BREAKING NEWS: Daniel asks for help from his friends to get back with Kathryn. Kathryn’s reaction is something fans never thought of.

Daniel, nagpapatulong sa mga kaibigan para makipagbalikan kay Kathryn?

Usap-usapan sa isang episode ng “Showbiz Now Na” si Kapamilya star Daniel Padilla noong Martes, Disyembre 22.

Ayon kasi kay showbiz columnist Cristy Fermin, may kuwento raw na nakarating sa kanila na si Daniel ay nakikiusap daw sa mga common friend nito.

“Nilalapitan ni Daniel Padilla para pakiusapan baka ma-win back pa niya si Kathryn,” lahad ni Cristy.

Pero para sa co-host niyang si Romel Chika, mukhang malabo raw makialam ang mga kaibigan ng aktor sa isyung ito.

 

Daniel, nagpapatulong sa mga kaibigan para makipagbalikan kay Kathryn ?-Balita

“Kasi ‘yung paraan at dahilan ng paghihiwalay, hindi maganda,” paliwanag ni Romel.

Dagdag naman ni Cristy: “Ako palagay ko, pakikinggan siya. Magpapahiram sa kaniya ng tenga ‘yung mga kaibigan. Pero hindi aakto o aaksiyon para sa kanilang pagbabalikan. Kasi kaya nga magkakaibigan kayo, e. Alam nila ang tunay na nangyari.”

DANIEL PADILLA, NAGPAPATULONG SA MGA KAIBIGAN PARA MAKIPAGBALIKAN KAY  KATHRYN? (AndzTV)

Kung ilalagay naman daw ni Wendell Alvarez, isa pang co-host ni Cristy, ang sarili kay Kathryn, hindi na niya tatanggapin pa si Daniel.

“Kung ikaw si Kathryn, tatanggapin mo pa sa panahong ito si [Daniel Padilla]?” usisa ni Cristy.

 

“Sa panahong ito, baka hindi na. Baka siguro sabihin ko na lang, naka-move na ako, e. Pwede siguro tayong magkaibigan na lang pero wala na ‘yung relasyon na ‘yun,” saad ni Wendell.

Matatandaang sa episode ng “Showbiz Now Na” noong Disyembre 19 ay napag-usapan din nina Cristy na tila nandidiri na umano si Kathryn kay Daniel.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News