Judy Ann Santos on face-off with Vilma Santos in the upcoming 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF): “Lahat sila, lalung-lalo na si Ate Vi. But ano din, babalik naman ako doon sa magkakaiba naman kami ng genres. Parang per genre is just two films, hindi ba? So, iba, e, iba-iba talaga. Hindi mo masasabi.”
PHOTO/S: Arniel Serato / Rachelle Siazon
Magiliw na nakipagkuwentuhan ang aktres na si Judy Ann Santos sa ilang miyembro ng entertainment press sa pictorial ng pelikulang Espantaho noong nakaraang linggo.
Ang Espantaho ay ang pinagbibidahan niyang horror film na official entry sa 2024 Meto Manila Film Festival (MMFF).
Gaano ka-demanding physically ang paggawa ng Espantaho?
Panimula ni Judy Ann, “Mahirap kasi mahirap manakot, e. Lalo ngayon, wala ka talaga nakikita.
“Ano na lang to? Takutan acting talaga. E, hindi naman, hindi naman din ako madaling matakot.
“So before, sinasabi ko, nung ginawa ko yung KKK, Kasal, Kasali, Kasalo [2006] at Saka, Sakali, Saklolo [2007], mahirap magpatawa kaysa magpaiyak.
“Probably nga dahil nga mas matagal ko nang ginagawa ang mag-drama.
“And then napunta ako sa comedy, that’s a very big revelation, ‘Ay, kaya ko pa lang magpatawa.’
“And then, nagpunta ako ng ibang horror, tapos nagpahinga ako.
“Eto, sa tagal na nagpapahinga ako sa pagawa ng horror films, nanibago talaga ako. Yung physically, may mga kailangan akong araling galaw.
“May kailangan akong ibalik na emosyon. Yung mga past pains na ayoko na sanang balikan, kailangan ko siyang balikan uli.
“Kasi yun yung kinu-call nung eksena.
“Hindi naman ako method acting or method actor, pero may mga moments na kinailangan kong ipaalala sa sarili ko, na kailangan akong magpakita ng ibang timpla dito.
“Kasi yung huli na panood sa akin was Mindanao [2019], hindi ko alam kung lahat pa ng tao napanood yun, bilang parang konti lang naman yung nakarinig.
“Though I’m proud to say na yung mga natatanggap kong proyekto ngayon, hindi man ako madalas gumawa ng project o gumawa ng pelikula, I make it a point na it’s something worth remembering, it is something worth talking about.
“And masarap lang balikan kasi napaka-worth it nung nakuhang oras sa akin.”
ACTING AWARD VS BOX-OFFICE HIT
Umaasa ba siyang makakuha ng acting award?
Mas gusto niya na ba ngayon ang box-office hit na pelikula kumpara sa acting award?
Sagot ng award-winning actress: “Lahat naman kami gusto namin box office.
“Siyempre gusto naman namin kumita yung pelikula namin, para hindi ma-trauma ang producer, di ba? Kasi konti na lang naman din talaga yung nagpa-produce ngayon.
“Yung award, talagang ano yan, sino ba namang hindi, huwag tayo magplastikan.
“Pero sa napakaraming mauhusay na ka-contemporary mo ngayon, and at the same time marami naman yan, matik, nominated sa best actress because lead star, and ganito, anything can happen.
“Yung mapag-usapan lang yung pelikula, at magtanda na pag sinabi ang title na Espantaho, yung gusto ko yung ang tindi ng discussion na, ‘Ay bakla, nakakatakot! Ay bakla, ang ganda-ganda, atsutsutsutsu.’
“Yung ganun, yung puwede siyang ikumpara sa mga past horror films ni Direk Chito [Roño], na hanggang ngayon yung comparable yung eksena, yung naramdaman nilang takot nung pinanood nila.”
Si Chito ang direktor ng successful horror films na Patayin Sa Sindak Si Barbara (1995), Feng Shui (2004), at Sukob (2008).
Pagpapatuloy ni Judy Ann: “Gusto ko siyang ma-achieve, gusto kong yon yung, or mas higit pa, yung maramdaman ng viewers.
“Kasi this is a mixture of of family drama, may tinge pa nga ng mga cute funny moments, para it’s a perfect mixture of all the emotions in a family.
“Sa tunay na salita naman, pag nagkakaroon naman ng issue ang magkakapamilya, may puma-punchline naman talaga, di ba?
“Huwag nila… kung hindi ko sabihin, hindi kayo, may pang-punchline sa araw ng nanay niyo.
“I’m sure, sa dami ng bakla ngayon, grabe ang pang-punchline. So, may ganun, so it’s a very real thing.
“At least for the situations na nagbabalyahan, nag-aaway, nagsasagutan, may head pa rin ng real emotion, apart dun sa Espantaho.”
Photo/s: Arniel Serato / Quantum Films on Facebook
JUDY ANN ON MMFF 2024 ENTRIES
Sa lahat ng entries sa MMFF 2024 sa taong ito, ano ang kanyang kinatatakutan?
Natatawang sagot ni Judy Ann, “Lahat sila, lahat sila.
“Lahat sila, lalung-lalo na si Ate Vi. But ano din.
“Babalik naman ako doon sa magkakaiba naman kami ng genres.
“Parang per genre is just two films, hindi ba? So, iba, e, iba-iba talaga. Hindi mo masasabi.
“And since tradisyon na ang MMFF, mamimili na sila ngayon pala kung ano yung 1, 2, 3 nila papanoorin sa December 25, 26 ’til New Year, hindi ba?
“Feeling ko nga, yung mga dapat katakutan, yung mga hindi masyadong… wala ka masyadong expectations, di ba?
“Parang may ganun din last year, e, si Firefly.”
Ang binanggit ni Judy Ann na “Ate Vi” ay ang Star for All Seasons na si Vilma Santos na bida naman sa entry na Uninvited.
Ang Firefly ay ang MMFF 2023 Best Picture at Best Screenplay.
Dagdag pa ni Judy Ann, “Oo, yung mga tahimik.
“Hindi mo alam, biglang bubulusok yan, e. So, na-excite ako.
“Kasi ang daming mahusay na artista ngayon — mapabata, mapabago, matagal na sa industriya.
“Plus, it’s the 50th anniversary of MMFF.
“I think, it is just right na maganda ang buffet of movies.
“Kasi ang tagal na nila, e. Dapat talagang magpakita sila ng magandang spread of movies.
“Para bumalik talaga yung tao sa sinehan.”
JUDY ANN SANTOS ON SUPERSTITION
Naniniwala ba siya sa sumpa o curse o anumang pamahiin?
Diretsong tugon ni Judy Ann, “Oo, naniniwala ako doon. Mapamahiin ako. Naniniwala ako sa supernatural stuff.
“Naniwala ako sa aswang. Naniwala ako sa lahat, kahit hindi ko sila nararanasan.
“Wala namang mawawala sa akin kung maniwala ako.
“Wala man akong kailangang bilhin para maniwala ako. But at least, it makes my faith stronger.
“Alam ko kung totoo man sila, kung malakas ang faith ko, wala mangyayari sakin.
“Naniwala ako kasi wala namang panggagalingan yang mga kuwentong yan kung wala namang nakaranas ng mga ganyan.
“Ang lola ko kasi sa father side, marami siyang mga collections ng mga giant saints, mga Mama Mary.
“Tapos pinuprusisyon nila yan sa Caloocan.
“So, pinaano niya sa akin lagi, ‘Kailangan ka magmano sa mga yan kasi kung hindi, baka kalabitin ka niyan sa gabi.’
“Alam mo, takot na takot ako talaga kaya hanggang ngayon, humahawak ako sa santo.
“Humahawak talaga ako sa santo, hindi para gumalaw sila at bisitahin ako.
“Pero parang nalang, ‘Magti-thank you po ako sa lahat ng blessings, salamat po, blinessing mo yung mga anak mo, pakiprotektahin niyo po sila. Huwag nila po ako kakalabitin.’
“May mga ganun. It makes you grounded. May mga ganun lang, masarap lang ikuwento sa mga anak mo.
“Kasi ang mga bata ngayon, hindi naman na sila ma-tradisyon, e, wala na sila ganun.
“So you have to explain. Sa mga patay, ‘Mom, why can’t they bring us to the car?’ ‘Kasi anak may pamahiin, na kapag hinatid ka nung kamag-anak nung namatay, may susunod. At maaaring ikaw yun, o tayo, or any kung sino man yung relative nila.’
“‘Where did that come from?’
“Hindi na ako sasagot. Hindi ko na alam kung saan siya nanggaling.
“Bakit ko pa siya sasagutin. So, may mga ganun na sana mabuhay yung mga tradisyon sa mga bata.
“Or at least, maintindihan lang nila kung gaano ba talaga kamapamahiin ang Pilipino.”
Ipalalabas ang Espantaho sa mga sinehan simula sa December 25, 2025, Christmas Day.