Claudine Barretto grateful for Katrina Paula for visiting her

Actress Claudine Barretto shares on Instagram some snaps of her and good friend Katrina Paula who paid her a visit at her home. 
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Matagal na umanong nakikipaglaban sa depression ang aktres na si Claudine Barretto sa depresyon.

May mga araw pa nga raw na hindi siya nakakakain dahil wala siyang gana.

Kaya ipinagpapasalamat daw ni Claudine kapag binibisita siya ng kanyang mga itinuturing na kaibigan.

Sa kanyang Instagram post ngayong Martes, November 5, 2024, sinabi ni Claudine nagulat siya sa biglaang pagbisita ng kaibigang si Katrina Paula sa kanyang bahay.

Masaya raw silang nag-bonding ng itinuturing niyang “great friend and sister.”

Buong post ni Claudine, “when you are going through Depression that’s when you know who is there for u.

“Whether its to watch Netflix with you.

“looking crazy just to make you laugh sa madaling araw & force feed u.

“i thank u sis @realkatrinapaula you truly are a great friend & sister.

“gulat ako she visited just when i really needed someone there for me last night.

“i luv u sis @realkatrinapaula”


Kahapon din, November 4, nagpasalamat si Claudine sa kumare niyang si Happy Ongpauco dahil pinadalhan naman siya nito ng mga paborito niyang champorado at iba’t ibang klase ng pastries.

Claudine Barretto pastry post

CLAUDINE BARRETTO VISITED BY “BABY BROTHER” BOY2 QUIZON

Noong October 17, 2024, binisita naman ni Boy2 Quizon si Claudine sa bahay ng aktres.

“Baby brother” kung ituring ni Claudine si Boy2 na nakasama niya noong bata pa ito sa Home Along Da Riles ng ABS-CBN mula 1992 hanggang 2003.

Sa short video na in-upload ni Claudine sa Instagram, makikitang kayakap niya si Boy2 habang nakahiga sila sa kama.

Base sa caption noon ni Claudine, medyo malungkot ang mga nagdaang araw niya lalo na’t ika-limang anibersaryo ng kamatayan ng kanyang amang si Miguel Barretto.

Wala raw siyang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak. Hindi rin daw niya alam kung sino ang tatawagan.

Kuwento pa ni Claudine (published as is), “these past few weeks was so dark for me.especially yesterday was my Dad’s 5th death anniversary (broken heart emoji)

“i sat for hours Crying and not knowing who to call. Blood isn’t thicker than water. in 4days mga 3 to 4hours a day lang tulog ko.”

Niresetahan na raw siya ng kanyang doktor ng sleeping pills.

Mabuti na lang daw at bigla siyang binisita ni Boy2 sa kanilang bahay.

Dagdag niya, “my amazing Doctor @dra.babesmanalo gave me some sleeping pills so i could sleep until my Baby Brother @boy2quizon_ for i don’t know what reason felt the need to visit me mag ki kiss lang daw sya if tulog ako.

“Kahit sinabi na ni Ate @marisol0125 nya wag muna visitors para maka rest ako pero sympre pag pamilya wala magawa si Ate Sol nya.

“he felt his Ate’s pain. God i thank u for my baby bro Boy2. buti d nya tinawagan mga kuyas ko si @smokey_manaloto at @gio__alvarez kundi patay ako ni di ako pwede mag bathroom kailangan tulog agad.

“this is my Family not by blood but by choice (heart emojis) #depressionisreal @boy2quizon_”