At ngayong naka-step one na siya sa pagiging director, pangarap daw ni Alden na makapag-direk ng isang psycho film na siya rin ang bida in the future.

Photos: @aldenrichards02, @cocomartin_ph

 

At ngayong naka-step one na siya sa pagiging director, pangarap daw ni Alden na makapag-direk ng isang psycho film na siya rin ang bida in the future.

Sa January 2 ang ika-32ng birthday ni Alden Richards. At sa U.S. niya ito ipagdiriwang kasama ang kanyang pamilya.

Pagbalik n’ya sa bansa, magiging abala naman siya sa taping ng bago niyang primetime series sa GMA-7, ang Pulang Araw. Bukod pa doon, magiging busy na siya sa promo ng pinagbibidahan at idinidirek niyang pelikula para sa VIVA Films, ang may tentative tile na Out of Order, kung saan si Heaven Peralejo ang leading lady n’ya.

Doble ang excitement ni Alden for the said project dahil first time niyang susubukang mag-direk ng isang proyekto, na incidentally ay siya rin ang bida at co-producer pa.

“First ever film ko ‘to [as director]. It’s a partnership between VIVA Entertainment and ‘yung company ko po, Myriad Entertainment. Napakabuti po ni Boss Vic del Rosario, binigyan ako ng opportunity to give full control of the film.”

Natutuwa raw si Alden kapag naririnig niya na tinatawag siyang Direk Alden o Direk AR.

At ngayong naka-step one na siya sa pagiging director, pangarap daw ni Alden na makapag-direk ng isang psycho film na siya rin ang bida in the future.

“Kasi, right now po that I have started directing my first film, parang do’n ko nae-experience kung ano ang nagiging imagination ko kapag binabasa ko ang script, ‘yun talaga ang nangyayari. Pero, before po kasi, some of the script, medyo hindi po nangyayari ang vision ko.

“Ngayon, kung ano ang nabasa ko, kung paano ko siya gustong mangyari, nangyayari po siya.”

Si Heaven Peralejo ang leading lady ni Alden sa kanyang Viva project at si Boss Vic daw ang nag-suggest dito.

“And I see Heaven’s work, she’s a great actress. She’s very talented at multi-awarded din at the same time,” aniya.

“At ang ganda rin kasi ng sinabi ni Heaven when I presented the concept to her,” dagdag niya. “She was looking for a project na hindi na gano’n pa-sweet o pa-tweetums.

“Parang she has so much to give and I saw it here. Like, noong huli pong shoot namin, we shot—court drama po kasi ito. But ‘yung title na nakikita natin sa social media, ang Out of Order, working title pa lang po siya.”

Gumaganap na lawyer si Alden sa pelikula at ex-girlfriend niya si Heaven na siyang nasasakdal.

Ngayon pa lang, may papuri na si Heaven sa kanya. Ayon sa aktres sa isang interview, “he’s one of the best directors.”

“Nakita ko ‘yon, kinilig ako,” masayang pag-amin ni Alden.

Nais daw niyang i-dedicate kumbaga ang kanyang pagsabak sa directing sa mga direktor na nakatrabaho na niya.

“I would like to pay tribute to the two directors na I’ve worked with this year,” dagdag ulit niya. “Since sila ‘yung mga huli kong trabaho bago ko mag-direk.

“Sina Direk Irene [Villamor] at Direk Nuel [Naval]. I saw  a lot of pointers from them na minsan, mari-realize mo ang directing, hindi mo kailangan na maging academic about it. It’s about experience on how you want the project to be seen.

“But at the end of the day, it’s team work. I’m so blessed to have the best team I can work with in this project. Kaya parang hindi na po ako masyadong nahirapan to really mount it and then, sasabihin ko lang how I want this scene to be shot, this is my vision of the scene and they will work around it.

“Pagkatapos po nito, pag nagka-time ako, baka do’n ako pumasok sa film school.”

At dahil sa mga bagong tinatahak ni Alden, hindi maiwasang maikumpara na siya ngayon kay Coco Martin for wearing many hats as actor, director, and producer. In an interview, nabanggit ni Coco ang pangalan ni Alden sa isa mga nais niyang maka-collab in the future.

“Mas gusto ko po siyang maka-work,” mabilis na sagot naman ni Alden nang i-bring up namin ito.

“I was able to talk to him these days and nakakatuwa, kasi, since I’ve worked with Julia [Montes], I was able to meet him as well. Kung meron daw akong kailangan, tawag lang ako. Advice man ‘yan or s’yempre, hindi naman sa pinansiyal, nakakahiya,” sabay tawa niya sa sariling joke.

“Joke lang, kidding aside po…Coco is a genuine person and Julia as well.  Parehong-pareho. Kaya siguro hindi na ‘yon bago sa mga taong nakakakilala talaga sa kanila. Na-impress din ako nang makilala ko silang dalawa. Ito ‘yung tropa mo for life.”

At nai-reveal nga rin ni Alden na sa susunod na MMFF, posibleng sila naman ni Coco ang magko-collab.

Whoa!

Pero bago yan, busy muna si Alden sa promo ng kanyang MMFF 2023 entry, ang Family of Two (A Mother and Son Story), kung saan naka-aktingan n’ya for the first time si Megastar Sharon Cuneta. Another check off his bucket list din ito.

Ang Family of Two (A Mother and Son Story), na handog ng CineKo Productions, ay showing na come Christmas Day, December 25.