Copied from an old movie? Topacio questions Vice Ganda’s MMFF 2024 entry (ch)

Pinaiimbestigahan ni Atty. Ferdinand Topacio sa pamunuan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikula ni Vice Ganda ngayong 2024 na “And the Breadwinner Is…”

Ayon sa abogado, tila kapareho kasi ang kuwento nito sa lumang pelikula na may title na “Higit sa Lahat” nina Rogelio dela Rosa at Emma Alegre na ipinalabas noong 1955.

Inihayag niya ito sa question and answer portion sa launching ng MMFF 2024 kamakailan.

“Based on the synopses I’ve heard, ‘yung pelikula ni Vice Ganda, the plot appears to be an exact duplicate of the 1955 film ‘Higit sa Lahat’ starring Rogelio dela Rosa and Emma Alegre,” ani Topacio.

“Kasi I’m a movie buff. I watch at least two movies a day, even old movies. Pakitingin po ‘yung pelikulang ‘Higit sa Lahat’ with Rogelio dela Rosa and Emma Alegre, ganu’n din po ang istorya. Pakitingin lang po if this is a case of plagiarism,” giit pa niya.

Tugon naman ng MMFF na pag-aaralan nila ang obserbasyong ito ni Topacio.

Nitong July 16 inanunsiyo na ang unang batch ng mga pelikulang kalahok sa 50th anniversary ng MMFF.

Ang unang limang entry ay ang “And The Breadwinner Is…” nina Vice at Eugene Domingo.

Mapapanood din ang “Green Bones” starring Sofia Pablo at Dennis Trillo.

Bibida naman sina Jane de Leon, Enrique Gil, Alexa Miro at MJ Lastimosa sa “Strange Frequencies: Haunted Hospital”.

Gagawin namang musical ang classic film ni Nora Aunor na “Himala” na pagbibidahan nina Aicelle Santos at Bituin Escalante.

Samantala, sa unang pagkakataon, magsasama sa pelikula sina Vic Sotto at Piolo Pascual sa “The Kingdom”. (IS)

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News