Photos: @akosilolitsolis / @cathygonzaga
Mahaba ang naging reaksyon ng manager at beteranang entertainment columnist na si Lolit Solis sa naging comment sa kanya ng Mister ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada sa kanyang Instagram post noong October 9.
Sa nasabing IG post, naglahad ng unsolicited opinion at saloobin ang tinaguriang Manay Lolit sa showbiz—na karaniwan niyang ginagawa kapag may gusto siyang punahing isyu sa paligid, mapa-showbiz man o hindi—ukol sa umano’y nabalitaan niyang pagmi-miscarriage ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga.
Naawa raw siya kay Alex dahil sa balitang ito. At nabanggit din niya na kahit nagwo-worry ang mga followers nito ay sa vlog na lang umano daw ni Alex maghintay ang mga ito ng detalye dahil tila iyon na ang kalakaran na maski malulungkot na balita ay ibina-vlog.
Sundot pa niya, tila ginawa na raw business pati ang mga ganitong balita. Nabanggit din niya na diumano’y nagalit ang Mommy Pinty nina Alex at Toni Gonzaga dahil lumabas ang balita sa iba na sana ay “exclusive” na sa vlog ni either Alex or Toni dapat lumabas.
“Very petty ’di ba? Dahil lang sa vlog pati ganitong balita itatago? Eh married naman si Alex, at paano itatago iyon medical record?”
Pero sa dulo ng post ay bumawi si Manay Lolit dahil pinalakas naman nito ang loob ni Alex at sinabing ipapanalangin pa niya ito.
“Basta for us, get well soon Alex, at be strong. Magkakaruon ka pa uli ng baby, we pray for that.”
Karaniwang hindi naman pala-comment ang Mister ni Alex na si Mikee sa kahit anong issue. Kilalang tahimik lang ito. But this time ay napa-akto ito para sa misis, na malamang ay na-offend sa mga nasabi ni Manay Lolit. Otherwise ay hindi ito mag-a-attempt nang ganoon.
Marespeto naman ang naging comment ni Mikee pero sinabi nitong nasaktan at nadismaya siya. At sinabi rin na huwag daw gumawa ng kuwento si Lolit, lalo na at hindi raw nito alam ang buong kuwento.
Narito ang lamang ng comment ni Mikee:
“Mam masakit at nakakadismaya naman. Hindi lang patungkol kay Alex ang inyong sinulat, tungkol ito sa amin mag-asawa.
“Kaya hinihingi ko ang inyong pag-respeto. Huwag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon lalo’t hindi niyo naman alam ang totoong pangyayari. Salamat.”
Ngayon araw, October 12, isang mahabang reaksyon ang ipinost ni Lolit sa naging reaksyon ni Mikee. At dahil sa haba, naputol iyon ay naging two-part series.
Sa simula ay parang hindi tumbok na ukol sa naging issue ni Mikee Morada ang kanyang eksplanasyon. Matutukoy mo lamang dahil larawan ng mag-asawang Alex at Mikee ang kalakip ng mahabang post.
Ang talagang nire-act-an ni Manay Lolit sa post niyang iyon ay ang mga bashers na pumutakti sa kanya dahil sa naging post niya.
Inumpisahan niya ang pagpapaliwanag sa pagsasabing hindi niya intensiyon na maka-offend. Binigyang diin din nito na at her age na 74 years old, dumating na raw siya sa punto ng buhay niya na ayaw niyang may nagagalit o naiinis pa sa kanya.
Libangan na lang umano niya ang pagpo-post sa Instagram at pagbabasa ng mga comments sa kanya—kahit nga karamihan minsan ng mga comments ay talagang may mga hurtful at offensive messages na. Gayunpaman, nagso-sorry pa rin ito sa mga nao-offend o nasasaktan daw sa mga posts niya.
“Gusto ko maging clear sa lahat na never ko ginusto na maka offend o makasakit ng tao. Isa akong matandang babae, edad 74 going 75, at siguro sa buhay ko dumating na ako sa punto na gusto ko sana walang nagagalit o naiinis sa akin. I feel so lucky that in my long journey in life, mas naging maganda ang buhay ko na ibinigay sa mga taon na iyon. Sabi nga, what is important is the life you put in those years, kesa years in your life,” mahabang panimula niya.
“Sa edad ko lalo na ngayon pandemic na madalas ang lock down, quarantine, at wala ng mga activities na tulad ng presscons, nag enjoy ako sa IG. Dahil ayoko lang na ma idle ang utak ko sa katutulog, at walang ginagawa, naging mental exercise ko na ang IG na ginagawa narin column ni Salve. Never ever ko nasa isip ma may masaktan, ma offend, o magalit dahil lang sa posting ko sa IG o sa column ko sa PSN at PM.
“Matanda na ako para magkaruon pa ng kaaway, ayoko din na meron nasasaktan sa isinusulat ko na ginagawa ko lang outlet para ilabas iyon nasa isip ko. If I have offended, o may nasaktan dahil dito , I Am Very SORRY. Hindi iyon at never iyon ang naging intention ko ng isulat at ipost ko iyon. So far, naging mabuti ang propesyon ko sa akin. Lahat ng dreams ko na hindi ko akalain makukuha ko, ibinigay sa akin. Forever grateful and thankful sa lahat ng blessings.”
Tanggap daw niya ang mga paratang at patutsada sa kanya ng kanyang mga bashers dahil ang importante lang sa kanya ay ang pagmamahal at respeto ng mga taong kilala at nakakasama niya.
“Duon sa nagsasabi na tsismosa ako, mukhang pera, bobo , I agree. Siguro nga iyon ang binigay kong image sa tao, iyon ang nakita nila. No problem. Dahil ang importante lang sa akin iyon pagmamahal at respeto ng taong kilala ko. Iyon nakasama ko, iyon nakaka usap ko. Keber ako sa mga comments ng tao na hindi ko nakilala, nakausap or nakasama. They can call me names, disrespect me, hate me for all they want, ok lang sa akin.
Ipinagtataka lang umano niya kung bakit naparakaming affected sa mga ipinu-post gayung wala pala umano siyang kuwenta ayon na rin sa mga bashers?
“…hangga ngayon ay nagtataka ako kung bakit marami parin nagri react o apektado ng isang matandang babae na tsismosa, mukhang pera at bobo. Di ba dapat keber na sana sila sa akin? Hindi ba dapat hindi na lang ako pansinin? Hindi ba dapat persona non grata na lang ako?” sunod-sunod na tanong ni Lolit.
“Why give me that importance of wasting your energy hating, defaming, and bully a 74 years old woman if no substance? Hindi ko talaga makuha ang logic.”
Matapos ang mahabang hugot ay bandang huli lang niya nabanggit ang pangalan ni Alex Gonzaga at ng mister nito. Aniya, na-appreciate niya ang pagiging disente ni Mikee Morada. Direkta siyang humingi ng dispensa sa mag-asawa.
“Ako si Lolita Solis na gusto gusto ko lang magkaruon ng mental exercise by writing, I enjoy IG, I enjoy reading your comments, puwede kaya na pag binasa nyo ang anuman isinulat o IG ko, can you please don’t put malice dito ? Wala akong intention to hurt or cause pain.
“So SORRY if ito ang naging dating kay Alex Gonzaga at sa kanyang asawa. I will honestly say na I appreciate the very respectful comment of Alex Gonzaga husband. Hindi iyon ang motibo ko, hindi iyon ang gusto ko. If I have offended and hurt you, I deeply apologize. I understand what you mean na very trying ang experience na ito para sa inyong mag asawa.”
Sana raw, ang mga bashers niya ay matuto kay Mikee Morada kung paano maging respectable pa rin sa pagha-handle ng mga komento.
“For the people na sobra naman negative ang naging reaction, I also understand. Pero sana, nakita nyo rin how Alex Gonzaga husband handled the matter. Sana , bashers can use more respectable words, puwede naman magalit ng sosyal parin ang dating, mukhang edukado parin . Or baka naman dahil nga tsismosa ako, mukhang pera at bobo, kaya mga bashers ko ganuon din di ba ? Baka naman dahil squatter ugali ko, squatter din mga bashers ko, hah hah. Kasi ang sarap basahin pag constructive ang comment, maganda language ginagamit.”
Aniya, kung ano raw ang paratang ng mga bashers niya sa kanya ay mini-mirror lang din kung anong klaseng bashers meron siya. Aniya, kung hindi daw siya karespe-respeto sa paningin ng bashers niya; ganoon din daw sila—mga walang respeto sa sarili dahil sa mga klase ng lengguwaheng ginagamit ng mga ito.
Quits lang sila, kumbaga.
“So, ok, tanggap ko narin, sabi nga nila , I don’t deserve respect , pero the way they treat me, meron ba silang respeto sa sarili nila. Parang mga bully sila na ang gamit na language kanto boys, parang kung ano atake nila sa akin, iyon din sila. Sama sama na kaming mga tsismosa, mukhang pera at bobo. Ako si Lolit Solis, at ang mga bashers ko, bow !!”
News
Joey de Leon speaks out about his controversial statement on “It’s Showtime.” Is there anything surprising behind his words? (ch)
Veteran television host Joey de Leon took to his Instagram account two hours before the airing of ‘Eat Bulaga’ on Friday to provide context to his statements made during their midday show on Wednesday. Beginning his explanation in an Instagram…
Is filming a sexy movie a problem for Nico Locco and Christine Bermas’ relationship? (ch)
Viva sexy stars and couple Nico Locco and Christine Bermas arrive together at the special screening of the former’s fi lm starrer Sandwich, created by Brillante Mendoza and directed by Jao Elamparo. MANILA, Philippines — Viva sexy actors Nico Locco…
Breaking news: ‘It’s Showtime’ hits high Saturday ratings, ‘KMJS’ maintains rule on Sunday (ch)
Weekend television programming continues to be dominated by GMA Network’s ‘Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS)’, maintaining its stronghold atop the Sunday leaderboard. Meanwhile, Kapamilya’s noontime show ‘It’s Showtime, which airs simultaneously on GMA Network, also demonstrated strong performance on…
Christine Bermas, naiyak nang ilahad kung bakit sila naghiwalay ni Nico Locco (ch)
SCREENSHOT: @@gmanetwork on YouTube Aminado si Nico Locco na marami s’yang naging kasalanan kay Christine Bermas na naging dahilan kaya nauwi sa breakup ang kanilang 2-year relationship. Hindi napigilang maiyak ng Vivamax actress na si Christine Bermas nang ilahad n’ya sa…
Breaking news: Former couple Christine Bermas and Nico Locco reunite emotionally on ‘It’s Showtime’ (ch)
Former couple Christine Bermas and Nico Locco stirred emotions as they reunited on the set of ‘It’s Showtime’ for the ‘EXpecially For You’ segment, where Bermas was featured as a searchee on Tuesday. During their appearance, Bermas and Locco…
Breaking news: Marian Rivera shows signs of third pregnancy? (ch)
Recently, Marian Rivera has been constantly rumored to be pregnant because her body is getting chubby. In recent days, the media has continuously published news about Marian Rivera, especially the question of her 3rd pregnancy. According to, some new images…
End of content
No more pages to load