Mariel Rodriguez describes Robin Padilla as “respectful” partner
Netizen: “paki-sabi ho sa asawa niyo, deserve rin yan ng lahat ng babae!”Mariel Rodriguez (left) on Robin Padilla (right) as a partner: “Throughout 14 years, this true gentleman has shown me nothing but respect, honor, gallantry, tenderness, and love.”Sa gitna ng natatanggap na batikos online, hindi nagpatinag ang celebrity couple na sina Mariel Padilla at Senator Robin Padilla na ihayag ang pagmamahalan nila sa isa’t isa sa pagdiriwang ng kanilang ika-14 anibersaryo bilang mag-asawa.
Noong Lunes, August 19, 2024, nagdiwang sina Mariel at Robin ag kanilang 14th wedding anniversary.
Sa pamamagitan ng Instagram post, nagbahagi si Mariel ng mga larawan nilang mag-asawa, kuha sa iba’t ibang okasyong kanilang dinaluhan at travels nilang magkasama sa abroad.
Sa caption, inihayag ng TV host-actress kung gaano siya kasuwerteng maybahay dahil sa pagmamahal, pag-aalaga, at pagrespeto sa kanya ng mister niyang si Robin.
Kalakip nito ang pangako niyang anuman ang mangyari ay mananatili siya sa tabi ng senador.
Mensahe ni Mariel (published as is): “It’s Our Anniversary! Throughout 14 years, this true gentleman has shown me nothing but respect, honor, gallantry, tenderness, and love.
“Opinions are free to be formed, but not at the expense of the truth.
“Happy Anniversary, my babe [read heart emoji] always by your side.”
CELEBS, NETIZENS REACT
Sa comments section ng post ni Mariel ay bumuhos ang pagbati ng ilan sa malalapit nilang kaibigan.
“Happy Anniversary!!!!” pagbati ng magkapatid na Toni Gonzaga at Alex Gonzaga.
Mensahe ni Bianca Gonzalez, “Grabe the throwback photos! Parang kailan lang, time really flies! Happy aniversary!!!”
“Cheers to more years,” bati naman ni Gladys Reyes.
Bukod sa masayang pagbati, mayroon ding netizens na ginawang daan ang wedding anniversary post ni Mariel para punahin at kastiguhin ang mister niyang si Robin dahil sa kontrobersiyal nitong pahayag sa sexual rights at marital rape kamakailan.
Pagkastigo ng netizen sa inilagay na caption ni Mariel (published as is), “paki-sabi ho sa asawa niyo, deserve rin yan ng lahat ng babae!”
Sabi pa ng isa, “Yung kailangan mo sabihin na gentleman sya kasi wala naniniwala.”
Photo/s: Screengrab @Facebook
Dagdag pa ng isa, “Gentleman?? Pero hindi alam self control at mutual respect hahahaha need sabihin kasi hindi halata [laughing in tears emoji] pakapon mo asawa mo para di na dumami lahi.”
Photo/s: Screengrab @Facebook
ROBIN’S viral remarks about sexual rights
Ang galit ng netizens kay Robin ay nag-ugat sa naging pahayag niya tungkol sa sexual rights ng mga lalaki sa usaping pakikipagtalik, na labis pinagdebatehan at pinag-usapan online.
Noong August 15, 2024, sa ginanap na Senate Committee on Public Information and Mass Media hearing, tinanong ng senador ang family lawyer na si Atty. Lorna Kapunan tungkol sa “sexual rights” ng isang lalaki kung “in heat” ito at ayaw ng kanyang maybahay na makipagtalik.
Tanong ni Padilla kay Atty. Kapunan, “Halimbawa po, Atty., siyempre, hindi mo maiaalis sa mag-asawa na ang paniwala, lalo kami, ako, meron kang sexual rights sa asawa mo, e.
“So, halimbawa, hindi mo naman pinipili, e, kung kailan ka yung in heat, ano? So, papano yun, pag ayaw ng asawa mo? So, wala kang ibang paraan talaga, para maano yung lalaki?
“So, paano? Mambabae ka na lang ba? E, di kaso na naman yun.
“Ano ang puwede mong sabihin sa asawa mo na wala sa batas? ‘Paano naman ako? Wala ka sa mood. Paano ako, nasa mood?’
“‘Paano ako?’ Na puwede niyang gawin na nasa batas na wala naman siyang…
“Wala kaming choice bigla, ganun na lang, matulog ka na lang? Ganun?”
Malumanay namang ipaliwanag ni Atty. Kapunan na isyu ito ng psychosocial at hindi na saklaw sa usaping batas.
Pero pilit na tinanong ni Padilla kung ano ang puwedeng gawin ng isang lalaki sa legal na paraan kung sakaling kasuhan siya ng rape ng kanyang misis dahil niyaya niya itong makipagtalik sa mga panahong wala ito sa mood.
Giit niya: “Ganun na lang? ‘Will you help me na lang?’ Ganun na lang? Mahirap po kasi sa Tagalog, baka bastos ang dating.
“‘Matulungan mo ba ako o paano kaya?’ Ano yung puwedeng gawin ng babae? Talagang ‘no’ talaga, ‘bahala ka diyan sa buhay mo,’ ganun?
“Siguro naman, sasang-ayon naman sa akin ang taumbayan na may iba talagang urge ang mga lalaki talaga. May urge na talagang andun, e.
“So, papano yun? Andiyan yung asawa mo to serve you, ayaw niya?
“Anong puwedeng ano para hindi ako mareklamo ng asawa ko? Ano ang puwede kong sabihin sa kanya na, ‘Mahal o Babe, ano ba? Please help me?'”
Ang pahayag na ito ni Padilla ay umani ng kaliwa’t kanang batikos online.
Maraming netizens ang sinabihan siyang “bastos” at “walang respeto” sa karapatan ng mga kababaihan.
May iba pang inakusahan ang actor-politician na baka raw ganito ang gawain niya kaya’t naitatanong niya ito kay Atty. Kapunan.
PADILLA RELEASES OFFICIAL STATEMENT
Bagay na itinanggi naman ni Senator Padilla.
Sa inilabas niyang pahayag ngayong Lunes, August 19, idiniin nitong hindi niya intensiyong bastusin ang kababaihan lalo na ang ipagwalang-bahala ang usaping marital rape.
Ang naging tanong daw niya kay Atty. Kapunan ay “hypothetical” lang at hindi sumasalamin sa sariling karanasan o personal na gawain.
Kalakip nito ang paghingi ng paumanhin sa lahat ng na-offend at nabastusan sa kanyang naging pahayag sa kanilang pagdinig.
Pahayag ni Padilla: “Ako po ay humihingi ng paumanhin at ng inyong mabuting pasensya lalo na po sa mga hindi lubos na nakaunawa sa konteksto ng aking punto ukol sa aming diskusyon ni Atty. Lorna Kapunan sa Senado.
“Ang aking mga katanungan po ay hypothetical base sa sentimiento at realidad ng mga pang-karaniwang Pilipino. Hindi po ito mula sa aking mga personal na gawain, paniniwala o karanasan.
“Ang linya po ng aking pagtatanong ay upang magkaroon ng diskusyon at pagbibigay-linaw. Ito po ang realidad sa tunay na estado ng relasyon ng ordinaryong mag-asawang Pilipino.
“Ang pinang-gagalingan ko po ay upang gabayan ang karamihan ukol sa isyu ng marital rape.
“Kasama na din po dito ang sinasabing “gray area” sa Family at Civil Code kahit pa man mayroon tayong Separation of Church and State.”
Bagamat katakut-takot na batikos ang kanyang natatanggap, hindi raw nagsisisi si Padilla na naitanong niya ito dahil naniniwala siyang mahalagang paksa ngayon ang tungkol sa marital rape at sexual harrassment.
Saad niya: “Ang mga sensitibong paksa na ito ay kailangan nating talakayin at pag usapan para maisaayos at mailagay sa tama ang batas.
“Ang pagtatalik (sex) ng mag-asawa ay may epekto sa mental health, emosyon, pisikal at kabutihan ng pagsasama.
“Kaya’t nararapat po na ito ay ating bigyan linaw para sa usaping karapatang pangtao, kababaihan man po o at kalalakihan, kasal man o hindi