Kinilala sa senado ang tagumpay ng pelikulang Rewind ng mag-asawang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

DongYan, thankful sa pagkilala ng senado sa tagumpay ng pelikulang 'Rewind'

Ito ay matapos kumita ng Php903 million sa takilya mula nang ipalabas ito noong Disyembre bilang bahagi ng Metro Manila Film Festival 2023. Nagkaroon ng pagkakataon si Ogie Diaz na mahingan ng pahayag ang mag-asawang Dingdong at Marian kaugnay sa panibagong tagumpay ng kanilang pelikula.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Pebrero 19 nang maimbitahan ang mag-asawa sa senado upang tanggapin ang nasabing pagkilala. Samantala, narito ang kabuuan ng naging maiksing panayam ni Ogie Diaz kina Dingdong at Marian mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube:

10 ang pelikulang naging bahagi ng 49th Metro Manila Film Festival sa taong 2023. Ito ay ang “A Family of 2 (A Mother and Son Story),” “(K)Ampon,” “Penduko,” “Rewind,” “Becky and Badette,” “Broken Heart’s Trip,” “Firefly,” “GomBurZa,” “Mallari,” and “When I Met You in Tokyo.”

Minsan nang naikwento ni Marian na habang binabasa pa lang ang script ng naturang pelikula, labis na umano ang kanyang iniiyak. Ito ay dahil naiisip niya kung nangyayari nga ang mga eksena sa pelikula sa kanilang buhay mag-asawa. Inakala pa ng kanyang ina na siyang nakakita sa kanya na kung ano na ang problema ng aktres, kaya naman labis daw itong natawa nang malamang nagbabasa ito ng script na ganoon na lamang kaganda para mapaiyak nang husto si Marian.