WATCH: Nora Aunor visited Boss Toyo, the souvenirs she brought were bought back at a price... - News

WATCH: Nora Aunor visited Boss Toyo, the souvenirs...

WATCH: Nora Aunor visited Boss Toyo, the souvenirs she brought were bought back at a price…

Nora Aunor bumisita kay Boss Toyo, napagbili ba ang bitbit na memorabilia?

Nora Aunor bumisita kay Boss Toyo, napagbili ba ang bitbit na memorabilia?

Usap-usapan ang pagsadya ni Superstar Nora Aunor sa vlogger-social media influencer na si Boss Toyo ng “Pinoy Pawnstars” upang ipa-assess sa kaniya ang isang bagay na mahalaga sa kaniya.

Si Boss Toyo, ay kilalang social media influencer na bumibili ng mga memorabilia o gamit ng mga sikat o kilalang tao para ilagay ito sa kaniyang museum.

Bitbit ng Superstar ang kaniyang ginamit daw na bestida para sa grand finals ng sinalihang singing competition noong 60s na “Tawag ng Tanghalan” kung saan siya ang nag-kampeon sa pangalawang pagtatangkang pagsali rito, matapos matalo sa unang pagsali.

Giit ni Nora, hindi niya ipagbibili ang damit kundi gusto lamang niyang ipatingin kay Boss Toyo kung magkano ang presyo ng nabanggit na memorabilia.

Ayon naman kay Boss Toyo, kung pipirmahan pa ito ni Nora, ito ay nagkakahalagang ₱5M.

Pero paglilinaw ni Ate Guy, kaya talaga siya nagsadya kay Boss Toyo ay upang humingi ng tulong dito para sa mga kababayang nasalanta ng bagyong Kristine, bagay na pinagbigyan naman ng influencer, kahit na may sarili na silang charity work para sa Bicol.

Nasa puso raw talaga ni Ate Guy ang pagtulong sa mga taong nangangailangan, kahit na mangyari ang kalamidad sa mga taong hindi taga-Bicol.

Si Nora ay tumatakbong second nominee ng “People Champ’s” party-list para sa 2025 midterm elections.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…