Kathryn Bernardo, inaming inasam niyang wag malampasan ng “Hello, Love, Goodbye” nila ni Alden Richards ang tagumpay ng “The Hows of Us” nila ng BF na si Daniel Padilla
Sa loob ng isang dekada, maituturing talaga na ang reel-and-real-life loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang one of the most successful, if not the most successful loveteam of this generation.
At bilang pagdiriwang nga nila ng ika-isang dekada ng ‘KathNiel,” ay nagbigay ng tila regalo sina Daniel at Kathryn sa kanilang mga tagahanga in the form of a one-hour-and-32-minutes documentary narrating the journey of KathNiel both as a loveteam and as sweethearts.
Nag-premiere sa YouTube vlog ni Kathryn na “Everyday Kath” ang nasabing documentary noong September 25 ng gabi at may titulo itong “Isang Dekada.”
Madalas na naririnig sa mga artista, lalo na sa magkaka-loveteam, na mahirap umano kapag nauwi sa totohanang relasyon ang on-cam relationship.
Gaya ng sa iba, may mga naging pros and cons din sa KathNiel ang nauwi-sa-totohanan nilang relasyon.
“Mahirap kapag nag-aaway kayo,” ani Kathryn sa docu. “Pag dating niyo sa camera or sa mall show, bawal malaman ng tao na may problema kayo or kailangang pakiligin niyo sila kahit na nagkakasamaan kayo ng loob.
“’Yung private life niyo, parang hindi kayo makakaalis agad kasi ang daming mata sa inyo, e. Parang konting mali lang…hindi kayo ‘yung regular couple…na hinihintay lang na magkamali kayo ng tao.”
But worth it naman daw kahit pa sabihing under scrutiny sila palagi. Mas masarap pa rin daw, according kay Kath, na may naging katuwang siya sa journey niya to stardom.
“Pero ‘yung good thing do’n, you grow together. Sa lahat ng ginagawa, sa lahat ng mga projects, iba ang feeling kapag may kasama ka.
“And mas secure ‘yung feeling ko kasi DJ was there and parang doble ang saya kapag kayong dalawa. Siguro pinili namin na invest-an ‘yung isa’t-isa. Best decision ever.
“It’s really worth it kasi hindi ako magiging ganito if not for Deej and sana gano’n din ako sa kanya kasi nagtulungan kaming dalawa. Hindi lang siya basta loveteam, partnership talaga.”
Naging open din si Kathryn na sa kabila ng phenomenal success ng pelikula niyang “Hello, Love, Goodbye”—kunsaan ay si Alden Richards ang naging katambal niya—na ito na raw siguro ang pinaka-mahirap na challenge na dinaanan ng Kathniel, as loveteam and as lovebirds.
“I think, Hello, Love, Goodbye, that year was the hardest in terms of relationship namin ni DJ,” pagtatapat ni Kath sa docu.
“Kasi, it’s a year of growth. Personal growth. Kaya ako sobrang naka-relate sa character ko ro’n. I think it’s a mutual decision namin ni DJ na, ‘I think it’s time to do your things, ito naman ang sa akin.’
“Kahit sa ABS, ‘yun din ang sinabi. Kailangan lang ng isang project na pang-break saka ninyo gawin ang project ninyo [ulit]. Challenging sa relationship namin kasi pinag-uusapan na dito hindi na ‘yung mga away namin noong bata kami na nagseselos, more of ‘yung growth mo. And kunwari mangyari ‘yun kay DJ, ‘sino ka ba? Napaka-selfish mo kung ipagkakait mo sa taong ito just because hindi ka kasama ro’n.”
Para kay Kathryn, ang panuntunan na nila ni Daniel ngayon ay tipong what’s mine is yours. Gaya ng kung ano ang naging laman ng Instagram post niya noong maging matagumpay ang “Hello, Love, Goodbye” noon. Sa post ay sinabi niyang: “my success is mine; my success is yours.”
Dahil totoo naman daw na naging malaking bahagi din si Daniel sa tagumpay ng naturang Star Cinema movie.
“If not for DJ, hindi ko magagawa ‘yung ‘Hello, Love, Goodbye’ kung hindi siya pumayag and if he didn’t allow me to try on my own.
“And you needed that support. You needed that someone to push you para sabihin na, ‘kaya mo ‘yan’ tapos tsini-cheer ka.”
Kahit na dalawang taon na nakalipas at inaalala na lang ni Kathryn ang panahong ‘yon, hindi pa rin niya napigilang maging emosyonal at mapaluha habang nagsasalita.
Inamin ni Kathryn na hindi raw naging madali ang prosesong iyon kay Daniel at alam daw niyang sobra itong nahirapan pero nanatiling mapagpa-ubaya.
“Sobrang nahirapan si DJ noon, alam ko,” reveal ni Kath. “Kapag nakikita ko siya, alam ko na iba siya no’n. ‘Yung mata niya, grabe, sobrang lungkot niya. Pero hindi siya naging selfish and he allowed me to grow on my own because he knows that I needed that.
“Sinasabi ko sa kanya palagi na hindi siya part ng ‘Hello, Love, Goodbye’ pero napakalaki ng parte niya sa success ng Hello, Love, Goodbye kasi he allowed me to fly.”
Hindi raw pina-iral ni Daniel ang pride that time, bagkus ay ibinigay sa kanya ang 100-percent support nito.
“Mahirap ‘yon for him pero hindi siya naging selfish,” pagpapatuloy ni Kath.
“‘Yung iba, pwede kang…hindi, kayong dalawa lang ‘kaya naman natin ‘to.’ Pero hindi. Sinabi niya na, ‘it’s time’ and kakayanin ko ‘yon. And nakaya ko siya because of DJ. ‘Yung buong journey na ‘yun, never niyang pina-feel sa akin na mag-isa ‘ko.
“So, nagme-message siya sa akin, nagsi-send ng photos. Pinuntahan pa niya ‘ko [sa Hongkong, kung saan nag-shoot] and kailangang-kailangan ko ‘yun kasi hirap na hirap na ‘ko.”
“Siyempre, gusto mong mag-work ‘tong ‘Hello, Love, Goodbye,’ pero ayaw kong magawa ‘yung success na wala do’n si Deej. Ayoko na matalo no’n ang ‘The How’s of Us.’ Ayoko na…alam mo ‘yun? Kasi ayokong ma-feel niya na iniwan ko siya.
“‘Yun talaga. At nakita ko ang struggle na ‘yun kay Deej pero sobra niya lang akong sinuportahan. After that, mas lalo kaming naging buo. Siguro kinailangan ko rin ‘yun para sa sarili ko. Kasi, ang dami kong kuwestiyon sa sarili ko. Ang dami kong kailangang ma-prove sa sarili ko during that time.
“Pero after that, grabe, naging solid naman talaga. Pagkatapos no’n and until now. I’m really grateful na dumating ‘yung ‘Hello, Love, Goodbye’ sa amin because it changed us and how we are as boyfriend-girlfriend.”
Proud na proud din si Kathryn sa kanilang fandom—ang KathNiels—na matured ding tinanggap ang desisyon nilang iyon. Aniya, literal na nag-matured ang disposition ng kanilang mga fans kasabay nila sa loob ng 10 taon.
“To make a loveteam work, you need loyal supporters. Kaya naman namin ginagawa ang documentary na ‘to kasi ito ang way namin para mag-give back sa kanila.
“Kasi, for ten years, naku, grabe rin ang pinagdaanan nila and walang KathNiel kung walang KathNiels.”
At kung meron man daw siyang gustong maalala sa kanila ni DJ ang tao, ito ay ang fandom nila na para sa kanila ay pamilya na.