As usual, walang reaction si Bea sa mga patutsada sa kanya ng showbiz insider na si Lolit Solis.

PHOTOS: @akosilolitsolis & @beaalonzo on Instagram

 

As usual, walang reaction si Bea sa mga patutsada sa kanya ng showbiz insider na si Lolit Solis.

Mukhang hindi pa rin tapos ang showbiz news writer/insider and talent manager na si Lolit Solis sa mga patutsada n’ya sa aktres na si Bea Alonzo.

Kahit na nasabi na n’ya sa interview n’ya with Ogie Diaz noong April na titigilan na n’ya ang pagpapasaring kay Bea ay heto’t nagsimula na namang bumanat si Manay Lolit sa aktres.

Tila na-trigger ang veteran showbiz writer sa naging invitation sa kanila ng GMA Network for its upcoming anniversary dahil baka ipatanggal daw uli sila sa listahan ng entertainment press ni Bea gaya ng ginawa umano nito noon sa launching n’ya bilang endorser ng isang beauty care company.

“Anniversary ng GMA7 Salve at Gorgy. Invited tayong 3 pero naisip ko, baka i request ni Bea Alonzo na i cancel tayo dahil feeling niya siya ang bagong reyna ng GMA7. Balak pa yatang agawin ang korona ni Marian Rivera, at unahan si Heart Evangelista,” panimulang tirada ni Manay Lolit sa aktres sa mahaba n’yang Instagram post last June 21.

Direktang pag-a-address n’ya kay Bea, huwag daw itong mag-alala dahil hindi naman daw s’ya pupunta doon. Pinayuhan rin n’ya ito na agahan daw ang pagpapa-make up at huwag mali-late sa event.

“Baka mag power play at sabihin hindi siya pupunta kung nanduon tayo kaya ngayon pa lang Bea Alonzo gusto kong malaman mo na hindi ako pupunta, kaya punta ka na, maaga pa make up para matakpan mga wrinkles, at gandahan ang outfit para hindi magmukhang Tita ng mga young stars, at please, 8 ng gabi ang party baka dumating ka ng 12 ng midnight konti na lang ang tao at hindi ka maka aura, hah hah hah,” patama n’ya sa aktres.

“Naku Bea iyan power play mo na nagpapa cancel ng invited writers sa presscon luma ng style ng mga nalaos at walang career na artista,” saad pa n’ya.

Muli rin niyang inungkat ang pagpapatanggal nga daw ni Bea sa kanila sa listahan ng press people sa launching event nito gayong hindi naman daw ito ang gumastos para sa venue and food.

“Sana mas maganda kung tipo na ikaw ang nagbayad ng presscon para mapili mo mga invited guests,” Manay Lolit wrote. “Pero iyon hindi ka naman gumasta, tapos feeling high and mighty ka na mag aalis ng writers, bongga ! Feeling super mega star of all season, tignan muna mga wrinkles, at tignan ang level ng career bago mag feeling superstar.”

Nakakadismaya daw kasi iyon ang mga taong may magandang mukha pero hindi daw kagandaan ang ugali.

“Sayang ang fading beauty kung maganda lang face pero ang puso ay kulay itim. Akala pa naman namin, sweet ang face, kaya sweet din ang ugali. Puwede palang sweet and sour ang isang tao,” lahad pa n’ya.

“Sayang, akala namin dahil mabait si Bea Binene, ganuon lahat ng Bea, mali pala kami. Hay Gorgy at Salve, kay Bea Binene na lang tayo, iyon ibang Bea baka i cancel tayo. Hah hah hah,” pang-aasar pa n’ya sa aktres.

Kahapon naman, June 23, muling nag-post si Manay Lolit sa IG about Bea para doon sa mga nagtataka kung bakit patuloy ang pasaring n’ya sa aktres.

“Tawang tawa naman ako sa mga nagtatanong kung bakit daw may gap kami ni Bea Alonzo, Salve. Wala kami away dahil never ko pa siyang nakita in person. Hindi kami magkakilala, kaya dapat wala kami maging issue,” paglilinaw n’ya.

Nag-umpisa lang daw kasi ito noong nagkomento s’ya na hindi bagay si Bea sa edad n’ya sa upcoming series n’yang Start Up na Philippine adaptation ng Korean TV series. Tungkol kasi sa buhay ng mga fresh graduates ang Start Up kaya ipinunto ni Manay Lolit na sana ay naibigay sa mas batang artista ang role ni Bea.

“Nagsimula lang iyan ng nag IG ako na hindi bagay sa kanya ang role sa Start Up na bagong graduate kaya hirap makakita ng trabaho dahil dapat medyo younger sana ang gumanap na star sa role,” pagre-recall n’ya.

Hindi umano nagustuhan ng kampo ng aktres ang kanyang komento na nagresulta sa pagkakaroon ng gap between them.

“Patola ang kampo ni Bea Alonzo na nag react, personal ang naging basa sa ginawa kong comment. At duon na nag simula ang sagutan. Hanggang tuloy tuloy na at naging petty na,” she said.

“Iyan ang mahirap pag lahat na lang pinapatulan, dapat basahin mabuti at gamitin ang comprehension mo para maintindihan ang ibig sabihin ng comment.”

Pagpapatuloy pa ni Manay Lolit, “Ngayon, tutal naman feeling ni Bea Alonzo non entity ako, at kahit ano ang sabihin o isulat mananatili siyang mega star of all season, Ok lang.”

Wala daw kaso sa kanya kung never na s’ya maiimbita sa mga presscon at event ng Kapuso actress.

“Ayaw niya makita ako sa mga presscon niya, ok lang, kainin niya food na para sa akin, idagdag niya enve sa TF niya, pasado parin. Ayaw niya ako makita sa mga pupuntahan niya, go, walang problema,” lahad n’ya.

“Lahat ng hiling ni Bea Alonzo pagbigyan ko, dahil baka malay ko, abutin siya ng 100 years old na sikat parin, ano laban ko duon di ba !”

At bago n’ya tapusin ang kanyang post, inokray pa n’ya ang aktres sa kinahinatnan ng relasyon nito at dating nobyo na si Gerald Anderson.

“So Bea Alonzo, ikaw na, talagang ikaw na ang reyna, queen, madam, boss of all time, bongga ka, saludo na ako sa powers mo, pero tandaan mo, 2 beses kang na ghosting ni Gerald Anderson, so meaning, kulang parin ang ganda at powers, wala parin nagawa ng iwanan ka. Huh huh huh !!!” pagtatapos ni Manay Lolit.

As usual, walang reaction si Bea sa mga patutsada sa kanya ng showbiz insider.