Tirso Cruz III đọc điếu văn cho Mẹ Lily Monteverde trong lễ cầu siêu của bà vào ngày 6 tháng 8 năm 2024

Tirso Cruz III on Mother Lily Monteverde treating him like family: “Every now and then, tatawagan niya ako. Ang concern niya is my family and, of course, yung career ko rin.”

Hindi malilimutan ni Tirso Cruz III ang pagmamahal ni Mother Lily Monteverde sa kanya at pati na rin sa kanyang pamilya.

Sa ikalawang gabi ng lamay ni Mother Lily noong Martes, Agosto 6, 2024, pinangunahan ni Tirso ang pagbibigay ng eulogy para sa legendary movie producer.

Ipinakilala si Tirso bilang beteranong aktor at dating chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Tirso Cruz III and Dondon Monteverde

Tirso and his wife Lynn Cruz were seen extending their condolences to Mother Lily’s son, Dondon Monteverde. This was taken right after the mass at the wake of Mother Lily on the night of August 6. 
PHOTO/S: RACHELLE SIAZON

Kuwento ni Tirso, si Mother Lily ang tumulong sa kanya para bumili ng unang bahay nilang pamilya.

“Nung araw siya nagsabi sa akin, lalo na nung nag-family na ako, ‘Tirso, matuto ka mag-ipon. You should take care of yourself and take care of your family. ‘

“Ta’s nabanggit ko sa kanya, ‘Mother, gusto ko nga makabili ng isang maliit na bahay para sa family ko.’

“Siya mismo nag-offer, ‘Sige, tutulungan kita.'”

Hindi raw makapaniwala si Tirso sa gesture ni Mother Lily.

“It was really a big thing for me. It’s not a joke to just go out and buy a house. It costs a lot of money,” saad ni Tirso.

Patuloy ng aktor, “Ang ginawa niya, siya muna nagbayad. ‘Sige, Mother, babayaran ko na lang sa sa yo sa pelikula by working.’

After a couple of years, tinawagan niya ako. ‘Punta ka rito. Kunin mo na bahay mo.’

“Sabi ko, ‘Mother, may utang pa ako sa iyo.’ ‘Ako na muna. Pagka may nangyari sa akin, sige, wala kang bahay. Punta ka na rito.'”

Pinuntahan ni Tirso si Mother Lily sa 38 Valencia Events Place, na bukod sa function hall ay may katabing bahay ng movie producer.

Hindi raw nag-atubili si Mother Lily na ibigay sa kanya ang titulo ng bahay.

Sabi ni Tirso, “Dun ko talaga nakita yung pagmamahal niya sa akin.

“When I got here, naka-prepare na. Pina-prepare niya sa lawyer niya. Pinalipat niya na sa pangalan ko yung house.”

Saksi raw ang aktor sa generosity ng movie producer.

“She was always the one always pushing me. Kahit na pag may mga affairs, kunwari birthday ko, ‘Dito mo na gawin. Maghahanap ka pa ng ibang lugar. Ako na ang magpapahanda. Wala ka nang iintindihin.'”

Dagdag ni Tirso, “Every now and then, tatawagan niya ako. Ang concern niya is my family and, of course, yung career ko rin.”

Binanggit ni Tirso na maraming natulungan si Mother Lily.

“I’m sure lahat ng andito, whether actor or actress, and even our friends from the fourth estate, mga reporters, at one time or another.

“Alam mo si Mother, di ata marunong humindi yun, e. She’ll always be there for your to extend a helping hand.”

Pumanaw si Mother Lily sa edad na 84 noong Linggo ng madaling-araw, Agosto 4.

Kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa nakimisa at nakilamay noong gabi ng Agosto 6.

MOTHER LILY AS A PRODUCER

Buo rin ang paghanga ni Tirso sa tindi ng pagmamahal ni Mother Lily para sa Philippine cinema.

Ayon sa beteranong aktor, “As a producer, she’s a cut above the rest. Si Mother kasi is a fan of Philippine cinema.

“Kaya nung gumawa siya ng Regal, it’s not only for making movies and financial gain. It’s more for sharing the entertainment.

“Siya mismo nag-e-enjoy sa ginagawa niya kaya you’ll notice ang mga pelikula ng Regal, talagang may puso.

“She makes sure she’s part of it. It’s not only business. It’s something she loves doing.”

Sa panulat ng PEP editor in chief na si Jo-Ann Maglipon, base sa artikulong unang inilathala noong 1990 at ni-republish sa librong PRIMED, detalyadong inilarawan ng mga katrabaho ni Mother Lily kung gaano ito ka-hands on sa pagprodyus ng pelikula.

Siya mismo ay may konsepto ng titulo ng pelikula, eksena na gusto niyang mapanood, at mga artistang magbibigay-buhay sa istorya.

Pati ang pag-promote ng pelikula sa tulong ng press ay aktibo si Mother Lily.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ni Tirso, sabi niya, “I am very proud to say sa edad ko na ito, I’ll always be a Regal baby.”

Nanatili raw ang tiwala sa kanya ni Mother Lily kahit sa mga panahong lumamlam ang kanyang showbiz career.

“Yung career ko noon for a while, medyo natigil na ako. And she was the one who trusted me and she gave me another break.

“Binalik niya ako. Kinuha niya ako ulit.

“Maraming di naniniwala sa gusto niyang gawin, but she stuck it out.

“Sabi ko nga sa inyo, parang may magic si Mother. Nararamdaman niya yung kikita at magugustuhan ng mga tao.”

MORE MEMORIES OF MOTHER LILY

Ayon pa kay Tirso, bukod sa pagiging ina ni Mother Lily sa kanya ay kumare raw niya ito dahil inaanak ng movie producer ang isa sa mga anak ni Tirso na si Bodie Cruz.

Naalala rin ni Tirso ang huling pagbisita niya sa bahay ni Mother Lily sa Greenhills kunsaan kasama niya sina Christopher de Leon at Vilma Santos.

Birthday raw noon ng movie producer.

Tumugtog pa raw noon ng piano si Mother Lily—bagay na paborito nitong libangan.

“Mother, marami kang event na sinelebrate sa lugar na ito. Tonight, we celebrate your life…

“This is a line I usually use, Mother, I don’t wanna say goodbye, it’s only good night dahil magkikita pa rin tayo.

“Thank you for everything, for your love, for your support.

“How I wish nag-extend ka pa nang konti. But now you’re in the arms of our Lord, our Father.”