Presscon na ng ‘Incognito’: Daniel mausisa kaya tungkol kay Kathryn?
Sa Friday na ang presscon ng seryeng ‘Incognito’ ng ABS-CBN Studios at Star Creatives at pangungunahan iyon nina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Maris Racal, Anthony Jennings, Kaila Estrada, at Daniel Padilla.
Ang tanong ng press — puwede raw kayang tanungin si Daniel tungkol sa ex-girlfriend niyang si Kathryn Bernardo.
More than a year na rin kasi after parehong aminin ng KathNiel ang kanilang hiwalayan kaya may mga nagsasabi nga na siguro naman ay magiging komportable na rin si Daniel na sumagot kapag natanong siya about Kathryn, ha!
Pero if ever, payagan naman kaya ng mga mamamahala sa presscon ang ganung tanong?
Anyway, exciting ang presscon ng ‘Incognito’ sa Friday dahil masasagot na nga ang tanong kung totoo bang sasalang na ito sa isang streaming app bago pa ipalabas sa free TV?
Marami-rami na nga palang episodes ang natapos ng cast ng ‘Incognito’ at may nagtatanong din kung totoo bang may iba pang mga artistang ipapasok sa nasabing action series?
Ibuking na rin kaya sa presscon ng seryeng pinagbibidahan nina Richard at Daniel ang iba pang mga artistang may surprise appearance sa ‘Incognito’ o mabubulaga na lang tayo kapag napanood na sila sa nasabing proyekto?
Ang alam kasi namin ay may mga kasama pa sa ‘Incognito’ na inililihim pa, ha!
Ang bongga!