
Archie Alemania, wala pang opisyal na pahayag sa reklamong acts of lasciviousness na sinampa ni Rita Daniela.
PHOTO/S: @archiealemania / @ritadaniela Instagram
GORGY RULA:
Dineactivate ni Archie Alemania ang comments section sa mga huling posts niya sa Instagram.
Pero sa post niya sa thanksgiving party ni Bea Alonzo noong September 8, 2024 kung saan doon nagsimula ang isyu nila ni Rita Daniela ay bukas pa rin ang comments section at doon siya na-bash ng ilang netizens.
Kahit sa Facebook account ni Archie ay pinutakti rin siya ng matinding bashing.
Kaya siguro minabuti niyang manahimik muna sa ngayon.
Wala kaming ideya kung paano ito tinanggap ng pamilya, lalo na ang asawa niyang si Gee Canlas.
May naririnig lang kaming hindi raw sila okay, pero inaasahan namang susuportahan ang aktor ng kanyang asawa.

The party at Bea Alonzo’s house where Archie and Rita came from on the wee hours of September 9
Photo/s: Nice Print Photo
RITA DANIELA LAWYER
Sinubukan naming humingi ng panayam kay Rita Daniela, pero ang sabi ng legal counsel niyang si Atty. Maggie Abraham-Garduque, hindi raw talaga magsasalita si Rita dahil traumatic sa kanya ang karanasang iyun.
Kahit noong nag-file sila ng complaint sa Bacoor Prosecutor’s Office ay tumanggi rin siyang magpa-interview.
“Yes, kasi traumatic talaga sa kanya. Maawa ka kapag kinausap mo siya,” text sa akin ni Atty. Maggie nung nakiusap akong kapanayamin si Rita.
Sabi pa ni Atty. Maggie, “She is not okay but she has a family to raise and work to fulfill. Halos every day I talk to her even midnight, para she has the courage to face the next day.
“She needs to look okay to the camera and be professional to her undertakings.”
Mas mabuting manahimik na lang daw muna para hindi na ito pagpiyestahan pa sa social media.
Tama na raw na nakapagsampa na ang Kapuso actress ng complaint, at hintayin na lang sagot ng kampo ni Archie Alemania.
Ayon kay Atty. Maggie Garduque, nagpapasalamat lang daw si Rita Daniela sa lahat na sumusuporta sa kanya, lalo na ang kanyang pamilya.
“She was very thankful. She has a lot of struggle before she files the complaint. How will it affect her career, etc.
“But I see Rita as a kind of person who will not let a wrong be left not acted upon. And there are people who may not like her taking this action. Kaya nagpapasalamat siya na may sumuporta sa kanya.
“In behalf of Rita, she wants to thank all the people who believe and support her in this trying times,” text ni Atty. Maggie sa PEP Troika.
JERRY OLEA:
Hindi lang sina Rita Daniela at Archie Alemania ang napagdiskitahan ng ilang netizens, kundi pati na rin ang abogado ni Rita na si Atty. Maggie Garduque.
May mga nagkukuwestiyon kay Atty. Maggie kung kanino raw ba talaga siya, sa nabiktima ng acts of lasciviousness o sa nambiktima nito.
Si Atty. Maggie rin ang legal counsel ng dalawang independent contractors na sina Jojo Nones at Richard “Dode” Cruz.
Kaya may mga nagtatanong kung para kanino raw ba talaga ang simpatiya niya? O trabaho lang talaga ito?
“I’m just doing my job kuya,” pakli ni Atty. Maggie.
Ang sabi pa niya, “If a person comes to me saying that he/she is a victim, I will assess the facts and his/her evidence. If I believe that he/she is telling the truth, I’ll accept the case.”
Tinitingnan din daw muna niya kung talaga bang nagsasabi ito ng totoo.
“If a person goes to me, saying that he/she is falsely accused, I’ll assess also his counter-allegations and evidence.
“If I believe that he/she has a valid defense, then I’ll accept the case.
“At the end of the day, we lawyers are not judges. It is our job to protect every person’s right kahit victim or accused pa siya. Both party has his/her respective rights,” dagdag niya.
News
Lumabas sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa screening ng pelikulang ‘And the Breadwinner Is’ na marami pang bagay na dapat ibunyag….. (nuna)
Kim Chiu and Paulo Avelino made the rounds on social media after being spotted at the blocking screening for “And the Breadwinner Is…” Kim Chiu at Paulo Avelino, spotted sa block screening ng ‘And the Breadwinner Is’ (@annecurtissmith, @chinitaprincess) Source:…
Boy Abunda, humiling na huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang breakup (nuna)
Umapela ang King of Talk na si Boy Abunda sa publiko na pairalin ang kabutihan at huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos na maghiwalay ang dalawa.Dahil sa panibagong kabiguan sa pakikipagrelasyon ni Bea, sinabi ni Tito Boy…
Sunshine Cruz, Atong Ang kissing video goes viral (nuna)
Atong Ang at Sunshine Cruz A kissing video of actress Sunshine Cruz and businessman Atong Ang went viral on social media. In a video uploaded on TikTok, Sunshine was seen kissing Atong while in an unknown cockpit arena. It can…
Denise Julia Responds to BJ Pascual’s Accusations of Canceling a Photoshoot (nuna)
R&B singer Denise Julia (left) speaks up after celebrity photographer BJ Pascual (right) named her as the “worst celebrity/model to shoot.” PHOTO/S: Instagram / YouTube Sumagot na ang R&B singer na si Denise Julia sa mga akusasyon sa kanya ng…
KC hopes relationship with mom Sharon will be “ok” soon (nuna)
KC Concepcion (left) on mom Sharon Cuneta (right): “Christmas will always be about love, laughter, and time with family for me… ending the year right with a conversation between Mama and I. She always makes the holidays extra magical and…
Julia Barretto thinks it’s okay to walk away from this situation (nuna)
Julia Barretto on trusting the people closest to her: “I feel like yung mga nasa paligid namin, that stood the test of time. Kumbaga, parang napatunayan na ang loyalty, and parang good naman para sa amin, so far masaya naman…
End of content
No more pages to load