KathDen fans, nagkaroon ng panibagong dahilan para kiligin kina Kathryn Bernardo at Alden Richards
PHOTOS: @boopyap & @earlsemitara on Instagram
Hiling ng mga fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, patuloy raw sana ang pagbuhos ng nakakakilig na video ng dalawa sa social media. Wish din nila, kung maaari, ay panindigan na raw sana ng KathDen tandem ang pagbibigay-kilig sa mga tagasuporta nila by being together for real.
Muling nabuhay at naglabasan sa social media ang mga KathDen fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Matapos kasing mapag-usapan sa social media ang naging pagdalo at pagkanta ng Kapuso actor—habang ka-duet si Kakai Bautista sa 28th birthday ng Kapamilya actress last March 26 sa El Nido, Palawan—heto’t may panibagong rason ang mga fans para kiligin.
Sinurpresa kasi ni Alden si Kathryn sa isinagawang surprise birthday party ng mga malalapit na kaibigan at glam team ng aktres kahapon, April 2.
Sa nakunang video ng celebrity stylist na si Priscilla Tañedo, makikitang nagulat si Kathryn sa pagpasok n’ya sa venue kasama ang kanyang Mommy Min Bernardo.
Sa isa pang video ni Priscilla, na-capture din ang pagkabigla sa mukha ng aktres nang makitang paparating si Alden habang bitbit ang isang bouquet of flowers at isang paper bag mula sa isang luxury crystal brand.
Sinalubong naman ni Kathryn ang kanyang dating leading man at tinanggap ang mga dala nitong regalo.
Sa isa namang video mula sa IG Story ng creative director na si Earl Semitara, makikitang nagkaroon ng moment ang Hello, Love, Goodbye lead stars para mag-take ng selfie photo.
Kalaunan, ang mga kasamahan na nila sa party ang nagpresinta na kunan silang dalawa ng litrato.
SCREENSHOT: @earlsemitara on Instagram
Dahil sa kanilang undeniable chemistry, hindi maiwasan ng mga fans na kiligin para kina Alden at Kathryn.
Umugong pa nga ang panawagan na puwede sila maging magkarelasyon dahil kapwa naman sila single at the moment.
“Dyos ko wala pamaglagyan ang kilig ko sa kathden [Red heart and smiling face with heart-eyes emojis] happy to see u happy kath,you deserve it,lagi kita pinagppray [Red heart emoji] ilysm [Smiling face with heart-eyes emojis],” pahayag ng isang tagasuporta ni Kathryn sa comment section.
SCREENSHOT: @boopyap on Instagram
Sey naman ng isang tagahangga ni Kathryn, kinilig daw s’ya sa napanood n’ya kung kaya’t patuloy daw sana na may mag-upload ng videos ng aktres kasama si Alden.
“Hoi ung kilig ko umabot dito sa Toronto panagutan nyo toh Kathden [Three red hearts emojis] Thanks Boopy and Kimmy and the rest of the glam team ni Kath. You guys always deliver. Happy birthday Kween Kath [Birthday cake and two hearts emojis]. More ayudas like this po [Three smiling face with heart-eyes emojis],” wish ng isang netizen.
SCREENSHOT: @boopyap on Instagram
Hiling naman ng isa pa, maging ganap na magkarelasyon daw sana sina Kathryn at Alden.
“Panindigan nyo kilig namin @bernardokath @aldenrichards02 [Two smiling face with tear emojis] lahat nalang ini-stalk ko sa mga storie nila [Rolling on the floor laughing emoji] wala na din akong nagawang trabaho dito sa bahay kaka antay nang new update from tiktok and fb hahahaha,” natatawang tsika ng fan.