Lotlot de Leon suddenly recalls the dating history of Paulo Avelino-Janine Gutierrez: "there is something that people do not believe"/hi - News

Lotlot de Leon suddenly recalls the dating history...

Lotlot de Leon suddenly recalls the dating history of Paulo Avelino-Janine Gutierrez: “there is something that people do not believe”/hi

Lotlot de Leon on Paulo Avelino-Janine Gutierrez dating rumors

“Janine is old enough to decide for herself and I trust Janine.”
Lotlot de Leon on Janine and Paulo dating rumorsLotlot de Leon: “Janine is old enough to decide for herself and I trust Janine. Whatever will make my children happy — Janine, my eldest— kung ano man ang magpapasaya sa puso niya and sa buhay niya then I’m in full support of that.”Malaki ang tiwala ni Lotlot de Leon sa kanyang panganay na anak na si Janine Gutierrez pagdating sa pagdedesisyon tungkol sa usaping pag-ibig.

Dumalo si Lotlot sa media press conference ng finale ng Kapamilya rom-com series na Love in 40 Days sa ABS-CBN Studio 10, noong October 12, 2022.

Dito ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na tanungin si Lotlot kung aprubado sa kanya ang Kapamilya actor na si Paulo Avelino para kay Janine.

Muling nauugnay si Janine kay Paulo lalo na’t nitong nakaraan lamang ay inamin mismo ng aktor na may komunikasyon at patuloy pa rin silang lumalabas matapos nilang magsama sa teleseryeng Marry Me, Marry You.

“Choppy po kayo,” pabirong sagot ni Lotlot.

Pero kalaunan ay sinagot din niya nang seryoso ang tanong.

Saad ng aktres, “Janine is old enough to decide for herself and I trust Janine.

“Whatever will make my children happy — Janine, my eldest— kung ano man ang magpapasaya sa puso niya and sa buhay niya then I’m in full support of that.”

LUMALABAS BA SILA?

Pagkatapos ng presscon proper ay muling nakausap ng press si Lotlot at muling inusisa tungkol sa relasyon nina Janine at Paulo.

Ay, lumalabas ba sila?” pabiro pang sabi ni Lotlot.

Dugtong niya, “Pero kasi, hindi naman na kailangang magpaalam sa akin ng anak ko. May tiwala naman ako sa kanya.

“Kung ano yung sa tingin niya yung makakabuti para sa kanya at kung saan siya masaya, okay ako.”

Kilala naman daw ni Lotlot si Paulo dahil makailang beses na niya itong nakasama sa mga teleserye.

“I worked with him [Paulo] sa Marry Me, Marry You. Magkasama kami then sa Walang Hanggang Paalam.

“Mabait naman si Pau, mabait naman siya.”

IS LOTLOT READY TO SEE JANINE GET MARRIED?

Hindi rin nakatakas si Lotlot sa tanong kung, bilang ina, handa na ba siyang maikasal si Janine.

Sagot niya, “Parang alam mo, surprisingly, yung mga anak ko, siguro dahil sa maaga akong nag-asawa, gusto naman nila sobrang late sila mag-asawa.

“Kasi siguro natuto na rin sila, I guess. They also saw yung journey ko, they [have] learned in my journey.”

Si Janine ay anak ni Lotlot sa una nitong asawa na si Ramon Christopher.Noong 2018 ay pinakasalan ni Lotlot ang kanyang second husband na si Fadi El Soury.

Hindi raw minamadali ni Lotlot ang kanyang mga anak na magpamilya.

Saad niya, “Ako naman, whenever they [are] ready, there’s no rush.

“Ang pag-ibig, ang pagkakaroon ng pamilya, anytime naman iyan, e. Pag handa na sila.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…