Kim Chiu asked when she last told an ex: “I wish you the best”
Kim Chiu hopes the best for her ex.
Amid the rumor about her alleged breakup with Xian Lim, Kim Chiu is often teased about the status of her love life on It’s Showtime.
Naging tampulan muli ng panunukso si Kim Chiu tungkol sa usapang ex sa episode ng It’s Showtime ngayong Lunes, December 4, 2023.
Nangyari ito sa bagong segment ng ABS-CBN noontime show na “Expecially For You,” isang dating game kung saan kasama ng contestant ang kanyang ex.
Sa isang punto, naging usapan ang tungkol sa paghahangad ng tagumpay ng isang tao para sa kanyang dating karelasyon.
Unang tinanong ni Vice Ganda ang co-host na si Vhong Navarro.
“Pag successful ka na, gusto mo maligaya rin ang ex mo, successful para pareho kayo,” sagot ni Vhong.
Tinanong din ni Vice si Karylle, na halatang umiwas.
Sabay sabi ni Vice, “Yun naman ang dapat. We should always wish the best for everybody.”
Sa puntong iyon ay ibinaling ni Vice ang atensiyon kay Kim.
Dinig ang reaction ng audience at pati ang co-hosts. Bali-balita ngayon na hiwalay na umano si Kim sa boyfriend na si Xian Lim.
Pagpapatuloy ni Vice sa tanong kay Kim kung totoong kapag ex mo na ay wala nang nararamdamang concern.
Sumagot si Kim: “Totoo naman ang kasabihang, ‘I wish you the best,’ kahit di mo birthday, di ba? O, di ba, ‘Happy birthday, I wish you all the best in life.’
“Kahit walang okasyon, gusto mo yung best para sa tao.”
Hindi roon nagtapos ang panunukso ni Vice.
“Kailan mo huling nasabi yan na, ‘I wish you the best’?”
Malakas na tawa ang reaksiyon ni Kim.
“Kanina lang nung nag-birthday greeting ako,” birong sagot niya kasabay ng tawa.
Sa isang interview noong November 27, tinanong si Kim tungkol sa estado ng relasyon nila ni Xian.
“Grabe, sa amin na lang muna yon. We’ll just keep it to ourselves na muna,” sagot ni Kim.
Na-interview rin siya ukol kay Xian noong October 31 sa presscon ng limited series niyang Linlang.
Maiksi man ang sagot ay nakapagkomento pa rin siya ukol kay Xian.
Sinabi ni Kim na “okay naman” sila ni Xian, at umoo siya nang tinanong kung “very strong” ang kanilang relasyon.
Napansin kasi ng mapagmatyag na netizens na walang masyadong posts sina Kim at Xian na magkasama lately.
Noong nakaraang buwan ay may mga biyahe sa loob at labas ng bansa si Kim na wala si Xian.
kim teased about her love life ON IT’S SHOWTIME
Recently, maraming beses na nagiging tampulan ng panunukso si Kim ng kanyang fellow It’s Showtime hosts tungkol sa love life.
Noong November 2, tinukso siya ni Vice at tinanong kung sino ang nagpapangiti sa kanya.
Nabanggit pa ni Kim noon na isa na rito si Xi (palayaw ni Xian).
November 15, sa segment na “Tawag ng Tanghalan,” kapansin-pansing ingat na ingat sina Amy Perez at Vhong na tanungin si Kim nang pag-usapan ang ukol sa pagkakaroon ng pinagdadaanan.
News
OMG : AlDub Nation fans are angry at Alden Richards for calling Kathryn Bernardo “love”, they made vulgar comments to KatDen/hi
Tanders Ng AlDub Nation, Galit Kay Alden Richards Dahil Tinawag Si Kathryn Bernardo Na Love Hindi natuwa ang ilang mga tagahanga ng AlDub na patuloy naniniwala sa romantic na relasyon nina Maine Mendoza at Alden Richards sa kabila ng pagiging…
HOT: Sinagot ni Kathryn Bernardo ang post ni Daniel Padilla matapos itong mag-viral…/hi
Kathryn Bernardo, Sinagot Ang Pasaring Ni Daniel Padilla Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ng ilang mga netizens ang social media post ni Daniel Padilla kung saan tila kinumpara niya si Kathryn Bernardo sa isang basura. Sa isang Instagram stories…
SHOCK: Sinagot ni Vice Ganda ang ginawa ng isang guro, at tinawag itong isang uri ng insulto./hi
Vice Ganda Sinagot Ang ‘Open Letter’ ng Isang Guro! Naging mainit na usapin sa mundo ng social media ang binitawang pahayag ni Vice Ganda bilang YorMeme sa isang segment ng It’s Showtime. Umani ng samu’t-saring reaksyon at komento mula sa…
SHOCK: Sue Ramirez has revealed Arjo Atayde’s secret child is related to a shocking secret…/hi
Sue Ramirez, Inilantad Na Ang Lihim Na Anak Nila Ni Arjo Atayde? Sa kasalukuyang panahon, isa sa mga pinakatinatalakay sa social media ang posibleng paghihiwalay ng kilalang showbiz couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde. Ang kanilang relasyon ay…
The camera captured KathDen’s last sweet moment at the first location, fans regretted it./hi
KathDen Last Taping sa 1st Site, KathDen Nakuhanan na Sweet na Sweet Nagpost ng mga larawan at video sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa kanilang mga social media accounts, na nagpapakita ng kanilang mga sandali sa Calgary, Canada. Ang…
SHOCKING : Kakaibang reaksyon ni Alden Richards sa kinikilos ni Kathryn Bernardo Bakit hindi niya iyon pinansin?/hi
Reaksyon Ni Alden Richards Sa Ginawa Na Ito Ni Kathryn Bernardo Bakit Hindi Ito Pinusoan Maraming tao ang nagtatanong at naguguluhan kung bakit hindi pinansin o ni-like ng Kapuso actor na si Alden Richards ang post ng Kapamilya actress na…
End of content
No more pages to load