Coco Martin, inamin na ang kanyang first kiss ay si Allan Paule
PHOTO : Coco Martin and Allan Paule
Inamin ni Coco Martin na ang aktor na si Allan Paule ang kanyang âfirst kissâ on screen dahil sa pelikula nila na âMasahistaâ.
Sa isang panayam, naitanong kay Coco kung sino ang kanyang first kiss, nagulat naman ang lahat dahil hindi babae at ito ay ang aktor na si Allan Paule.
Natatawang sagot ni Coco : âSi Allan Paule.â
Coco Martin sa Toni Talks
Viral naman ang latest interview ni Coco sa show ng aktres-singer na si Toni Gonzaga na âToni Talksâ, dito ibinahagi ni Coco ang mga hirap na kanyang pinagdaanan sa pagpasok niya sa showbiz.
Ani Coco : âKung tutuusin..ako yung pinaka..medyo mahirap na pinag-daanan..kasi biruin mo first movie ko..Gay film..[Masahista].
âMagpapakita ka ng pwet, diko makalimutan brief ko nun Bench pa nga yun eh.â dagdag ni Coco.
Coco Martin, sinumpa ang ABS-CBN
Inamin rin ni Coco na ilang beses siyang nakatanggap ng rejections mula sa kapamilya network.
Hindi niya makakalimutan na marami ang proyekto na ino-offer sa kanya ngunit pagdating umano sa casting ay muli siyang tinatawagan dahil hindi umano fit sa kanya ang naturang role.
Ang mga rejections na ito ay mula umano sa image ni Coco bilang âBold Starâ, dahil sa pelikula niya na âMasahistaâ kaya maraming proyekto ang hindi niya nakukuha.
Dito na inamin ni Coco na nagawa niyang isumpa ang ABS-CBN.
Ani Coco : âKasi first project ko gay film, sexy tapos kasi putok ako sa indie (movies) noân kasi tatlo o apat ang ginagawa ko na puro (pang) festival noân. Sabi niya, âpuwede kay Coco Martin gagawin naming love triangle ni Shaina (Magdayao) saka ni Rayver (Cruz).
âSabi ko, âopo-opo (binanggit ang talent fee) okay na po âyan, basta makapasok lang kami kasi nga (katwiran) namin kapag nasa TV ka bread and butter talaga âyan âyung totoong hanapbuhay. Kaya nuâng may TV (serye) na nag-inquire sa akin, sobra akong natuwa!
âTapos after two or three days sabi ni Tita Angge (SLN), âsorry kasi si Coco pala boldstar pala, eh.â Siyempre nakaramdam ako ng rejection at okay lang âyun. Isip ko ganuân pala âyun, e, ang tingin ko kasi hindi boldstar kasi laki ako sa lola ko, eh, napaka-conservative nuâng tao at saka tingin sa akin matandang binata kasi nga ang sungit ko.
âDoon na talaga ako nasaktan, galit na galit ako talaga, sabi ko bakit ganuân, e, sila naman ang kumukuha sa akin? Tapos pag binalikan ka nila parang napaka-baba mong tao? Boldstar raw ako?
âSamantalang nuâng ginagawa ko ang mga trabaho ko hindi ko tinitingnan na boldstar ako, ang tinitingnan ko pelikula (trabaho) at kailangan kong maghubad, eh. Parte âto ng pag-arte ko, eh. âYun ang eksena anong gagawin ko?
âSinumpa ko talaga ang ABS CBN honestly (sabay taas ng dalawang kamay). Sinumpa ko talaga!
âKasi ang sakit, eh. Ang baba ng tingin saâyo tapos ikaw ang taas ng respeto mo sa trabaho mo? Tapos ang tingin sa âyo ganuân?â dagdag ni Coco.
Check This Out