HOT: Maine Mendoza once again has a disgusting reaction to AlDub's claim that she insists on having a relationship with Alden Richards - News

HOT: Maine Mendoza once again has a disgusting rea...

HOT: Maine Mendoza once again has a disgusting reaction to AlDub’s claim that she insists on having a relationship with Alden Richards

Maine Mendoza Muling Nag-React sa Mga Pahayag ng AlDub na Pinagpipilitang May Relasyon Sila ni Alden Richards

Sinagot na ng actress host na si Maine Mendoza ang mga pahayag ng natitirang mga tagahanga ng dati nilang tambalan ni Alden Richards na mas kilala bilang AlDuB Nations. 

Sa isang panayam kay Maine Mendoza, naitanong kay Maine Mendoza ang patungkol sa kanyang reaksyon sa mga tsismis na kasal na siya ni Alden Richards at nagkaroon ng mga anak sa Kapuso actor.

Ayon sa kay Maine Mendoza, hindi siya nagkulang sa pagpapaalala sa kanilang mga tagahanga, na ang loveteam nila ni Alden Richards ay para lamang sa entertainment purposes.

Gayunpaman, nagpahayag ng pagkadismaya si Maine Mendoza dahil hindi naniwala ang mga fans sa kanyang sinabi.

Iginiit ni Maine Mendoza na ni minsan ay hindi naman sila nagkulang ni Alden Richards sa pagpapaalala sa kanilang mga fans na walang katotohanan ang kanilang loveteam hanggang sa harap lamang ng kamera ito.

Subalit hindi pa rin umano naniniwala ang mga ito kaya naman tila mas makakabuti kung hayaan na lamang ang mga AlDub na paniwalaan ang mga bagay na nagpapasaya sa kanila.

Ang AlDub ang dating pinakamalaking love team sa bansa sa kasagsagan nito, at marami ang nag-akala na sina Alden at Maine ay magiging magkasintahan din sa totoong buhay kagaya ng ibang mga loveteams.

Sa kabilang banda, maraming netizens ang naniniwala na ang pressure na natanggap ni Maine mula sa AlDub fans ang nag-udyok sa kanya na wakasan ang partnership nila ni Alden.

Mensahe noon ni Maine Mendoza sa kanilang mga tagahanga, “I do hope I have also given you enough joy for you to give me the freedom I believe I deserve. Freedom to feel what I want to feel, be what I want to be, and do what I want to do. Alden deserves the same, too.”

Noong 2023, pinakasalan ni Maine ang kanyang partner na si Arjo Atayde, na sinundan ng daan-daang tweet mula sa natitirang AlDub fans na nagsasabing peke ang kasal.

Paulit-ulit din silang nagpo-post ng kanilang ‘ebidensya’ para patunayan na sina Alden at Maine ay kasal at may pamilya na.

 

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…