May pa-grand presscon ang FPJ’s Batang Quiapo last Thursday, May 4, para i-anunsyo na may malaking pagbabago raw sa karakter niyang si Tanggol, na isang mandurukot sa Quiapo kasama ang mga kaibigan niyang sina Bigmak, Baby Giant, Ryan Martin, Mammoth, Jojit Lorenzo, at Mokang. Ibang klaseng Tanggol na raw ang mapapanood ng mga viewers simula May 8 dahil itutuwid na niya ang kanyang buhay bilang isang anak, apo, at kaibigan kaya mas lalong kaabang-abang raw ang tatakbuhing k'wento ng serye.

Photo: Reggee Bonoan

 

May pa-grand presscon ang FPJ’s Batang Quiapo last Thursday, May 4, para i-anunsyo na may malaking pagbabago raw sa karakter niyang si Tanggol, na isang mandurukot sa Quiapo kasama ang mga kaibigan niyang sina Bigmak, Baby Giant, Ryan Martin, Mammoth, Jojit Lorenzo, at Mokang. Ibang klaseng Tanggol na raw ang mapapanood ng mga viewers simula May 8 dahil itutuwid na niya ang kanyang buhay bilang isang anak, apo, at kaibigan kaya mas lalong kaabang-abang raw ang tatakbuhing k’wento ng serye.

 

Nakakaaliw si Coco Martin habang kinukuwento sa press kung paano nabuo ang nakakakilig na kissing scene nila ni Lovi Poe sa Mokang debut scene ng FPJ’s Batang Quiapo.

 

Impromptu decision lang pala kasi ni Coco, bilang director at creative head ng show, na maghahalikan sina Tanggol at Mokang sa nasabing eksena. Bago kuhanan, alumpihit si Direk Coco, na sya ring gumaganap na Tanggol, kung paano sasabihin kay Lovi ang ideya niya dahil at that time ay nagkakapaan palang sila bilang co-actors at loveteam.

“Nahihiya siya, hindi niya masabi,” natatawang balik-tanaw ni Lovi na kasabay naming tsinitsika with Coco.

“Actually, nahihiya ako hindi ko masabi sa kanya na magki-kiss,” salo ni Coco sa pagkukuwento habang nagmumuwestra ng halik sa nguso niya.

“Kaya sabi ko sa assistant director ko na sabihing magki-kiss [kami].”

“Natatawa nga ako tapos nu’ng sinabi nga sabi ko, ‘Go,” natatawa uling pakli ng dalaga.

Hirit na tanong pa kay Lovi ay kung napanood ng boyfriend ni Lovi na si Monty Blencowe ang nasabing eksena.

“Hindi ko alam. Hahaha!”  bungisngis ni Lovi.

“Hahaha! ‘Yun na!” tila naiiilang na hirit ni Coco.

Paano kaya magre-react si boyfie?’ tanong ulit sa aktres.

“Haha! hindi ko alam.  I guess maiintindihan [ni Monty). Of course naman,” dagdag ng dalaga.

Dahil nagkakatuwaan na sa tanungan, humirit kami kung kay Lovi kung nagka-crush na ba siya kay Coco at all. Sa launching kasi ng FPJ’s Batang Quiapo noong Pebrero ay pabirong binilinan siya ng aktor/direktor/producer na si Coco na huwag na huwag umano siyang magkaka-crush sa kanya dahil malaking gulo.

“Paano bang hindi? Hahaha!” sakay naman ni Lovi.

Ano ba ang mga katangian ni Coco na sa tingin niya ay irresistible sa girls.

“Sobrang hardworking at passionate,” mabilis na sagot ni Lovi. “Ang girls naman talaga naa-amaze kapag ang isang tao ay very [tough]… Talagang he’s the captain of the ship, so, talagang nakaka-amaze,” pahayag ng aktres.

Samantala, puring-puri rin ni Coco ang leading lady niya dahil mahusay daw itong sumalo ng mga linya at kakaiba ring magbalik.

“Kaya kapag nag-uusap-usap kami ng co-actors ko, iisa sabi namin, ang galing ni Lovi kasi ang galing niyang sumalo. Sabi nga nila di ba, acting is reacting. Ang galing niyang mag-react, may mga punchline,” paglalarawan ng aktor kay Lovi.

Muling hirit namin kay Lovi, kung stable pa ba ang relasyon nila ng boyfriend. Tumawa ulit ito at tumango.

Nabanggit din kasi naming single si Coco kaya walang problema kung sakali.

“Hahaha! Single-single, double-double…” pakantang salo ni Coco.

Sa ibang banda, kaya may pa-grand presscon ang FPJ’s Batang Quiapo ay para i-anunsyo na may mga malaking pagbabago raw sa karakter niyang si Tanggol, na isang mandurukot sa Quiapo kasama ang mga kaibigan niyang sina Bigmak, Baby Giant, Ryan Martin, Mammoth, Jojit Lorenzo, at Mokang.

Ibang klaseng Tanggol na raw ang mapapanood ng mga viewers simula May 8 dahil itutuwid na niya ang kanyang buhay bilang isang anak, apo, at kaibigan kaya mas lalong kaabang-abang raw ang tatakbuhing k’wento ng serye.

“Magsisimula na ang bagong yugto ng buhay ni Tanggol. Sa lahat ng kanyang mga natutunan sa kalye, sa Quiapo, at sa buhay, na-realize na niya na siguro panahon na para magkaroon din ng pagbabago sa kanyang buhay. Tignan natin kung ano ang magiging bagong journey ni Tanggol,” saad ng aktor.

Bukod dito, ipinangako ni Coco na umaatikabong aksyon at sunod-sunod na rebelasyon ang sasalubong sa mga manonood dahil magtatagpo-tagpo na ang lahat ng mga karakter at maglalaban-laban na ang iba’t ibang grupo sa serye.

Kasabay ng special announcement ay ang taos-puso ring pasasalamat si Coco sa mga manonood na tutok na tutok sa FPJ’s Batang Quiapo mula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas at mundo.

“Nagpapasalamat kami sa lahat ng taong nagmamahal at sumusuporta sa Batang Quiapo sa simula’t simula pa. Kayo ang dahilan kung bakit naging maganda ang kinalabasan ng aming programa. Maraming, maraming salamat po sa lahat ng mga pagtulong at pagmamahal niyo sa amin,” sabi pa ni Coco.

Umabot sa 44 milyong total online views ang pilot week pa lamang ng BQ—bagay na hindi inaasahan ni Coco dahil nga walang prangkisa ang ABS-CBN. In fact, nagulat siya dahil nahigitan pa nito ang ratings ng FPJ’s Ang Probinsyanonoon.

Isa pang masayang ibinalita ng BQ team ang plano nilang patuloy na mag-ikot sa iba’t ibang sulok sa Pilipinas ang ilang cast members ng FPJ’s Batang Quiapo para sa kanilang “Katok Buhay,” kung saan masayang ibinabahagi ng mga nakatok na manonood ang kani-kanilang paboritong karakter at eksena sa palabas.

Mapapanood ang FPJ’s Batang Quiapo, na hango sa orihinal na produksyon ng Regal Films, gabi-gabi at 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube Channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng FPJ’s Batang Quiapo. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.