Despite decades of acting experience, Nora Aunor still burst into tears with her role in her latest project: “Maybe I was too…”

Nora Aunor, sumabak sa monovlog ng Tanghalang Pilipino

MANILA — Sa kabila ng kanyang ilang dekadang karanasan bilang aktres, inamin ni Nora Aunor na sadyang nahirapan siya sa pag-arte sa kanyang pinakabagong proyekto.

Sa unang pagkakataon, sumabak ang “Superstar” sa “Lola Doc,” isang monovlog na handog ng Tanghalang Pilipino (TP) sa mga manonood sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Dito, gumanap si Aunor bilang isang senior frontliner na nagluluksa sa pagkawala ng kanyang asawa sa panahon ng krisis.

Sa isang video na inilabas sa Facebook, ikinuwento ng aktres na inimbitahan siya ni Nanding Josef, ang artistic director ng TP, na maging bahagi ng proyekto na akda ni Layeta Bucoy.

Si Bucoy din ang nagsulat ng naunang monovlog na “Lolo Doc,” na pinagbidahan naman ni Josef.

“Noong ibinigay po sa akin ‘yung script… nagulat po ako ang haba noong sasabihin ko. Pero sa akin naman naging challenge naman po ‘yun kaya sabi ko po kay Tata Nanding, ‘Sige po, gawin po natin.’ Noong ibinigay na po sa akin ‘yung script, e ‘di nag-aral na po ako, binabasa ko. Sabi ko, ‘Diyos ko po, mukhang mahirap po ata itong gagawin ko.’ Pero ginawa ko rin po,” ani Aunor.

“Nakagawa na po ako ng ilang sets. Parang hindi po ako happy kaya ang ginagawa ko po, paulit-ulit, ilang ulit po akong nakagawa ng monovlog,” kuwento niya. “Noong pinadala sa akin ‘yung ginawa ni Tata Nanding, monovlog po niya, naku ang galing-galing po. Para bang kinabahan ako. Sabi ko, ‘Tata Nanding, ang galing-galing mo po doon sa monovlog niyo. Para ba akong nahiya sa sarili ko dahil ibang-iba po ‘yung ginawa ko.'”

Pag-amin ni Aunor, muntik na siyang sumuko sa paggawa ng monovlog, at nagpasalamat siya kay Josef sa pagtulong sa kanya sa pagganap bilang Lola Doc.

“Sabi ko sa kanya (Josef), talaga pong ikaw ang iniidolo ko mula pa noong araw. Hanggang ngayon po, na totoo po mula po ‘yon sa puso ko. Noong ginagawa ko po ito gusto ko po nang sumuko kasi nga parang ang hirap-hirap po talaga. Iba po pala talaga ‘yung gumagawa ka ng eksena na wala kang kausap. Para kang loko-loko na kinakausap mo, wala. Kinakausap mo sarili mo,” aniya.

“Tinatanong ka, ikaw rin sumasagot. Ang hirap po talaga pala. Pero Tata Nanding, maraming salamat po sa paggabay ninyo sa akin habang ginagawa ko po ito,” dagdag niya.

Ipapalabas ang “Lola Doc” sa YouTube channel ng TP alas-6 ng gabi sa Mayo 21, na kaarawan din ni Aunor.

“Umaasa po ako na papanoorin po ninyo ang monovlog ni Lola Doc sa May 21, birthday ko po ‘yun,” aniya.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News