Gretchen Barretto parties with Tonyboy Cojuangco, Atong Ang amid “powerful boyfriend” issue
Gretchen Barretto shows party photos with longtime partner Tonyboy Cojuangco and “spokesperson” Atong Ang.

Gretchen Barretto (left) shows party photos with longtime partner Tonyboy Cojuangco (center) and “spokesperson” Atong AngHindi nagpatinag si Gretchen Barretto sa kabila ng isyung may relasyon siya diumano sa negosyanteng si Atong Ang, kahit sila pa ng long-time partner niyang si Tonyboy Cojuangco.
Sa kanyang Instagram post ngayong Martes, October 29, ipinakita ni Gretchen ang ilang larawan na kuha sa dinaluhan nilang party ng CATS Motors chairman na si Felix Ang.
Sa video ni Gretchen, makikitang nag-perform bilang gitarista si Tonyboy kasama ng isang banda.

Naglagay rin si Gretchen sa Instagram Stories ng litrato ni Atong, na itinuturong “powerful boyfriend” niya diumano.
Kalakip nito ang written text ni Gretchen na nagsasabing si Atong ang kanyang “Newly hired spokesperson.”
Dinagdagan pa ito ni Gretchen ng shocked emoji.

Lumalabas na pasaring ito ni Gretchen sa kontrobersiyal na alitan nila ng kapatid niyang si Marjorie Barretto at pamangking si Nicole Barretto.
GRETCHEN’S ALLEGED AFFAIR WITH ATONG
Tahasang inamin ni Nicole na dati niyang karelasyon si Atong at inagaw raw ito sa kanya ng tiyahing si Gretchen.
Saad ni Nicole patungkol kay Gretchen: “I’m stating the fact that my own aunt stole my boyfriend.”
Ang nakababatang kapatid ni Gretchen na si Marjorie ang nagpatunay na limang taon umanong nagkarelasyon sina Nicole at Atong.
Saksi rin daw si Marjorie kung paano pinasakitan diumano ni Gretchen si Nicole matapos agawin si Atong dito.
Tahasan ding inamin ni Marjorie na si Atong ang tinutukoy niyang “powerful boyfriend” diumano ni Gretchen na kinakatakutan ni Marjorie matapos niyang mapilitang magsalita tungkol sa away nila ni Gretchen.
GRETCHEN, ATONG AIRPLANE PHOTO
Hindi rin kaila sa publiko ang lumabas na viral photo nina Gretchen at Atong, kung saan makikitang pareho silang tulog at magkahawak ang kamay habang sakay ng eroplano.
Nanindigan si Gretchen na “nothing wrong with these photos” dahil pareho raw silang tulog ni Atong at “fully clothed” naman daw sila.
Humarap din si Atong sa live interview ng TV Patrol at nanindigang wala silang relasyon ni Gretchen.
Paliwanag ni Atong, walang malisya ang larawan nila ni Gretchen dahil “parang kapatid” na raw ang turing niya sa aktres.
“Eto kasi yung rules nila ni Tony sa family nila.
“Sabay silang nagtata-travel, pero hiwalay sila ng eroplano. Iisa ang anak nila.
“Baka madisgrasya yung eroplano, baka may mangyari sa isa kaya palaging hiwalay.
“Si Gretchen kasi very close sa akin, parang kapatid ko talaga iyan.”
Dagdag pa ni Atong, magkakasosyo sila nina Gretchen at Tonyboy at madalas ding magkakasamang mag-travel.
GRETCHEN, TONYBOY, ATONG UNFAZED BY CONTROVERSY?
Ang pagharap na ito ni Atong sa national television ang dahilan kung bakit nasabi ni Gretchen na ito ang bago niyang “spokesperson.”
Nang humarap kasi si Atong sa TV Patrol noong October 24 ay nasa San Francisco, California, USA si Gretchen upang magbakasyon at “magpaalaga” sa anak nitong si Dominique Cojuangco.
Kababalik lang ni Gretchen sa Manila at nakahabol sa dinaluhang party kagabi.
News
KUMPIRMADO! Sa wakas inamin na nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda na official na ang kanilang relasyon – SI ALDEN RICHARDS ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON 😱🥰
Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo – Alden Richards, in ‘FTWBA,’ was asked about his “Hello, Love, Again” co-star, Kathryn Bernardo – On the show, Boy Abunda frankly asked Alden if he was courting…
Nadine Lustre calls out basher’s vulgar remark: ‘Didn’t pass the vibe check’
Nadine Lustre. Images: Instagram/@nadine Nadine Lustre didn’t waste any time in calling out a netizen who left a vulgar comment on her Instagram page, saying the latter “didn’t pass the vibe check.” Lustre took to her Instagram Story on Monday,…
Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo: Ang Nakakagulat na Common Denominator sa pagitan ng Tatlong Icon na Ito!
Empowered women: Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo It is good to note that the entertainment industry is peopled with empowered women — individuals who possess an unwavering belief in their own capabilities and worth and use their confidence to navigate challenges…
Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop
Ogie Diaz has taken to social media to share his honest reaction to a viral video about Kim Chiu. Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop (@chinitaprincess, @ogie_diaz) Source: Instagram In the…
Ivana Alawi, Ipina-Tulfo Na Ang Mga Business Partners!
Itinampok si Ivana Alawi, sa pinakabagong episode ng programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa kasong estafa na isinampa niya laban sa kanyang mga business partner. Sa kanyang pakikipag-usap kay Sen. Raffy Tulfo, humihingi si Ivana ng refund na…
Part 2 | BISTADO NA KASAMA Sa VIDEO Christine Dacera at Valentine Rosales INILABAS NA ANG LAHAT
Introduksyon Sa ikalawang bahagi ng kwentong ito, umusbong ang mga bagong impormasyon tungkol sa relasyon nina Christine Dacera at Valentine Rosales. Ang mga bagong video at ebidensya ay nagbigay-diin sa kanilang koneksyon, na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa…
End of content
No more pages to load