
Game daw ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na makatrabaho ang fellow Kapuso actress and international fashion icon na si Heart Evangelista.
Sinabi n’ya ito nang makausap s’ya ng entertainment press sa launching n’ya bilang celebrity ambassador ng beauty brand na Luxe Skin nitong November 15.
Natanong kasi s’ya ng press people about the renewed friendship nila ni Heart na ikinatuwa ng kanilang mga fans.
Nag-trending pa nga kamakailan sa social media ang pag-follow nila sa Instagram account ng isa’t isa.
More than a decade na rin kasi mula nang magkaroon sila ng misunderstanding ni Heart at masaya raw s’ya na sa wakas ay natuldukan na ito.
“My heart is happy tapos nandu’n ako sa peaceful…na finally…everything in God’s perfect time,” lahad ni Marian sa press.
Mga kaanak at malalapit na kaibigan umano nila ang naging daan para ma-rekindle ang kanilang friendship.
Dahil doon, madalas na raw silang mag-usap ni Heart pero tumanggi na si Yan na i-tsika pa kung ano ang pinag-uusapan nila.
“Siguro, kung ano man ’yong pinag-uusapan namin behind, ibalato n’yo na lang sa’min ’yon kasi it’s too personal for us,” hiling n’ya sa press.

Ang mahalaga naman daw ay reconnected na silang muli.
“Sa buhay natin ngayon mas masaya na peaceful ka araw-araw at wala kang iniiwasan. Sabi ko nga, mabait talaga ang D’yos. Ibibigay N’ya talaga sa’yo ang makakabuti sa’yo,” pagbabahagi pa ni Marian.
At dahil in good terms na silang muli, natanong pa si Marian kung may posibilidad ba na mag-collab sila ni Heart sa mga ginagawa nilang online content.
“Parang parehas yata kaming ’di na natutulog. Kasi ako, hindi na rin ako natutulog,” natatawang sabi ni Marian na nahihilig sa pagti-TikTok.
“Pero in time, for sure, magkikita kami n’yan…in time. Marami pang pagkakataon,” saad pa n’ya.
E, game naman kaya s’ya kung magsama silang muli sa isang proyekto?
“Why not? Oo naman. Sure,” kaagad na sagot ni Marian.
Matatandaan na noong 2011 nang magkaroon ng misunderstanding sina Marian at Heart habang ginagawa nila ng remake movie ng Temptation Island.
Mula noon ay hindi na sila nagpansinan hanggang recently nga ay napabalitang nag-follow-an na sila sa Instagram.
Samantala, busy ngayon si Marian sa upcoming teleserye nila ni Gabby Concepcion na Against All Odds na ipalalabas sa susunod na taon, at sa pelikula nila ng mister n’yang si Dingdong Dantes under Star Cinema na Rewind na kalahok naman sa Metro Manila Film Festival ngayong December.
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load