Neal “Buboy” Tan reacts to s.e.x.u.a.l harassment issue in showbiz (lee)

neal buboy tan mayor marcos mamay

Director Neal “Buboy” Tan (left) directs the advocacy film Mamay: A Journey to Greatness ‘The Marcos Mamay Story,’ which is about the sotry of Nunungan, Lanao del Norte Mayor Mamay Marcos (right photo, with Tan).
PHOTO/S: Jerry Olea

Trigger warning: Graphic description of sex scenes, sexual acts

Maraming sexy movies na ginawa si Direk Neal “Buboy” Tan bago magpandemya.

Ilan sa mga ito ay Tarima, Tubero, Kakaibang Karisma, Siya’y Nagdadalaga, Maldita, Pilya, Maritoni Suarez, GRO, Ako Lang Sa Langit, Nananabik… Sa ‘Yong Pagbabalik, Kalabit, Misteryosa, at Campus Scandal.

Gumawa rin siya ng ilang daring films during pandemic para sa inactive streaming platform na AQ Prime, gaya ng Bingwit at Taong Grasa.

Siya rin ang nagdirek ng launching film ni Ana Jalandoni na Manipula, na hindi pa naipapalabas.

Ano ang maikokomento niya sa himutok ni Ahron Villena na habang nilalagyan ito ng plaster ng isang movie director ay tinatamaan daw ang private part nito?

“Ako, gumagawa ako ng mga sexy films, hindi naman ako naglalagay ng plaster!” bulalas ni Direk Buboy sa premiere night ng pelikulang Mamay: A Journey to Greatness ‘The Marcos Mamay Story’ noong Agosto 27, 2024, Martes, sa SM Megamall.

“Kaya lang, may mga artista talaga na mga playful, di ba? Especially yung mga boys na artista.

“Minsan lalandiin ang direktor. Pero hindi exploitation iyon! Parang biruan lang or something, mga ganun.

“Pero sa akin, walang nangyaring ganun.”

DIREK BUBOY ON HANDLING DARING SCENES PROFESSIONALLY

Sa ilang indie movies niya ay may mga aktor na hindi nagpaplaster, at keri ang frontal nudity.

“Nung panahon ko during the ’90s, uso na rin ang mga plaster noon,” sambit ni Direk Buboy.

Pero may pangyayari raw sa set niya na iyong bidang aktor ay walang saplot sa eksenang binu-blowjob kunwari ito ng kaeksenang gay.

Walang plaster ang bidang aktor. Hindi nakapagpigil ang gay actor, tinotoo ang eksena.

Hindi nag-cut ang bidang aktor, pero afterwards ay napaiyak ito.

“Naging sila afterward. Naging sila. Naging mag-live in sila. Naging boyfriend ni… [pangalan ng bading]. Naging alaga,” pagsisiwalat ni Direk Buboy.

Naalala tuloy ni Direk Buboy ang shooting ng love scene nina Fanny Serrano at Rocky Salumbides sa Tarima (2010).

Aniya, si TF (Tita Fanny) ang nagdirek ng eksenang iyon.

“Nakatulog na ako nung kinukunan yon!” bulalas ni Direk Buboy.

tarima poster
Mas matindi iyong lampungan doon ni Chokoleit at ng ekstrang lalaki. Umaatikabo ang halikan.

“Comedy naman kasi ang approach nun. Alaga iyon nung bading na line producer namin sa Tarima,” sabi ni Direk Buboy.

“Yung line producer ang nag-udyok sa alaga niya na, ‘Sige na, gawin mo!’ Siya ang nagpaano para maging kontrobersiyal nga.

“Wala nga sa instruction ko yung ginawa ni Chokoleit. Siguro, binulungan ng line producer si Chokoleit. ‘Sige, gawin nyo yan,’ or something.

“Nagulat nga ako, e. Nagulat ako. Alam mo, nung panahong gumagawa ako ng bold, nahihiya ako. Kaya hindi malaswa yung mga bold movie ko noong araw.”

Pawang pumanaw na sina Fanny, Chokoleit, ang line produ ng Tarima, at iyong gay actor na kaeksena ng bidang aktor sa ibang indie movie.

Nanindigan si Direk Buboy na professional siya ever since at walang hinarot na aktor during shooting.

Nagkaroon siya before ng boyfriend na artista, pero outside the movie iyon. Labas sa trabaho.

“Walang kinalaman yun sa pelikula. Personal yon,” sabi ni Direk Buboy.

GAMITAN SA SHOWBIZ

Aware si Direk Buboy na maraming gamitan sa showbiz, hindi lang sa pagitan ng bakla at lalaki, meron din sa tomboy at babae, at babae at lalaki.

Aniya, “Iba kasi ang istorya nun. Iba ang kuwento… actually, ano na…yung mga ganun, yung tungkol sa isyu ni… yung ano, yung isyu ngayon… no comment ako diyan.

“Kasi, kanya-kanyang sitwasyon naman yun, e. Di ba, siguro panahon lang ngayon ng social media.”

Maa-assure niya na walang magrereklamo ng sexual abuse, exploitation or harassment sa kanya?

Mabilis na umiling si Direk Buboy, “Wala, wala. Ayaw ni Lord.”

Meron bang mga aktor na nagbigay ng motibo sa kanya?

“May mga ganun pero alam mo naman yung mga ganun. Sana kung merong ganun, sana matagal nang isyu sa akin,” sabi ni Direk Buboy.

“Akala nga nila, porke’t nagdidirek ng mga bold films… wala naman akong inhibitions sa mga ganyan.

“Saka unang-una, alam nila, nasa script. Pagdating sa set, alam na nila kung ano ang gagawin nila.

“Kaya nga ako, puro ginagawa ko ngayon, mga advocacy film.”

ADVOCACY FILMS

Ang unang advocacy film ni Direk Buboy ay Ataul for Rent (2007). After that ay nagkasunud-sunod na.

Kabilang diyan ang Badge of Honor: To Serve and Protect, OFW: The Movie, Balatkayo, Adik, Homeless, Bigkis, Bahay Ampunan, at HIV: Si Heidi, Si Ivy, at si V.

Advocacy film ang Mamay: A Journey to Greatness ‘The Marcos Mamay Story’ na bida si Jeric Raval.

Nasa cast din sina Ara Mina, Teejay Marquez, Polo Ravales, Ali Forbes, Victor Neri, Julio Diaz, Devon Seron, Ron Angeles, Jethro Ramirez, EJ Malik, John Arcenas, Andrew Gan, Neil Perez, Jimmy Concepcion, at Shiela Delgado.

marcos mamay neal buboy tan

Direk Neal “Buboy” Tan (right) with Mayor Marcos Mamay 
Photo/s: Jerry Olea

Pahayag ni Direk Buboy, “Inspiring ang story ni Mamay, from rags to fame. Bago siya naging mayor, naging ukay-ukay vendor muna siya.

“Napalago niya yung ukay-ukay sa may Cagayan de Oro City. Tapos ayun, dahil gusto niyang tulungan ang mga kababayan niya na makapag-ukay-ukay, umasenso siya.

“Umangat ang buhay niya. Tapos, nai-share niya. Dun sa maliit na bayan ng Nunungan, Lanao del Norte, di ba, naging heritage park? Nakilala yun sa buong mundo.

“Kasi nga, because of the lake. Naging world heritage yun, e. Tapos yung livelihood sa Nunungan, napalago niya.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News