Bago pa man naabot ng aktor-direktor na si Coco Martin ang rurok ng kanyang kasikatan ngayon, dumaan muna siya sa maraming pagsubok at iba’t-ibang kontrobersiya.
Isa sa malaking kontrobersyang kinaharap noon ng aktor ng matawag siyang irresponsableng ama dahil sa pagpapabaya umano niya sa anak nila ni Katherine Luna.
Matatandaan na noong 2005, nagkaroon ng maikling relasyon si Coco Martin kay Katherine Luna habang ginagawa nila ang pelikulang ‘Masahista’. Siya rin ang itinuturong ama ng anak nito.
Subalit hindi nagtagal ay naghiwalay noon sina Coco Martin at Katherine Luna na naging dahilan kaya tinatawag siya noon bilang isang pabayang ama.
Samantala sa isang panayam noon ni Boy Abunda kay Coco Martin ipinahayag niyang hindi naman sila naging mag-boyfriend-girlfriend, subalit inamin niyang may nangyari nga sa kanila.
“Magkasama lang kami sa movie. Hindi kami magboyfriend. Sabi ko nga dahil sa kabataan, labas labas, gimik gimik, may nangyari na ‘di namin inaasahan.”
Noong 2011, isiniwalat ni Katherine na handa siyang ipakilala sa bata si Coco Martin kahit pa hindi nagsuporta ang aktor matapos ang kanyang panganganak.
“Nung ipinagbubuntis ko, oo, meron po siyang… Opo, nabilhan niya ako ng mga gamit. Pero nung ipinanganak ko na si Nicole, wala, wala na, wala po akong narinig. Simula nung first month.”
“Pero kung ano’ng maitutulong niya…. masaya yung bata sa akin. Hindi ko ipagdadamot yun, hindi ko ipagdadamot sa kanya na makilala niya in person yung tunay niyang ama.”
Subalit noong 2014, sinabi ni Coco Martin na pinayuhan siya ng kanyang manager hinggil sa pagkuha ng custody ng bata. Pinayuhan umano siya nito na idaan ang lahat legally kabilang na ang pagpapagawa ng DNA Test.
Pumayag naman umano ang ang lola ng bata at ina nito, subalit lumabas sa resultang negative ang paternity test.
Labis naman umanong nalungkot at nanghihinayang si Coco Martin dahil handa naman umano siyang akuin ang bata lalo pa’t nagsimula na ang kanyang pagsikat sa taong iyon.
Bukod sa kanyang naramdaman, nasasaktan din siya para sa bata dahil buong akala nito na siya ang tunay nitong ama.
“And may point, iniisip mo din yung bata. Kasi lahat ng kalaro niya, lahat ng kamag-anak niya, kapag napapanood niya ako sa TV I’m sure, ‘Yan Daddy ko.’ Di ba, hindi lang ako eh, ang laking damage na nangyari.”
“Siyempre on my part gusto ko akuin yung bata. Kasi wala siyang kasalanan eh. And di ko din alam anong pwedeng puntahan ngayon, paano na ngayon siya, yung pinaka inaasahan niya na hope wala pala.”
News
Chris Brown Co-Signs Controversial Theory About L.A. Wildfire Arson
He’s not the only celeb, either. Wildfires are decimating Los Angeles this week. Thousands have lost their homes, and even more have been forced to evacuate the area. Chris Brown is not one of the celebrities who sustained damage to L.A….
Chris Brown’s Ex-Manager Details How Team Navigated Rihanna Incident
Davis explained the difference in the public perception of Brown before and after the assault. Tina Davis, Chris Brown‘s ex-manager, has explained how their team handled his career after the assault of ex, Rihanna. During an interview with NandoLeaks, Davis recalled establishing…
Chris Brown Reveals He’s Currently In “Multiple” Relationships
Chris Brown was transparent during his recent visit to Kai Cenat‘s Mafiathon 2 stream, where he admitted to being in “multiple” relationships. The Nov. 2 streaming segment found Cenat fielding questions from his beloved chat, with one fan asking of Brown, “Are you in a…
Touching moment Chris Brown celebrates the 3rd birthday of his adorable youngest daughter Symphani
Chris Brown was in full-on daddy mode as he celebrated his youngest daughter, Lovely Symphani‘s third birthday on Monday (Jan. 6). The global superstar — fresh from his shows in South Africa and Brazil — made it to her “under the sea” themed party…
Chris Brown Just REVEALED Why He Started His Relationship With Tyla – This Will Surprise You.
Hey everyone, welcome back! Today, we’re diving into some truly intriguing news that’s been making waves across social media. Chris Brown, the R&B icon, has finally opened up about his blossoming relationship with rising star Tyla—and trust us, the details…
Nicki Minaj Shocks When She Suddenly Praises Chris Brown On Stationhead: “He’s This Generation’s Legend!”.nana
In a surprising twist during a recent session on Stationhead, Nicki Minaj made headlines by praising Chris Brown, declaring, “He’s this generation’s legend!” This unexpected endorsement has sparked a wave of reactions across social media and the music industry, as…
End of content
No more pages to load