
McCoy de Leon at Elisse Joson
Trigger warning: Mention of suicide
HIWALAY na nga ba ang aktor na si McCoy de Leon at partner niyang si Elisse Joson, ang nanay ng kanyang anak na si Felize?
Hindi diretsong sinabi ni McCoy na “wala na kami ni Elisse” pero lahat ng pagsisikap niya ngayon ay para raw sa anak niyang si Felize at inaming anytime ay nahihiram niya ang bata at lagi silang nagba-bonding.
Nakapanayam ni Ogie Diaz si McCoy sa vlog nitong “Ogie Inspires” na in-upload kagabi at dito nagkuwento ang aktor na kamuntikan na rin niyang tapusin ang buhay niya.
“May pangyayari na isang snap lang binagsak ako ng Panginoon na aabot na sa iri-risk ‘yung life ko kasi at that moment sabi ko, ‘Lord kung sakaling ano ang plano mo sa akin Ikaw na ang bahala.’
Marcos told: Call special Congress session to start Duterte impeachment | INQToday
“Nag-drive lang ako ng motor ko kahit saan hindi ko na alam kung saan ako pupunta (mabilis ang takbo), pero awa ng Diyos…(ligtas siya),” kuwento ng aktor at pinayuhan ang manonood na huwag gawin ang ginawa niya.
Diretsong tanong ni Ogie, noong gusto nang tapusin (suicide) ni McCoy ang buhay niya ay paano siya nagising na mali ang ginawa niya.
“Nu’ng nag-motor ako Mama Ogs, paakyat ako ng Rizal at naisip ko, bahala na. Umabot ako sa isang Kapihan na ako lang mag-isa at nanonood ako, city view lang. May nakita akong image sa clouds na (sabay pakita ng larawan) ipinost ko’ to, eh.
“Mayroong isang baby and a guy dalawa lang sila, sabi ko ‘Lord meron ka pa palang plano sa akin kasi buhay pa ako, nandito pa ako (ngayon). Doon na nag-end and that’s my Felize! At hindi ko na maitatanggi ‘yun. At iyon ang dahilan ko para pa mag-continue sa life ko,” balik-tanaw ni McCoy.
Sabi ni Ogie, sinagip ni Felize ang tatay niya. “Twice (sabay muwestrang dalawa),” diin ng aktor.
Dugtong ni Ogie, “Hindi naman porke’t sinagip ka ni Felize ay hindi naman ibig sabihin ay physically.”
“Yes hindi. May time na hinusgahan ako ng maraming tao na tinanggap ko na lang. Kasi ako ‘yung taong hindi ko sinasabi kung anong nangyayari sa akin. And there was a point na we separated (ni Elisse) at mayroon akong sariling pinag-stayan and malayo na kami, wala ako sa family ko, nag-solo ako, bumukod ako kasi hindi kami naging okay (ni Elisse).
“Yun nag-stay ako sa isang condo na naka-separate mag-isa and then and merong picture na lumabas (socmed) at iyon ang sinasabi nilang naging reason pero hindi (dahil) matagal nang hindi okay.
“And doon ako nasabihang hindi ako naging mabuting partner and that moment nagkaroon ng okasyon (tulad) ng Christmas, New Year na ako lang ang mag-isa at wala akong kasamang family no’n, first time kasi pinili kong mag-isa,” kuwento ni McCoy.
Ito ang pangalawang attempt niyang tapusin ang buhay niya.
“Nasa edge na ako ng window and sabi ko, ‘ayoko na kasi hindi ko maprotektahan ang sarili ko rin paano ko sasagipin ang sarili ko kasi hindi ako nagsasalita nga.
“Kinimkim ko, alam ko may rason ako, eh, pero hindi ako makapagsalita, mas gusto kong hindi magsalita kasi ang gulo na.
“Ni-request ko lang na makita ko ‘yung picture ng anak ko and after no’n na-realize ko na from now on kaya ko iko-continue ‘yung life para sa baby ko,” pagtatapat ng aktor.
Ang picture na gustong makita ni McCoy ay ipinadala sa kanya through cellphone at saka niya naisip na paano na si Felize kung wala na siya.
“Paano siya? Ayokong…(natigilan) ayoko siyang lumaki ng walang tatay (garalgal ang boses). ‘Yun lang para alam ng lahat na, ngayon ko lang (ito) nasabi kasi sobrang tagal na.
“Everytime na may pinagdadaanan ako, may problemang dumarating siya lang lagi ang nakikita ko para maging okay ako, sobrang mahal ko ‘yung anak ko na ‘yun,” garalgal ang boses na sabi ni McCoy habang pasimpleng pinahid ang luha.
Dagdag pa, “Kaya birthday ko, di ba Mama Ogs, pag birthday ise-celebrate mo ang life, sabi ko simula ngayon sabi ko hindi ko ise-celebrate ang buhay ko, ise-celebrate ko ang birthday laging about sa anak ko kunwari sa park, sa kids party basta about lagi kay Felize.”
At dahil tumutulo ang luha ng aktor ay inabutan siya ng tissue ni Ogie kaya natawa na.
“Ha-hahaha! Magpo-promote lang ako umiyak tuloy ako (sabay punas ng mga mata),” natawang sambit ng binatang ama.
Sagot ni Ogie, “Ganu’n talaga kapag anak ang pinag-uusapan kahinaan mo talaga ang anak mo, so, ‘yun ang nagpapatuloy ng buhay mo, si Felize.”
“Opo!” mabilis na sagot ng aktor.
Dagdag pa, “Sabi ko kay Kuya Coco (Martin), ‘kuya hindi ko magagawa itong Batang Quiapo kundi dahil sa anak ko. At siguro ito rin ang ginawa ko sa In Thy Name movie hindi ko alam kung paano ako humugot ng lakas na hindi ako nagkasakit kasi inspirasyon ko ‘yung anak ko.”
Nag-segue-segue kasi si McCoy sa taping ng “FPJ’s Batang Quiapo” at shooting ng pelikula niyang “In Thy Name” na true to life story ng isang pari.
At inamin din ni McCoy na anumang oras na gusto niyang makita ang anak na si Felize ay nakikita niya at nakakasama.
“Yes!” sagot agad nito.
Napapanood daw ng anak niya ang “Batang Quiapo” at dahil bugbog sarado siya nitong mga nakaraang episode ay sinasabihan ni McCoy si Felize na work lang ito at hindi totoo.
“Gusto ko rin siyang palakihin sa realidad hindi ‘yung fantasy. Always naman ang mommy (Elisse) niya nandiyan never siya nagkulang and always ko rin sinasabi sa kanya na ‘you’re the perfect mom for her, walang ibang makakapalit niyan, ikaw ang pinaka-the best nanay para sa kanya,” sabi ni Mccoy sa dating partner.
Sabi ni Ogie, “Medyo nalinawan na nga ‘yan dahil recently lang itong Feb (2025), di ba nag-Japan kayo (silang pamilya), pinost naman ni Elisse ‘yung pictures with your family, so you’re okay? Okay, ‘yun lang. Ha-hahaha!”
Nagkatawanan sina McCoy at Ogie na understandable na kung ano ang real score ng magulang ni Felize.
Nabanggit din ni McCoy na silang mga artista kapag laging natatanong tungkol sa pribado nilang buhay at kahit na anong isagot nila ay laging may mga nasasabi pa rin.
“Kanya-kanya lang kaming way to protect our life and my life is my family para lang malinaw sa lahat,” diin ng aktor.
Ayon kay Ogie, gusto niyang igalang kung ano ang gustong i-share ni McCoy tungkol sa private life nilang pamilya at ayaw na niya itong uriratin pa na gustong marinig ng netizens at viewers ng “Ogie Inspires” vlog.
Sabi pa ni McCoy, “Sa panahon kasi ngayon ang daming nagmamarunong, matalino. May tama rin pero mayroong hindi talaga okay.”
News
KUMPIRMADO! Sa wakas inamin na nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda na official na ang kanilang relasyon – SI ALDEN RICHARDS ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON 😱🥰
Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo – Alden Richards, in ‘FTWBA,’ was asked about his “Hello, Love, Again” co-star, Kathryn Bernardo – On the show, Boy Abunda frankly asked Alden if he was courting…
Nadine Lustre calls out basher’s vulgar remark: ‘Didn’t pass the vibe check’
Nadine Lustre. Images: Instagram/@nadine Nadine Lustre didn’t waste any time in calling out a netizen who left a vulgar comment on her Instagram page, saying the latter “didn’t pass the vibe check.” Lustre took to her Instagram Story on Monday,…
Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo: Ang Nakakagulat na Common Denominator sa pagitan ng Tatlong Icon na Ito!
Empowered women: Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo It is good to note that the entertainment industry is peopled with empowered women — individuals who possess an unwavering belief in their own capabilities and worth and use their confidence to navigate challenges…
Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop
Ogie Diaz has taken to social media to share his honest reaction to a viral video about Kim Chiu. Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop (@chinitaprincess, @ogie_diaz) Source: Instagram In the…
Ivana Alawi, Ipina-Tulfo Na Ang Mga Business Partners!
Itinampok si Ivana Alawi, sa pinakabagong episode ng programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa kasong estafa na isinampa niya laban sa kanyang mga business partner. Sa kanyang pakikipag-usap kay Sen. Raffy Tulfo, humihingi si Ivana ng refund na…
Part 2 | BISTADO NA KASAMA Sa VIDEO Christine Dacera at Valentine Rosales INILABAS NA ANG LAHAT
Introduksyon Sa ikalawang bahagi ng kwentong ito, umusbong ang mga bagong impormasyon tungkol sa relasyon nina Christine Dacera at Valentine Rosales. Ang mga bagong video at ebidensya ay nagbigay-diin sa kanilang koneksyon, na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa…
End of content
No more pages to load