
Eagle-eyed netizens notice that ex-engaged couple Catriona Gray (right) and Sam Milby (left, with John Prats) are seated apart on a plane bound for Canada for a series of shows.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
Nalungkot ang ilang fans ng dating engaged couple na si Miss Universe 2018 Catriona Gray at ng actor-singer na si Sam Milby.
Kahapon, November 5, 2024, nag-post ang Cornerstone Entertainment sa kanilang Instagram account ng larawan kung saan makikita ang halos lahat ng kanilang prime artists.
Kabilang dito sina Sam, Catriona, Piolo Pascual, at John Prats.
Sabi sa caption, “Hey Canada, you’re in for a treat!
Kaagad napansin ng netizens na hindi magkatabi sa upuan sina Catriona at Sam.
Sabi ng isang netizen, “di na sila magkatabi sa seats catsam”
Sagot ng isang netizen, “Yes”
Opinyon ng isa, mas maigi na raw na kahit ganun ay nananatili silang magkaibigan.
Ayon dito, “Oo, atleast they’re still friends. yan ang maganda sa mga mag ex. hindi yong nag sisiraan at naging magkaaway sa huli hehe”

Komento ng isa pa, “Nakakasad lang CatSam no more, their US concert last year was a huge success with of course konting kilig from CatSam (broken heart emoji) Moving on….for sure my fellow Filcans will have a blast with this CS all star concert and for Sam’s solo performance this time”

CATRIONA GRAY, SAM MILBY CALLED OFF THEIR ENGAGEMENT?
Hanggang ngayon ay wala pang nagsasalita kina Catriona at Sam sa totoong estado ng kanilang relasyon.
Pero hindi nakalusot sa mapanuring mata ng netizens ang biglaang pagbura ni Catriona sa engagement photos nila ni Sam noong nakaraang May 2024.
Dahil dito, umugong muli ang haka-hakang tuluyan nang naghiwalay sina Catriona at Sam at hindi na matutuloy ang nakaplano nilang pagpapakasal.
Noong Febuary 8, 2024, napabalitang break na sina Catriona at Sam nang mapansin ng mapanuring netizens na hindi na suot ng dating Miss Universe ang kanyang engagement ring.
February 4, tila binasag ng engaged couple ang hinala sa kanilang relasyon nang maispatan silang magkasama.
Sa litratong in-upload ni John Prats sa Instagram, makikita ang tila pakikipag-double date nila ng kanyang asawa na si Isabel Oli kina Catriona at Sam.
Febuary 24, muli silang naintriga nang naiulat sa isang vlog na totoong break na ang dalawa.
Ayon sa vlog, may nakapagsabing source na matagal nang hiwalay sina Catriona at Sam ngunit nananatiling magkaibigan ang dalawa.
Sa katunayan daw, nang nagdiwang ng ika-30 kaarawan si Catriona noong January 6, 2024, ay wala na sila ni Sam.
Napagtanto raw kasi ng aktor na hindi pa siya handang magpakasal kay Catriona matapos mag-propose ng aktor noong February 16, 2023.
Hanggang noong February 28, 2024, tuluyan nang inamin ng Cornerstone Entertainment, ang talent management ng dalawa, na kasalukuyang may hinaharap na pagsubok ang relasyon nina Catriona at Sam.
Pero sinusubukan naman daw ng dalawa na ayusin ito.
Bahagi ng pahayag ng talent management company: “We at Cornerstone, as the talent management agency representing artists Sam Milby and Catriona Gray, would like to address the recent rumors surrounding their relationship.
“While it is true that Sam and Catriona are currently facing some challenges in their relationship, they are actively working on resolving these issues together.”
Nakiusap ang Cornerstone na bigyan muna ng pribadong panahon ang dalawa habang inaayos nila ang kanilang gusot.
“We kindly request that everyone respect their privacy during this time as they navigate through this situation.
“We appreciate the concern and well-wishes from all those who have shown support for the couple.”
News
Lumabas sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa screening ng pelikulang ‘And the Breadwinner Is’ na marami pang bagay na dapat ibunyag….. (nuna)
Kim Chiu and Paulo Avelino made the rounds on social media after being spotted at the blocking screening for “And the Breadwinner Is…” Kim Chiu at Paulo Avelino, spotted sa block screening ng ‘And the Breadwinner Is’ (@annecurtissmith, @chinitaprincess) Source:…
Boy Abunda, humiling na huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang breakup (nuna)
Umapela ang King of Talk na si Boy Abunda sa publiko na pairalin ang kabutihan at huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos na maghiwalay ang dalawa.Dahil sa panibagong kabiguan sa pakikipagrelasyon ni Bea, sinabi ni Tito Boy…
Sunshine Cruz, Atong Ang kissing video goes viral (nuna)
Atong Ang at Sunshine Cruz A kissing video of actress Sunshine Cruz and businessman Atong Ang went viral on social media. In a video uploaded on TikTok, Sunshine was seen kissing Atong while in an unknown cockpit arena. It can…
Denise Julia Responds to BJ Pascual’s Accusations of Canceling a Photoshoot (nuna)
R&B singer Denise Julia (left) speaks up after celebrity photographer BJ Pascual (right) named her as the “worst celebrity/model to shoot.” PHOTO/S: Instagram / YouTube Sumagot na ang R&B singer na si Denise Julia sa mga akusasyon sa kanya ng…
KC hopes relationship with mom Sharon will be “ok” soon (nuna)
KC Concepcion (left) on mom Sharon Cuneta (right): “Christmas will always be about love, laughter, and time with family for me… ending the year right with a conversation between Mama and I. She always makes the holidays extra magical and…
Julia Barretto thinks it’s okay to walk away from this situation (nuna)
Julia Barretto on trusting the people closest to her: “I feel like yung mga nasa paligid namin, that stood the test of time. Kumbaga, parang napatunayan na ang loyalty, and parang good naman para sa amin, so far masaya naman…
End of content
No more pages to load