Kyline Alcantara, Kobe Paras distribute relief in Albay

SPOTTED IN BICOL: Couple Kyline Alcantara and Kobe Paras distribute relief goods to victims of typhoon Kristine in five barangays in Albay.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Gumawa ng sariling relief efforts ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara para sa sa mga kababayan niya sa Albay na nasalanta ng bagyong Kristine.

Sa sarili nitong paraan ay lumikom siya ng pondo para maghatid ng tulong sa mga kababayan niya.

Kamakailan lamang ay hinagupit ang Bicol region ng malawakang baha dulot ng labis na pag-ulan hatid ng bagyong Kristine.

Read: Ilang showbiz events postponed dahil sa bagyong Kristine

KYLINE ALCANTARA EXTENDS HELP TO 6 BARANGAYS

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Kyline na nalungkot siya nang nabalitaan ang malaking pinsala na dulot ng bagyo sa kanyang mga kababayan.

Nagtulung-tulong daw sila ng ilang kaibigan at kamag-anak upang makalikom ng pondo para ipambili ng mga pagkain at gamit na kailangang-kailangan ng mga nasa evacuation area.

Aniya, “Nuong nalaman ko na ang Bicol Region ang isa sa nga labis na natamaan ng Bagyong Kristine.

“Nalungkot ako at nag-alala para sa aking mga kababayan. Kaya naman ang aking pamilya at ang aming mga kaibigan ay nagtulong-tulong sa abot ng aming makakaya para matulungan ang ilan sa mga baranggay sa Albay.”

Limang barangay na raw sa iba’t ibang bayan sa Albay ang kanilang naabutan ng tulong.

Dagdag pa ni Kyline, “At maraming salamat din po sa lahat ng mga kaibigan ko na handang mag bigay ng tulong para sa aking mga kababayan.

“Padaba ko kamo mga kapwa ko Bicolano. Pirmi kitang mag tarabangan sa oras ning pangangaipuhan. Dios Mabalos satuyang gabos. (Mahal ko kayong mga kapwa ko Bicolano. Lagi tayong magtulungan sa oras ng pangangailangan. Thank you sa ating lahat.)”

KOBE PARAS SO PROUD OF KYLINE ALCANTARA

Very proud naman si Kobe Paras sa rumored girlfriend na si Kyline.

Kobe Paras with Kyline in Albay

Sabi ni Kobe sa comment niya sa post ni Kyline, ang aktres daw at ang pamilya nito ang nanguna sa relief operation.

Sabi ni Kobe, “this relief operation was kyline and her families idea! this is not connected to any network or company. thank you to everyone that donated and supported her when she started reaching out”

Kobe Paras comment

Samantala, kaaamin lang ni Kobe na “dating” na sila ni Kyline.