Marian Rivera breaks her silence about rumored rift with Heart Evangelista: “Akala ko maayos kami, yun pala, para sa kanya hindi.”
Marian: “Nakakapagtaka lang kung bakit nangyari ‘yon, bakit nila ginawa sa akin ‘yon.”

“Kaibigan mo, nagsusumbong sa ‘yo, ipinagtatanggol mo, alam mo yung gano’n? Tapos biglang gaganituhin ka na hindi mo alam kung anong dahilan na gusto niyang gawin sa akin… Parang ang hirap lang tanggapin na isa ako sa mga nagtatanggol sa kanya…” says Marian Rivera about her feelings towards Heart Evangelista.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Marian Rivera sa pinag-uusapang away diumano nila ni Heart Evangelista.
Kaninang tanghali, June 23, ay ginanap ang grand presscon para sa pelikulang Temptation Island ng Regal Entertainment at GMA Films sa mezzanine ng Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.
Kasama sa cast sina Marian at Heart, pero wala ang huli sa presscon dahil kasalukuyan itong nagbabakasyon sa Brazil, kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga.
Kaya ang kasamang humarap ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ay sina Rufa Mae Quinto, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Tom Rodriguez, Mikael Daez, at John “Sweet” Lapus.
Wala rin si Aljur Abrenica na nasa Singapore naman daw ngayon.
“NAGULAT AKO.” Noong una ay iniwasan ng cast na mapag-usapan ang tungkol sa nangyaring insidente diumano sa airport, kung saan kinumpronta raw ng ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco si Marian. (CLICK HERE to read related story.).
Pero hindi na rin naiwasang sagutin ni Marian ang isyu nang tanungin siya ng PEP contributor na si Gorgy Rula, na sinundan pa ng ibang mga tanong mula sa entertainment press.
Isa pa, konektado naman ito sa Temptation Island dahil galing sa shooting ang buong cast nang mangyari ang insidente.
Bago sabihin ang kanyang panig tungkol sa isyu ay humingi muna ng dispensa si Marian sa producers ng Temptation Island at sa mga kasamahan niyang artista.
“Alam n’yo, sa totoo lang din, ayokong mapag-usapan ‘to dito dahil bilang respeto sana kila Mother [Lily Monteverde], sa GMA, dahil ang ano kasi… Di ba, kapag pelikula, dapat puro positive ang pinag-uusapan?
“Pero hihingi din talaga ako ng dispensa na may mga ganitong issues, di ba? Pasensiya na.
“Pero bilang naungkat na ‘yan, ang pagkakaalam ko kasi, at hindi lang din naman ako—lahat ng cast, staff and crew, pati yung direktor—maayos kaming lahat.
“Sobrang nag-usap kami, naging okay kaming lahat… Sorry, ida-drop ko yung name ni Lovi, pero nandun siya.
“Nag-usap kami, wala naman kaming pinag-awayan. Wala talaga.
“And hindi kami nag-away, walang anything na nangyari.
“Yun na nga lang, pagdating doon sa airport, nagulat ako,” saad ni Marian.
Kung sinasabi niyang walang away na nangyari sa pagitan nila ni Heart, bakit may ganung insidente sa airport? Nagkaroon ba sila ng pagtatalo ni Heart?
“Walang away na nangyari, yun talaga ang totoo,” diin ni Marian.
“Siguro misunderstanding ng magkaibigan.
“Pero sa nangyari do’n sa airport, parang hindi yata niya ako kaibigan.
“Parang nagulat lang ako na bakit nagkaroon ng ganun, e, pag-alis namin galing Laoag, maayos kaming lahat, masasaya kaming lahat.
“So, medyo nagulat lang din ako na pagdating ko ng airport, may mga ganung nangyari. Na kahit ako, parang na-shock ako na…
“Buti nandun si Lovi sa tabi ko para i-comfort niya ako sa mga nangyari… Alam n’yo na ‘yon kung ano ang nangyari.”
News
‘Now Prove It!’ Kathryn Bernardo and Alden Richards Demand Proof – What’s Behind It? /dn
‘Now Prove It!’ Kathryn Bernardo and Alden Richards Demand Proof – What’s Behind It? KATHDEN | NOW PROVE IT TO US! | Kathryn Bernardo and Alden Richards The KathDen fandom is once again at the center of the conversation after…
SHOCKING: Ogie reveals Daniel and Andrea secretly met, Ogie Diaz accidentally revealed an audio clip that is believed to be …. /dn
SHOCKING: Ogie reveals Daniel and Andrea secretly met, Ogie Diaz accidentally revealed an audio clip that is believed to be …. Ogie’s explosion: Daniel, Andrea secretly meet Ogie Diaz’s talent manager revealed what his source said about Daniel Padilla and…
Paulo Avelino Couldn’t Say It Face to Face! He Just Heard About Kim Chiu! /dn
Paulo Avelino Couldn’t Say It Face to Face! He Just Heard About Kim Chiu! Behind the scenes of the series “What’s Wrong with Secretary Kim,” a funny incident took place that made fans happy. In an interview, Paulo Avelino…
LATEST: Alden Richards Personally Picks Up Kathryn Bernardo Early from the ABS-CBN Party, Ignoring Daniel Padilla – Daniel’s Reaction Sends Fans into a Frenzy (VIDEO) 😮😱/dn
LATEST: Alden Richards Personally Picks Up Kathryn Bernardo Early from the ABS-CBN Party, Ignoring Daniel Padilla – Daniel’s Reaction Sends Fans into a Frenzy (VIDEO) 😮😱 LATEST: Alden Richards Personally Picks Up Kathryn Bernardo Early from the ABS-CBN Party, Ignoring…
SHOCKING: Kris Aquino gives a strong warning after Bong Go’s joke about her relationship with Philip Salvador. The truth has just been revealed. /dn
SHOCKING: Kris Aquino gives a strong warning after Bong Go’s joke about her relationship with Philip Salvador. The truth has just been revealed. Kris Aquino once again caused a stir in public opinion when she reacted strongly to Senator Bong…
Korina Sanchez Overwhelmed with Joy as She Celebrates Pepe and Pilar’s Incredible Talent
Korina Sanchez Overwhelmed with Joy as She Celebrates Pepe and Pilar’s Korina Sanchez Overwhelmed with Joy as She Celebrates Pepe and Pilar’s Incredible Talent Introduction A special moment occurred for Korina Sanchez when her children, Pepe and Pilar, showcased their…
End of content
No more pages to load