Kim Chiu and Paulo Avelino were caught on a secret date at a vacation home of a... - News

Kim Chiu and Paulo Avelino were caught on a secret...

Kim Chiu and Paulo Avelino were caught on a secret date at a vacation home of a…

Kim Chiu at Paulo Avelino Nahuling May Secret Date Sa Makati City

Laman ngayon ng mga usap-usapan sa social media ang naging ‘secret date’ nina Paulo Avelino at Kim Chiu, ilang araw matapos ang pag-amin ni Xian Lim na mayroon na itong bagong girlfriend. 

Kamakailan lamang ay ibinahagi ng It’s Showtime Bulilit Star na si Kelsy ang pagbisita ni Paulo Avelino sa set ng ASAP Natin To. Kaagad naman iniuugnay ng maraming mga netizens na ang pagbisita ni Paulo Avelino sa set ng ASAP Natin To ay may kaugnayan sa actress-host na si Kim Chiu dahil naibahagi rin ni Kim Chiu ang kanyang rehearsal para sa kanyang performance para sa nasabing show.

Bagama’t walang ipinakitang larawan, marami ang naniniwala na si Kim Chiu talaga ang pinunta ni Paulo Avelino sa set ng ASAP Natin To dahil hindi naman umano ito dancer o singer kaya wala itong dapat na i-rehearse sa panahong iyon.

Sa kabilang banda, marami naman sa netizen na nagsasabing namataan umano nila sina Kim Chiu at Paulo Avelino na tila nagkaroon ng secret date dahil nakasuot pa ang mga ito ng disguise.

Gayunpaman, maramin sa mga fans ni Kim Chiu ang hindi naniniwala rito dahil kung totoong magkasama ang dalawa ay hindi naman na nila kailangan pa na magdisguise dahil pareho naman na silang single. Bukod pa rito, tila nakapag-move on na rin naman ang kani-kanilang mga dating karelasyon kaya wala nang rason para itago pa ang relasyon nila kung may katotohanan ito.

Sa ngayon ay patuloy pa ring naghihintay ang mga tagahanga nina Paulo Avelino at Kim Chiu ng pag-amin sa totoong estado ng kanilang relasyon.

 

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…