Liam Payne's suspect speaks out over singer’s death

Argentinian waiter Braian Nahuel Paiz (left), one of the three suspects in the death of Liam Payne (right), declares his innocence.
PHOTO/S: Screengrab @EntertainmentTonight YouTube

Nagsalita na ang isa sa hinihinalang suspek sa pagkamatay ng former One Direction member na si Liam Payne.

Ito ay ang waiter sa hotel kunsaan binawian ng buhay ang singer.

Pumanaw si Liam matapos mahulog mula sa balkonahe ng kanyang hotel room, na nasa ikatatlong palapag ng CasaSur hotel sa Palermo, Buenos Aires, Argentina, noong October 16, 2024.

Siya ay 31.

Sa patuloy na imbestigasyon ng awtoridad, tatlong katao ang natukoy nilang konektado sa pagkamatay ni Liam.

Isa rito ang “friend” ni Liam, at dalawang empleyado ng hotel. Ang mga ito ang itinuturong nag-supply at nag-abot ng droga sa singer bago ito binawian ng buhay.

Dahil dito, agad ni-raid ng pulisya ang mga bahay ng itinuturong “friend” ni Liam at locker ng dalawang empleyado.

ONE HOTEL STAFF SPEAKS OUT OVER LIAM’S DEATH

Matapos ang pag-raid sa kanyang bahay, nagsalita na ang isa sa tatlong suspek para linawing wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni Liam.

Ito ay ang hotel staff at waiter na si Braian Nahuel Paiz.

Liam Payne's suspect speaks out over singer’s death

Braian Paiz (right) and Liam Payne (left) 
Photo/s: Screengrab @EntertainmentTonight YouTube

Sa pagharap ni Paiz sa pulisya at sa media nitong Lunes, November 11, iginiit nitong wala siyang kinalaman sa pagsu-supply ng droga kay Liam.

Nagkita at nagausap lang daw sila ni Liam para ipakita at iparinig sa kanya ng singer ang bago nitong kantang isinulat.

Pahayag ni Paiz (ayon sa English translation ng The Independent), “The reality is, I didn’t supply him with drugs. We exchanged contact details in the restaurant I work in.

“And then we got together and he showed me some of his music that he was yet to release.

“I’ve heard people saying he was taking drugs, but the truth is that when he got to the restaurant where I was working he was already under the effects of drugs and he didn’t actually eat anything.”

Nang mapasarap daw ang kanilang kuwentuhan, niyaya ni Liam si Paiz na manatili muna saglit sa hotel room nito at samahan siyang humithit ng marijuana at cocaine.

NOOD KA MUNA!
BINI members talk about their fashion styles in this fun Q&A session | PEP Exclusives

Saad ni Paiz, “We took drugs together, but I never took drugs to him or accepted any money.”

LIAM’S TRAGIC DEATH

Base sa mga naunang report, aksidente ang pagkahulog ni Liam at walang katotohanan ang haka-hakang sinadya niyang tumalon na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Hindi man sinadya, napag-alaman namang nasa impluwensiya ng droga at alak ang dating One Direction member nang mangyari ang trahedya.

Bagay na nagtutugma sa isinagawang autopsy sa kanyang katawan.

Sa inilabas na preliminary autopsy sa bangkay ni Liam, napag-alamang nagkaroon siya ng multiple injuries, internal at external bleeding na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Sinabi rin ng forensics expert na walang pinsala ang braso at mga kamay ni Liam.

Pahiwatig itong hindi iniunat ng singer ang kanyang mga braso bilang proteksiyon sa sarili nang bumagsak siya sa inner patio ng hotel.

Liam Payne

Photo/s: Liam Payne on Facebook

Sa isinagawa namang partial toxicology report, makikita ang multiple drugs sa loob ng katawan ni Liam noong mga oras na pumanaw ito.

Natukoy na pink cocaine, na naglalaman ng “methamphetamine, ketamine, and MDMA,” ang in-injest ni Liam.

Nakalista rin ang crack cocaine at benzodiazepine.

Ang pink cocaine ay pink powder na naglalaman ng ketamine, methylenedioxymethamphetamine (MDMA), methamphetamine, cocaine, opioids, at pschoactive substances, ayon sa artikulo mula sa The American Journal of Drug and Alcohol Abuse noong nakaraang taon.

Ang ketamine, ayon sa dea.gov ay “dissociative anesthetic” na may hallucinogenic effect.

Ang MDMA ay kilala rin sa tawag na “ecstacy,” na ayon sa msdmanuals.com ay nakakadulot ng excitement at disinhibition.

Ang methamphetamine, o shabu, ayon sa nda.nhi.gov, ay highly addictive stimulant na nakakaapekto sa central nervous system.

Ang benzodiazepines, ayon sa clevelandclinic.com, ay medication na nagpapabagal ng activity sa brain at nervous system.

Ang cocaine, ayon sa webmd.com, ay highly addictive drug na nagpapataas ng level ng alertness, attention, at energy ng isang tao.