Ara Mina: “I felt bad sa mga ganitong news na di alam ang totoong nangyari.”
Ara Mina (left, with their mom Venus Imperial) defends her sister, Cristine Reyes (right, also with their mom), against allegations that she walked out of the 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal after not winning an award
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
Ikinalulungkot ni Ara Mina ang mga nagsilabasang balita tungkol sa kapatid na si Cristine Reyes.
Kumalat kasi sa social media na umiiyak si Cristine nang umalis sa Solaire Resort, Parañaque City, ang venue ng ginanap na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 Gabi ng Parangal, nitong nakaraang December 27, 2024.
Ayon sa mga nag-post, hindi raw kasi ito nanalo ng award.
Si Cristine ay bahagi ng The Kingdom, na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Piolo Pascual.
ARA MINA: “sinugod nga mom namin sa hospital that night.”
Sa isang Facebook page, ipinakita rito ang larawan ni Cristine na paalis ng venue ilang sandali matapos niyang mag-present ng Best Supporting Actor award, kasama ang co-star na si Sue Ramirez at ang actor turned politician na si Yul Servo.
Mapapansing aburido at malungkot ang mukha ni Cristine.
Nakalagay sa caption, “CRISTINE REYES NAPAHIYA AT UMIIYAK PAALIS NANG MMFF 2024 AWARDS NIGHT”
Sa pamamagitan ng isang Viber message, sinabi ni Ara ang totoong rason sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, December 29.
Ayon sa kanya, kaya mabilisang umalis si Cristine ay dahil isinugod ang ina nilang si Venus Imperial sa ospital.
Nagkaroon daw kasi ito ng mild stroke.
Labis na ikinalungkot ni Ara ang mga nagsilabasang fake news.
Aniya, “Kaya siya umiiyak paalis ng awards night at di tinapos dahil sinugod nga mom namin sa hospital that night hindi dahil sa hindi siya nanalo or napahiya siya.
“I just saw this I felt bad sa mga ganitong news na di alam ang totoong nangyari.”
Sa ngalan ng views at engagement, maraming netizens ang mag-iimbento ng kuwento at hindi man lang aalamin ang totoo.
Ang nakakalungkot: Maraming naniniwala.
Samantala, si Judy Ann Santos ang nagwaging Best Actress para sa Espantaho at si Dennis Trillo naman ang Best Actor para sa Green Bones.
Bukod kina Judy Ann at Dennis, naiuwi naman ni Ruru Madrid ang Best Actor in a Supporting Role award dahil sa pagganap niya sa Green Bones.
Best Actress in a Supporting Role si Kakki Teodoro (Isang Himala).
Nakuha ni Seth Fedelin (My Future You) ang Breakthrough Performance Award, Best Child Performer si Sienna Stevens (Green Bones), at Special Jury Citation Award si Vice Ganda (And The Breadwinner is…).
Habang ang pelikulang Green Bones ang nakakuha ng isa sa pinakamalaking award, ang Best Picture; second place ang The Kingdom; third place naman ang My Future You; fourth place ang Isang Himala.
Naiuwi naman ng mga pelikulang Topakk at Isang Himala ang Special Jury Prize.
Best Director sina Crisanto Aquino (My Future You) at Michael Tuviera (The Kingdom).
Narito ang iba pang nanalo sa MMFF 2024 Gabi ng Parangal:
Best Screenplay – Ricky Lee and Angeli Atienza (Green Bones
Best Visual Effects – The Kingdom
Best Cinematograph – Neil Daza (Green Bones)
Best Editing – Vanessa De Leon (My Future You)
Best Original Theme Song – “Ang Himala ay Nasa Puso” by Juan Karlos Labajo (Isang Himala)
Best Sound Award – Ditoy Aguila (Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital)
Best Musical Score – Vincent De Jesus (Isang Himala)
Best Production Design – The Kingdom
Best float- Topakk and Uninvited
Fernando Poe Jr. Memorial Award – Topakk
Gatpuno Antonio J. Villejas Cultural Award – The Kingdom
Gender Sensitivity Award – And the Breadwinner is…