Ryan Bang invites Yeng Constantino to his wedding

Ikinatuwa at kinakiligan ng netizens ang muling pagkikita at pagsasama sa entablado ng It’s Showtime ng comedian-host na si Ryan Bang at OPM singer na si Yeng Constantino.
Inimbitahan pa ni Ryan si Yeng sa nalalapit na kasal nila ng fiancée niyang si Paola Grace Huyong.
Nagkita muli sina Ryan at Yeng nang magtanghal ang singer sa opening ng Kapamilya noontime show nitong Martes, October 29, 2024.
Matapos magtanghal at mag-promote ni Yeng sa bagong rendition ng single niyang “Ikaw,” tinukso siya ng It’s Showtime host sa katabi niya noong si Ryan.
“May nagre-request, baka naman daw sa kasal niya [Ryan] puwede kang kumanta,” panimulang tukso ni Darren Espanto kay Yeng.
Hindi naman napigilan ng iba niyang co-hosts — gaya nina Kim Chiu, Ogie Alcasid, at Jugs Jugueta — na mapatili sa tuwa.
Nakangiting saad ni Yeng, “Madlang people, ako nag-iintay lang ako ng invitation, e.”
Tanong sa kanya ni Ryan, “Pupunta ka, punta ka sa kasal ko?”
Sagot sa kanya ni Yeng, “Pupunta ako. Gusto niyo sa bahay niyo puntahan ko kayong dalawa.”
Dagdag pa niya, “Ang saya ko para sa yo. Blooming [ka Ryan], blooming, e.”

Photo/s: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube
RYAN-YENG PAST RELATIONSHIP
Noong June 29, inanunsiyo ni Ryan na engaged na sila ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Paola.
Ngunit naudlot ang kanila sanang “getting-to-know-each other” stage nang bigla na lamang huminto si Ryan na suyuin si Yeng sa pag-aakalang ayaw ng singer sa kanya.
Sa live episode ng It’s Showtime noong January 28, 2022, isinapubliko sa kauna-unahang pagkakataon nina Yeng at Ryan ang kanilang nakaraan.
Naungkat ang nakaraan nina Yeng at Ryan nang may isang contestant sa Tawag ng Tanghalan ang nagsabing nag-aalangan itong pumasok sa isang relasyon dahil natatakot siyang masaktan.
Nang magbibigay na si Yeng ng kanyang komento bilang hurado tungkol sa performance ng contestant, umayon muna siya sa sinabi nitong nakakatakot masaktan pagdating sa pag-ibig.
Ani Yeng, “Minsan, kahit hindi mo nga naging dyowa, e, basta nagparamdam na sa iyo tapos biglang nawala. Naku, napakasakit talaga!”
Saka siya bumaling kay Ryan at tumatawang nagtanong dito ng: “Di ba, Ryan?”
Mahihinuha namang nagulat si Ryan, lalo na nang biglang ungkatin ni Vice Ganda kung ano ba talaga ang nangyari sa pagitan nila ni Yeng.
RYAN ADMITS HE COURTED YENG
Pagtatapat ni Ryan, taong 2010 nang ligawan niya sa singer-composer.
“Unang crush ko kasi si Yeng. 2010, ‘no, Yeng? Nanligaw ako kay Yeng,” matapat niyang sambit.
Agad namang nilinaw ni Yeng na hindi niya binasted si Ryan.
Aniya, “Hindi kita binasted. Hindi kita binasted noon. Tumigil na lang siya magpadala ng kape.”
Nang tanungin ni Vice kung ano ang naramdaman ni Yeng nang basta na lang tumigil magparamdam sa kanya si Ryan, pag-amin ng singer: “Oo, na-sad ako noon.”
Sa tanong kung may chance bang mapasagot siya ni Ryan noon kung hindi ito nawala sa eksena at nagpatuloy sa panliligaw sa kanya, ani Yeng, “Siyempre ngayon, iba na, may asawa na ako.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Pero noong time na yun, kilig na kilig talaga ako sa kanya.”
Ang tinutukoy ni Yeng na asawa ay si Yan Asuncion.
Nagpakasal si Yeng sa kanyang una at nag-iisang naging boyfriend na si Yan noong 2015.
RYAN THOUGHT YENG WAS NOT INTERESTED IN HIM
Pagbabalik-tanaw ni Ryan, seryoso naman siya noon sa panliligaw kay Yeng.
“Tapos nagsimba pa tayo together tuwing Linggo. Bago ko nakilala si Yeng, hindi ako nagsisimba, e.”
Hiningi naman ni Vice ang side ni Ryan kung bakit hindi nito ipinagpatuloy ang paniligaw kay Yeng.
Kantiyaw ni Yeng kay Ryan, “Ayan na! Mag-e-explain na siya! Anong nangyari?”
Ani Ryan, “Akala ko, ayaw mo sa akin.”
Ikinagulat ni Yeng ang sagot ni Ryan.
Patuloy ni Ryan, “Kasi noong panahon na yun, gumigimik kami, kasama ko sila James Reid. Siyempre, lumalabas ako tuwing gabi.”
Ilang beses umano niyang niyaya noon si Yeng na gumimik.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Tuwing inaaya ko siya tuwing gabi, hindi siya lumalabas.”
Ang naging conclusion umano ni Ryan sa pagtanggi ni Yeng na lumabas kasama siya, “Akala ko ayaw niya sa akin.”
“Tuwing Thursday yata noon sa PBB [Pinoy Big Brother], may taping ka, nagpapadala ako ng kape.”
RYAN ASSUMES YENG WAS DATING RICHARD POON
Pagtatapat ni Ryan inakala niya noong mag-on si Yeng at ang kapwa nito singer na si Richard Poon kaya rin siya tumigil sa pagpaparamdam dito.
Aniya, “Sumasama ka [Yeng] kay Richard Poon. Yun pala, prayer meeting iyon sa Tagaytay.
“Akala ko nag-outing kayo. Akala ko, ayaw mo sa akin.”
Aminado naman si Yeng na totoong nag-out of town sila ni Richard noon para dumalo sa prayer meeting.
Pero wala raw romansang namagitan sa kanila ni Richard, na ikinasal sa aktres na si Maricar Reyes noong June 9, 2013.
Ani Yeng, naiintindihan na niya ngayon kung bakit tumigil manligaw sa kanya si Ryan.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Ipinaliwanag din niya kung bakit hindi siya pumayag sa alok nitong lumabas noon.
Ani Yeng, “Noong time na yun, hindi talaga ako puma-party.”
Nag-sorry naman si Ryan kay Yeng matapos nilang marinig ang side ng isa’t isa.
Sabi ni Ryan, “Yeng, pasensiya na. Dapat pala nagpaalam ako, nagtanong ako sa iyo.
“Noong nanligaw ako, galing naman talaga sa puso ko yun. Ikaw yung pinakaunang-unang crush ko sa buong buhay ko. Ikaw yun.”
News
KUMPIRMADO! Sa wakas inamin na nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda na official na ang kanilang relasyon – SI ALDEN RICHARDS ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON 😱🥰
Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo – Alden Richards, in ‘FTWBA,’ was asked about his “Hello, Love, Again” co-star, Kathryn Bernardo – On the show, Boy Abunda frankly asked Alden if he was courting…
Nadine Lustre calls out basher’s vulgar remark: ‘Didn’t pass the vibe check’
Nadine Lustre. Images: Instagram/@nadine Nadine Lustre didn’t waste any time in calling out a netizen who left a vulgar comment on her Instagram page, saying the latter “didn’t pass the vibe check.” Lustre took to her Instagram Story on Monday,…
Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo: Ang Nakakagulat na Common Denominator sa pagitan ng Tatlong Icon na Ito!
Empowered women: Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo It is good to note that the entertainment industry is peopled with empowered women — individuals who possess an unwavering belief in their own capabilities and worth and use their confidence to navigate challenges…
Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop
Ogie Diaz has taken to social media to share his honest reaction to a viral video about Kim Chiu. Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop (@chinitaprincess, @ogie_diaz) Source: Instagram In the…
Ivana Alawi, Ipina-Tulfo Na Ang Mga Business Partners!
Itinampok si Ivana Alawi, sa pinakabagong episode ng programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa kasong estafa na isinampa niya laban sa kanyang mga business partner. Sa kanyang pakikipag-usap kay Sen. Raffy Tulfo, humihingi si Ivana ng refund na…
Part 2 | BISTADO NA KASAMA Sa VIDEO Christine Dacera at Valentine Rosales INILABAS NA ANG LAHAT
Introduksyon Sa ikalawang bahagi ng kwentong ito, umusbong ang mga bagong impormasyon tungkol sa relasyon nina Christine Dacera at Valentine Rosales. Ang mga bagong video at ebidensya ay nagbigay-diin sa kanilang koneksyon, na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa…
End of content
No more pages to load