GORGY RULA
Hindi rin nakaligtas si Ian Veneracion sa “that was so hot” issue ng MaThon loveteam nina Maris Racal at Anthony Jennings.
Dumalo si Ian sa launching ng bagong series niyang Drug War: Conspiracy of Silence ng Rein Entertainment na ginanap sa Asia TV Forum sa Singapore ngayong Huwebes, December 5, 2024.
Pagkatapos ng event, nakorner namin ang aktor para mapag-usapan ang kakaibang seryeng ito na tumatalakay sa EJK noong panahon ng Duterte administration.

Photo/s: Gorgy Rula
Pero naisingit pa rin ang isyu ng MaThon dahil sa kasama ni Ian sina Maris at Anthony sa Kapamilya action series na Incognito, na nakatakdang mag-streaming sa Netflix umpisa Enero 17, 2025.
Hiningan siya ng reaksyon sa isyu nina Anthony at Maris.
“Basta ako nag-e-enjoy ako katrabaho sila, and what they do in the privacy of their bedroom is none of my business,” napangiting pakli ni Ian.
Ang ganitong isyu ay bahagi na at pinagdadaaan naman daw ng ibang artista.
“Well, with fame comes the possibility always of shame. I mean, that’s the two shades of the same thing. And wala, e, its part of it, I guess,” sabi pa ni Ian.
Magaling daw na artista sina Anthony at Maris, at napaka-professional nilang katrabaho. Yun ang mahalaga sa kanya.
Labas daw siya sa personal na buhay ng mga co-actors niya.
IAN VENERACION ON DRUG WAR
Happy lang si Ian nang nakatsikahan namin dahil maganda ang feedback sa Drug War: Conspiracy of Silence.
Pagkatapos ng 10-minute scenes ng pilot episode nito, parang natulala ang mga nanonood, lalo na ang mga taga-ibang bansa.
Sabi ni Ian, nang inalok sa kanya nina Direk Lino Cayetano ang proyektong ito, hindi na siya nagdalawang-isip, gusto na niyang gawin agad.
Pero hindi niya akalaing sobrang nadala siya sa role na ginampanan niya sa Drug War.
“I love working with them sa Nanahimik Ang Gabi, with the same team. “So when they pitched this project to me, sabi ko nga, ‘You guys had me at hello.’ Sabi ko, game agad!
“I love the way Direk Shugo [Praico] writes and directs, and the production and everything. Pang-Hollywood,” sabi pa ni Ian.

From left: Lino Cayetano, Arleen Cuevas, Philip King, Shugo Praico, and Ian Veneracion
NOEL FERRER
Nang pumutok itong isyu nina Anthony at Maris, nag-message daw si Ian sa dalawa, at nag-thank you naman daw ang mga ito.
Tinanong namin si Ian kung ano ang maipapayo niya sa dalawa.
“Wala lang. Chill!” pakli ng aktor.
“Ikaw ba, naalala mo kung sino nag-viral, you know, three weeks ago? Saka, wala e it’s just part of it.
“Yun lang ang importante. And hindi ko naman maintindihan why everybody makes it their business.
“I mean, it’s private thing between two people. Let them be,” saad ni Ian.
JERRY OLEA
Maging si Manay Lolit Solis ay nahingan ng saloobin kaugnay sa “secrets” eme nina Maris Racal at Anthony Jennings na ibinunyag ng ex ni Anthony na si Jam Villanueva.
“Wala namang sekretong hindi lumalabas!” bulalas ni Manay Lolit sa Christmas lunch with BUHAY Partylist nominees Lito Atienza and Carlos Sario noong Disyembre 4, Miyerkules, sa Supersam restaurant, Sct. Tobias St., Quezon City.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Kahit anong tago mo ng sekreto, lalabas at lalabas, di ba?”
Hindi raw kilala ni Manay Lolit si Anthony. Si Maris, nakikita-kita niya.
E, ang ex-boyfriend ni Maris na si Rico Blanco, kilala ba niya?
“Oo naman! Sikat si Rico, e,” pakli ni Manay Lolit. Di ba, bet niya iyong mga tipo ng personality ni Maris?
Umoo si Manay Lolit, “Yung maldita. Ayoko nung mabait na alaga. Parang pag mabait yung alaga ko, parang fake. Di ba, parang ganun?
“Mas gusto ko yung lumalaban-laban sa akin, yung minamalditahan ako. Mas gusto ko yun.”
MARIS AND ANTHONY, UNINVITED IN THE BREADWINNER MEDIACON
Uninvited sina Maris at Anthony sa grand mediacon ng MMFF 2024 official entry na Uninvited, este, And The Breadwinner Is… nitong Disyembre 5, Huwebes, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN Compound, Quezon City.
In fairness, andoon pa rin sina Maris at Anthony sa official trailer.
Naaprubahan na itanong kay Vice sa Q&A kung ano ang masasabi niya sa MaThon tandem.
Ibig bang sabihin, hindi rin tatanggalin sina Maris at Anthony sa official poster ng And The Breadwinner Is…? Hindi babawasan o ie-edit out ang kanilang mga eksena sa movie?
Ano kaya ang magiging reaksiyon ng moviegoers kapag napanood na sina Maris at Anthony sa movie? Meron kayang mag-boo?
News
KUMPIRMADO! Sa wakas inamin na nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda na official na ang kanilang relasyon – SI ALDEN RICHARDS ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON 😱🥰
Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo – Alden Richards, in ‘FTWBA,’ was asked about his “Hello, Love, Again” co-star, Kathryn Bernardo – On the show, Boy Abunda frankly asked Alden if he was courting…
Nadine Lustre calls out basher’s vulgar remark: ‘Didn’t pass the vibe check’
Nadine Lustre. Images: Instagram/@nadine Nadine Lustre didn’t waste any time in calling out a netizen who left a vulgar comment on her Instagram page, saying the latter “didn’t pass the vibe check.” Lustre took to her Instagram Story on Monday,…
Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo: Ang Nakakagulat na Common Denominator sa pagitan ng Tatlong Icon na Ito!
Empowered women: Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo It is good to note that the entertainment industry is peopled with empowered women — individuals who possess an unwavering belief in their own capabilities and worth and use their confidence to navigate challenges…
Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop
Ogie Diaz has taken to social media to share his honest reaction to a viral video about Kim Chiu. Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop (@chinitaprincess, @ogie_diaz) Source: Instagram In the…
Ivana Alawi, Ipina-Tulfo Na Ang Mga Business Partners!
Itinampok si Ivana Alawi, sa pinakabagong episode ng programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa kasong estafa na isinampa niya laban sa kanyang mga business partner. Sa kanyang pakikipag-usap kay Sen. Raffy Tulfo, humihingi si Ivana ng refund na…
Part 2 | BISTADO NA KASAMA Sa VIDEO Christine Dacera at Valentine Rosales INILABAS NA ANG LAHAT
Introduksyon Sa ikalawang bahagi ng kwentong ito, umusbong ang mga bagong impormasyon tungkol sa relasyon nina Christine Dacera at Valentine Rosales. Ang mga bagong video at ebidensya ay nagbigay-diin sa kanilang koneksyon, na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa…
End of content
No more pages to load
