Anne Curtis sa pagiging OG ‘It’s Showtime’ host: Mula single pa, hanggang maging mommy (nuna)

Literal na naging malaking bahagi na ng buhay ni Anne Curtis ang ‘It’s Showtime’ dahil sa milestones na na-achieve niya habang parte ng noontime show na ito.

Natanong kasi ni Kim Chiu si Anne Curtis kung ano ang core memory niya sa programa bilang isa sa mga original host nito.

“Being the OG of Showtime, Ate Anne, ano yung pinaka tumatak sayong core memory mo dito sa Showtime?” tanong ni Kim.

“Sa 15 years, oh my God, there’s so much, you know. I grew up on this show, alongside my Showtime family,” sey ni Anne.

“From being single, to getting a boyfriend, to getting married, having a child, performing Magpasikat na buntis na hindi alam ng aking Showtime family… There’s so many core memories,” dagdag pa niya.

Noong 2009 nga nang unang mapanood sa telebisyon ang na noon ay ‘Showtime’ pa ang titulo. Kabilang sa mga original host nito ay sina Vhong Navarro, Anne Curtis, Kim Atienza, Jugs Jugueta at Teddy Corpuz, kasama si Vice Ganda.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News