HOT: Maine Mendoza says Alden Richards still loves her, while accusing Kathryn Bernardo of trying to approach Alden. Fans are shocked.../hi - News

HOT: Maine Mendoza says Alden Richards still loves...

HOT: Maine Mendoza says Alden Richards still loves her, while accusing Kathryn Bernardo of trying to approach Alden. Fans are shocked…/hi

Relasyon Ni Alden Richards at Maine Mendoza Hindi Apektado Sa Usapang Panliligaw Kay Kathryn Bernardo


Sa gitna ng mainit na usapin patungkol sa umano’y ligawan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, naniniwala naman ang ilang mga AlDub na hindi apektado ang relasyon nina Maine Mendoza at Alden Richards dahil si Maine Mendoza lamang umano ang siyang iniibig ni Alden. 

Sa kabila ng mga usap-usapan at sa mga kumakalat na mga larawan at videos kung saan makikita ang sweet moments nina Alden Richards at Kathryn Bernardo malakas parin ang paniniwala ng ilang mga AlDub fans na hindi na ito makakaapekto sa pagsasama nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil sa tatag umano ng relasyon ng mga ito.

Naniniwala rin ang ilang mga AlDub fans na si Kathryn Bernardo umano ang siyang gumagawa ng paraan para mapalapit kay Alden Richards ngayong kaka-break pa lamang umano nito at ni Daniel Padilla.

Ipinapalabas pa ng ilang mga AlDub Fans na kumakapit umano si Kathryn Bernardo sa kasikatan ni Alden Richards dahil hindi naman umano kailangan pa ni Alden si Kathryn Bernardo sa kanyang showbiz career.

Samantala, marami naman sa mga fans ni Kathryn Bernardo ang pinapatigil na ang mga AlDub fans sa kanilang ilusyon na magkarelasyon pa rin sina Alden Richards at Maine Mendoza dahil matagal na umanong nagtapos ang AlDub era.

Pinayuhan pa nila ang mga AlDub fans na mag-move on na sa nangyari dahil may kanya-kanya nang buhay sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Sa katunayan ay ikinasal na noong nakaraang taon si Maine Mendoza sa kanyang minamahal na si Arjo Atayde at sinisimulan na nilang bumuo ng sariling pamilya.

Iginiit pa ng ilang mga netizens ang mga sinabi nina Alden Richards at Maine sa mga nakaraang panayam sa kanila kung saan nilinaw ng dalawa na walang namagitang relasyon sa kanila at ang lahat ng kanilang ginawa noon ay scripted lamang.

Gayunpaman, nagmamatigas pa rin ngayon ang ilang mga AlDub fans at sinasabing hindi si Maine Mendoza ang nakasama ni Arjo Atayde noon sa kasal kundi isa lamang clone para linlangin umano ang mga tao.

Maging ang ilang mga kilalang kolumnista ay pinapatigil na rin ang AlDub fans at pinayuhan pang magpatingin na sa doctor.

 

 

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…