Ang unang Pasko ni Ai-Ai delas Alas na hiwalay kay Gerald Sibayan
Ai-Ai: “Kilalanin na mabuti ang tao na dapat maging partner.”
Ai-Ai delas Alas on advantage of being single: “Most importantly, [may] peace of mind dahil hindi na ako nag-iisip ng mga ginawa sa akin ni ex, like kung sino ang kasama niya.” Seen on the right is a Christmas photo of Ai-Ai with sons Sancho and Andrei.Makalipas ang sampung taon, muling naranasan ni Ai-Ai delas Alas na ipagdiwang ang Pasko na walang karelasyon, dahil hiniwalayan siya noong Oktubre 2024 ng kanyang asawang si Gerald Sibayan.
Ipinagdiwang ni Ai-Ai ang Pasko sa Pilipinas.
Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files ngayong Biyernes, Disyembre 27, 2024, ibinahagi ni Ai-Ai ang mga napagtanto niya ngayong single siya.
“Mas marami ang advantage,” sabi ni Ai-Ai, na mag-isa at matapang na hinaharap ang mga pagsubok na dumating sa buhay niya nitong mga nagdaan na buwan.
Lahad niya: “Una, nakapag-Pasko ako sa Pilipinas bilang wala naman akong kasama sa Amerika.
“Pangalawa, napuntahan ko na uli ang Missionaries of Charity na panata ko taon-taon.
“Three years ako na hindi nakapunta dahil sa U.S. nga ako dati nagse-celebrate ng Pasko.
“Pangatlo, masaya ako dahil marami akong napuntahan na Christmas parties. Nakasama ko ang longtime friends ko. Nakapunta at nakapag-shopping ako sa malls.
“Nakasama ko ang mga kasambahay ko, mga kamag-anak ko sa Pilipinas.”
Hindi rin naman niya itinanggi na may disadvantage ang pagdiriwang niya ng Pasko sa Pilipinas at bilang hiwalay sa asawa.
“Na-miss ko ang Simbang Gabi sa Union City, lalo na ang simbahan doon.
“Siyempre, naisip ko ang nangyari sa akin, sa personal life ko.
“Pero alam ko na may mission ulit ako na kailangan na gawin.”
Ano ang itinuturing mo na best Christmas gift na natanggap mo?
“Siyempre, from my good son,” sagot ni Ai-Ai.
“Binigyan niya ako ng healing books at mga apple green na damit. Favorite color ko kasi ang apple green.”
Sabay humirit si Ai-Ai nang hugot tungkol sa aniya’y dating hinala sa estranged husband.
“Most importantly, peace of mind dahil hindi na ako nag-iisip ng mga ginawa sa akin ni ex, like kung sino ang kasama niya.
“Lahat ng mga tanong sa isip ko, nasagot na dahil sa mga pangyayari.
LESSONS ON LOVE
Tatlong taong magkasintahan at pitong taong nagsama bilang mag-asawa sina Ai-Ai, 60, at Gerald, 30.
Pero noong October 14, nakipaghiwalay si Gerald kay Ai-Ai via text message. Nasa Amerika noon si Gerald, at si Ai-Ai ay nasa Pilipinas.
Hindi na sila muling nagkita mula noon.
Nang tanungin kung anong natutunan niya sa karanasang ito, inisa-isa ni Ai-Ai ang mga napagtanto niya tungkol sa pakikipagrelasyon.
“Ang learnings ko? To love myself more at i-prioritize ko ang needs at happiness ko kesa sa mga pangangailangan ng partner ko.
“Natuto ako to let go para mas mabilis ang healing process.
“At kilalanin na mabuti ang tao na dapat maging partner, dahil hindi ibig sabihin na kapag matagal na ang relasyon ninyo, kilalang-kilala mo na siya. Hindi pala ganoon.
“Mas makabubuti na i-psychiatric evaluation ninyo ang isaβt isa. Pag-aralan mo rin how to cope up with stress and anxiety.
ON TRUE FRIENDS AND SUPPORTIVE FANS
Sa kabila ng masakit na karanasan, may silver lining pa rin daw na nakita si Ai-Ai.
“At saka na-appreciate ko lalo yung mga matatagal ko nang kaibigan na hindi ako iniwan.
“Malaking bagay rin ang comments na nababasa ko mula sa netizens na nagmamalasakit sa akin.
“SilaΒ yung mga nagsabi sa akin na, ‘Marami kaming nagmamahal sa yo.β
“At ang pinakamahalaga, si Lord lamang talaga ang makakasama mo at talagang makaka-heal sa yo sa mga ganitong pagkakataon at panahon.”