😢 MIKEE AT ALEX: PAANO NILA HINARAP ANG KANILANG IKATLONG MISCARRIAGE? ANG KANILANG EMOSYONAL NA KWENTO …

alex gonzaga mikee morada

JERRY OLEA

Dumalo ang mag-asawang Mikee Morada at Alex Gonzaga sa birthday celebration ni ka-Troikang Gorgy Rula nitong Enero 26, 2025, sa Finkels restaurant na nasa Hotel Durban, sa Brgy. Poblacion, Makati City.

Magiliw na nagpalitrato ang mag-asawang Mikee at Alex sa iba pang mga bisita.

gorgy rula alex mikee

Gorgy Rula with couple Alex Gonzaga and Mikee Morada
Photo/s: Jerry Olea

Naku-cute-an ang balikbayang kaibigan na si Louie Alejandro kay Mikee at gustong magpa-picture dito.

Tinalakan ko pa si Louie na bakit parang iniitsapuwera niya si Alex.

OK lang naman iyon kay Alex, at ipinaubayang magpalitrato si Mikee kay Louie pero nag-photo bomb siya.

alex gonzaga toni gonzaga

Alex Gonzaga (center) photobombs photo op of husband Mikee Morada (right) and balikbayan Louie Alejandro (left)
Photo/s: Jerry Olea

Habang tsinitsika-tsika si Alex ay inaya namin ni katotong Dondon Sermino si Mikee para mainterbyu.

Nakapanayam na namin sina Mikee at Alex sa Christmas party ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) noong Disyembre 2, 2024 sa RAMPA drag club sa Quezon City, kung saan napag-usapan ang kandidatura ni Mikee sa pagka-bise mayor ng Lipa City.

MIKEE MORADA’S CANDIDACY

Humingi kami ng update kay Mikee sa mga kaganapan sa kanyang candidacy.

Aniya, sa Marso 28 pa ang opisyal na umpisa ng pangangampanya.

“Siyempre ngayon, kung ano po yung imbitasyon, lahat ng kailangang puntahan at gawin ay continuous naman,” malumanay na sambit ni Mikee.

“Kailangan ding balansehin ang oras sa pamilya.”

Mas mahirap ba ang laban sa pagkabise-mayor kumpara sa pagiging konsehal?

“Actually, first time ko po na lalaban one-on-one. Vice-mayor kasi, kaya one-on-one. Nung konsehal kasi, marami ho, e. Puwedeng isingit, madali,” tugon ni Mikee.

“Sigurado ho, mas mahirap ang mga laban kaya kailangang paghandaan.”

At super-supportive naman sa kanya ang butihing maybahay niya.

Tumango si Mikee, “Oo naman, super supportive naman ni Alex not just sa pagpunta pero pati pag-asikaso ng mga pam-post ko. Kasi siya ho ang magaling sa ganyan, e.

“Kaya super-support naman pati yung family. Both sides.”

Ganoon ang suporta ni Alex…

“Oo, sumu-support din ho siya. Pero pumupunta siya, nandun ho siya nung fiesta. Sumali siya sa parada namin sa fiesta ng Lipa,” pagtatapat ni Mikee.

“Eto lang na the past few weeks… e, nabalitaan niyo, nag-pregnant siya. Pero hindi po kami pinalad ulit. Nagkaroon ng miscarriage.

“So, hinihintay lang mag-recover yung kanyang katawan.”

ALEX GONZAGA’S THIRD MISCARRIAGE

Pangatlong miscarriage ito ni Alex.

Sa nakaraang Christmas party ng SPEEd ay excited ang mag-asawa dahil preggy si Alex, pero nakunan pala itong muli.

Habang kausap namin si Mikee ay hindi pa namin nababalitaan iyong isiniwalat niya sa Toni Talks vlog ni Toni Gonzaga kaugnay sa miscarriage ni Alex sa pangatlong pagkakataon.

“OK naman siya ngayon. Malakas naman din yung faith nila, ano.

“Maganda yung upbringing ng parents kaya we’re able to manage yung hardship, yung struggle,” lahad ni Mikee.

“At saka yung support ng pamilya, sobra-sobra.”

Ano ang pakiramdam ngayon ni Mikee na marami siyang pinagkakaabalahan, meron ding pinagdadaanan sa personal na buhay?

May bahid ng pait ang ngiti at tinig ni Mikee, “Masaya. May hindi maiiwasan.

“Parang rollercoaster, lalo na nung Pasko kasabay ng mga Christmas parties.

“Inaalala ko rin si Alex. Pero ngayong nalagpasan na namin, at finally closed book na yung aming pregnancy, makaka-focus na ulit sa mga trabaho.

“Marami ring na-sacrifice na mga trabaho si Alex.

“And lagi ko pong sinasabi, napakahirap — ako, lalaki, nakasuporta lang.

“Pero siya bilang babae — lahat ng mga injection na kinailangan niyang pagdaanan hanggang yung raspa, yung emotions, up and down — mas mabigat po yung sa babae.”

May pressure?

“Siyempre may mga nagtatanong. ‘Kailan magkakaanak?’ Pero kami, sinurender na namin sa Panginoon kung ano yung ipagkaloob sa amin, tatanggapin namin,” saad ni Mikee.

“Kaya kung darating…”

Wala nang planu-plano na this 2025…

“We’re always hoping, pero we surrendered it. If it comes, we will be very happy.”

NOEL FERRER

I’ve always found Mikee decent at maayos makitungo sa tao.

Siya talaga ang rock at moral compass ni Alex, na may maganda akong alaala ng aming pinagsamahan since our days in the Kapatid network.

Hindi madali ang kanilang pinagdaanan lalo na itong pangatlong miscarriage.

Ang maganda lang ay maayos ang pagtanggap nila sa nangyaring ito sa kanilang buhay.

Sa birthday party ni Tito Gorgy, maganda ang naging catch-up namin ni Alex, at ni Mikee na rin.

Hangad natin ang kanilang tagumpay sa anumang mabubuti at mahuhusay na mga bagay at gawain na kanilang papasukin.

alex mikee noel ferrer

Mikee Morada, Alex Gonzaga, and Noel Ferrer
Photo/s: Jerry Olea

GORGY RULA

Bago pa dumalo ang mag-asawang Mikee Morada at Alex Gonzaga sa Christmas party ng SPEEd noong December 2, 2024, ibinalita na sa akin ng actress-TV host na nagdadalantao na siya sa pangatlong pagkakataon.

Pero hindi pa raw talaga final na final kaya nakiusap siyang huwag munang ibalita.

Pilit niyang itinatago ang pangambang baka hindi na naman ito mabuo, pero mas nanaig sa kanya ang pananampalatayang ibibigay ito ng Panginoon sa kanila.

Kaya tulungan lang daw siyang manalanging maging okay na ito.

I can imagine kung gaano ito kasakit para kay Alex, at pati na rin kay Mikee.

Pero pinagtibay sila ng faith nila kay Lord, kaya kapit-kamay silang hinaharap itong mga pinagdadaanan nila sa limang taon nilang pagsasama.

Bahagi ng pahayag ni Mikee sa pamayam sa kanya ng sister-in-law niyang si Toni Gonzaga, “If I look nung 2019, para lang kaming nagbabahay-bahayan sa Taytay. Andiyan lang kami para sa isa’t isa.

“Pero ngayon, mas lumalim.

“Nung isang gabi nakapag-usap kami nang malalim talaga. Pinalalim ni God.”

PREPARATION TO BE PERFECT PARENTS

Very positive si Mikee na pinaghahanda sila ng Panginoon para maging perfect parents sa kanilang magiging anak.

Saad niya: “Mas hinahanda kami… saka yung ano na wala munang laman, ano ta’s, nakakita na. Sana sa susunod, e, dire-diretso na.

“Yung experiences namin nito ang nagpalakas sa amin. Hindi lang yung lumalim yung relationship bilang mag-asawa.

“At the end of the day, lagi kong sinasabi, kahit na anong mangyari, biyayaan man tayo o hindi, tayong dalawa magkasama, okay lang. Okay lang.

“Kaya ang sabi ko sa kanya ngayon, dapat yung pray natin, i-surrender kung ano man kung meron man. Kung wala, okay lang. We will accept.

“Ito, tatanggapin natin kung ano man ang ipagkaloob sa atin.”

Dagdag ni Mikee: “On the positive note, sinabi ko sa kanya, ‘Four years na tayong kasal, tatlong beses ka na nabubuntis.

“’Yung iba ang tagal, never nakakita ng positive trend… alam natin na kaya. Ang kailangan lang natin, pag andiyan, aalagaan na natin.’”

Itong mga pinagdadaanan nila ay nagpa-mature daw sa kanilang bilang mag-asawa.

“Masaya,” pakli ni Mikee.

“Marami mang hindi maganda, hindi lang miscarriages, even with other things, lalong lumalim yung… pag nag-look back kami nung 2019, yung parang dati yung maliliit na bagay na ano, mga petty, pag-aawayan na.

“Ngayon, parang mas naka-focus na kami kung paano ma-appreciate, mapapasaya, masusuportahan yung isa’t isa,”

Maraming makaka-relate sa kuwentong ito nina Mikee at Alex kaya patuloy itong pinapanood sa Toni Talks.

Wala pang isang araw itong naka-up ay mahigit dalawang milyong views na ito.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News