Andre Yllana’s car a Typhoon Carina casualty (uyen)

Nang makausap namin si Andre Yllana nitong nakaraang Oktubre 6 sa SM North EDSA Cinema 6 sa mediacon ng Sine Sindak 2024, pinagkuwento naming siya tungkol sa pagkakatangay ng kanyang kotse sa baha ng dulot ng bagyong si Carina.

Andre Yllana

Andre Yllana 
Photo/s: c/o BLVCK Entertainment on Facebook

Bago pa man ang pananalasa naman ng bagyong si Kristine nitong Miyerkules at Huwebes, Oktubre 23 at 24 ay matinding pinsala na rin ang idinulot ng Typhoon Carina noong huling linggo ng buwan ng Hulyo.

Lahad ni Andre, “Honda Civic po, bigay ni daddy, ayun nag-feeling isda, nag-swimming siya,” pagpapakuwelang kuwento ng guwapong binata.

“Nakaparada po sa tapat ng bahay namin sa Fairview.

“Bagong lipat po kasi kami doon sa village, hindi po namin alam na nagbabaha ng ganoon.

“So nagulat din po kaming lahat na ganun po pala yung area na iyon.”

Nasa itaas raw ng bahay, sa kuwarto niya, si Andre nang lumangoy ang kanyang sasakyan sa tubig-baha.

Saad niya, “Ginising na lang po ako na nakalutang na yung kotse ko.”

Nakalubog raw hanggang manibela ang kotse niya na nakarapada sa dulong bahagi ng kalsada nila at nakarating sa mismong harap ng gate ng kanilang bahay.

Nagulantang raw si Andre sa pangyayari.

Nang makausap namin si Andre Yllana nitong nakaraang Oktubre 6 sa SM North EDSA Cinema 6 sa mediacon ng Sine Sindak 2024, pinagkuwento naming siya tungkol sa pagkakatangay ng kanyang kotse sa baha ng dulot ng bagyong si Carina.

Aniya, “Pagkagising ko po tumakbo ako agad pababa.”

Noong gabing kausap namin si Andre ay nasa talyer pa rin ang sasakyan niya at maaayos naman raw ito, pero ayon sa ina niyang si Aiko na naka-chat namin ngayong Oktubre 25 ay sira na raw ang naturang kotse ni Andre.

ANDRE HAPPY TO BE PART OF PASAHERO’S MAIN CAST

Unang pelikula raw ni Andre sa Viva Films ang Pasahero kung saan parte siya mismo ng main cast.

Pasahero movie Viva Films

Pasahero movie poster 
Photo/s: c/o Viva Films

Ibig sabihin ay mahaba at markado ang papel niya sa naturing horror film na kasali sa Sine Sindak: Ang Ika-5 Yugto Horror Film Festival.

“Yes po,” ang nakangiting pagsang-ayon ni Andre na ang latest film na ginawa ay ang Expensive Candy nina Julia Barretto at Carlo Aquino para rin sa Viva Films.

Maiksi lamang ang papel niya doon, samantalang dito sa Pasahero ay isa siya sa mga bida.

“Ako po si Martin,” ang umpisang pagpapakilala ni Andre sa karakter niya sa nabanggit na horror film.

Andre Yllana

Andre Yllana 
Photo/s: PR

“Parte po ako doon sa pitong pasahero na kasama doon sa trip na iyon.”

Ang iba pang cast members sa Pasahero ay sina Louise delos Reyes, Yumi Garcia, Katya Santos, Mark Anthony Fernandez, Keann Johnson, Rafa Siguion-Reyna, Dani Zee at Bea Binene.

Nakatuwaan naming tanungin si Andre kung nakasakay na ba siya ng MRT o train sa tunay na buhay.

“Yes po,” ang nakangiting pakli ni Andre. “Actually, nung isang araw lang din po, kasama ko sina Yumi at mga kaibigan namin, wala lang po try lang po.”

Ano ang pakiramdam niya na kasali na siya sa isang pelikula in a full-length role?

“I’m really happy po,” aniya, “Tsaka I feel blessed po to be in this movie po.”

Sa direksyon ni Roman Perez Jr., ang Pasahero ay mula Viva Films, Viva Studio, JPHLiX Films, BLVCK Films at Pelikula Indiopendent.

Mula rin sa Viva Films, Viva Studio at Happy Infinite Productions, Inc. ang Nanay, Tatay na kasali rin sa Sine Sindak: Ang Ika-5 Yugto na mula naman sa panulat at direksyon ni Roni Benaid

Kasali rin sa Sine Sindak horror film festival ang dalawang foreign horror film na The Thorn: One Sacred Night mula sa Indonesia at ang Japanese film na House Of Sayuri.

Mapapanood ang mga entries sa Sine Sindak: Ang Ika-5 Yugto exclusively sa mga SM Cinemas mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 5.

ANDRE REVEALS MOM AIKO’S BEST ADVICE

Tinanong namin si Andre kung ano ang best advise sa kanya ng kanyang inang si Aiko Melendez.

“Ako lagi ko lang pong tinatandaan yung payo ni mommy na always be humble,” ang nakangiting wika ni Andre.

Ganoon rin daw halos ang payo sa kanya ng ama niyang si Jomari Yllana.

“Parehas lang din po sila ni mommy ng payo.”

ANDRE’S DREAM ROLE

Dahil contract star ng Viva Artists Agency, tinanong namin si Andre, kung tatanungin siya ng kanyang management team kung ano ang nais niyang proyekto o papel, ano ang isasagot niya?

“Gusto ko pong ma-try yung medyo pasaway naman na role, yung medyo basagulero, ganyan.”

Bakit?

Wala lang,” pakli ni Andre, “lagi po kasing mabait yung role ko, e. Gusto ko pong ma-try yung medyo may pa-bad boy.”

Nais niyang ma-challenge ang kanyang pag-akting dahil hindi naman raw siya bad boy sa tunay na buhay.

“Masubukan lang po.”

ANDRE ON POSSIBILITY OF ENTERING POLITICS

Politiko ang ina ni Andre, konsehala ng 5th District ng Quezon City si Aiko; si Andre ba ay hindi nahihikayat na pasukin rin ang pulitika tulad ng kanyang ina?

Aniya, “Hindi ko po… I mean, si mommy po kasi lagi niya pong nababanggit sa akin iyon pero right now po kasi…

“Gusto ko siya pero natatakot ako sa responsibility dahil malaki pong responsibility iyan e, and I don’t wanna mess up.

“Kaya tingnan po natin kung matututunan, why not?”

Pero hindi naman siya nagsasalita ng “no.”

“Hindi naman po,” paninigurado niya.

 

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News