Miss Grand International coronation nahaluan ng drama ng Team Myanmar
Usap-usapan ngayon ang naging drama ng Team Myanmar sa Miss Grand International 2024 coronation night kung saan nag-iiyak at tinanggalan ng korona na sarili niyang team si Miss Myanmar Thae Su Nyein na naging second runner-up.
Nagkaroon ng drama sa coronation night ng Miss Grand International makaraang hubaran ng korona ang second runner-up na si Thae Su Nyein ng Myanmar ng kanyang sariling team na umano’y bilang protesta sa resulta ng koronasyon.
Sa kumalat na video, matapos makoronahang second runner up ay nilapitan si Thae ng Myanmar team. At sa pangunguna ng Myanmar national director na si Htoo Ant Lwin ay tinanggal nito ang korona ng kandidata pati ang sash na suot nito.
Sa video na kumakalat sa Facebook, makikitang binuhat ng isang kinatawan ng Myanmar ang umiiyak na si Miss Thae at inilayo. Inaalalayan ito ni Htoo at dinuro pa ang Indonesian nagkukuha ng video.
Batay pa sa ulat, matapos ang koronasyon ay nagpost pa si Myanmar national director Htoo sa kanyang Facebook page kung saan sinabi nitong “Bye Forever.”