocking news: Anne Curtis, Kim Chiu admit begging for love in the past: “Pride crushed.” (ch)

kim chiu anne curtis on love

Guilty sina Anne Curtis, 37, at Kim Chiu, 32, na nagmakaawa sila noon sa ngalan ng pag-ibig.

Naranasan daw nilang isantabi ang kanilang pride—walang arti-artista—dahil sa pagmamahal.

Nabuksan ang paksa dahil sa lyrics na “I’m begging you” ng kanta ng isang “Tawag Ng Tanghalan” contender ng It’s Showtime nitong November 22, 2022.

Tinanong ni Vice Ganda si Anne kung dumating ang aktres sa puntong nagmakaawa siya sa karelasyon at nawalan ng pagpapahalaga sa sarili.

Sagot ni Anne: “Totoo naman, yes, nangyayari talaga iyon.

“Oo, nangyari naman siya [sa akin], but I think yun lang din yung maganda…

“Because I think that is what makes you realize na saturation point na siguro iyon na makakahanap ka, na hindi ka na aabot sa ganoong klaseng puwesto na you’re begging.”

Iyon daw ang panahong nakalimutan na niya pati ang kanyang pride.

“Wala, wala, hindi mo iniisip yun, e. Durog yung pride. Hindi mo iniisip kasi mahal mo yung tao,” paliwanag ni Anne.

Kapag naroon daw sa ganoong kalagayan, walang magagawa kahit ano pa ang estado sa buhay, “artista” man o “dyosa” na bansag kay Anne.

Binalingan ni Vice si Kim at inusisa rin kung naranasaan niyang magmakaawa dahil sa pag-ibig.

Tugon ni Kim: “Opo. Siguro lahat tayo pagdadaanan iyon kasi hindi [tayo] mabubuo.

“Totoo. Lahat pagdadaanan mo talaga ang iba’t ibang klase ng love.”

Sa karanasan daw ni Kim, ipinagpapasalamat niyang nalampasan na niya ito.

“At the end of the day, mari-realize mo, ‘Ay, buti na lang tapos na,’ ganun. ‘Ay, buti na lang nakangiti na ako ngayon.'”

Dagdag niya, “Kailangan mo siyang daanan. Di mo siya dapat lampasan.”

Pinagsisisihan ba niyang nagmakaawa siya noon dahil sa pag-ibig?

Mabilis na sagot ni Kim, “Hindi! Parang okay lang naman. Gumanda naman ako lalo.”

Ganito rin ang sagot ni Anne: “Not at all. Kasi feeling ko nagmo-mold din sa iyo as a person, e.

“It makes you stronger. It makes you into a better person.

“It helps you move on to become stronger, so that when you meet the right person, di ba, buong-buo ka na sa pagmamahal with so much knowledge.”

Naging boyfriend noon ni Kim ang aktor na si Gerald Anderson at naging kontrobersiyal ang kanilang paghihiwalay.

Masaya na ngayon si Kim sa piling ng boyfriend na si Xian Lim.

Isa sa mga kontrobersyal na nakarelasyon noon ni Anne ay si Sam Milby.

Si Anne ay ikinasal sa celebrity chef at vlogger na si Erwann Heussaff noong 2017. Mayroon na silang isang anak, si Dahlia, 2.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News