
Andrea Brillantes on diamond ring worth PHP1 million she got from her latest endorsement: “It made my day. Ito na yung gift na all in all ng 2024. Thank you so much, Merry Christmas! Happy New Year.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete
Si Andrea Brillantes ang isa sa mga celebrity ambassador ng LVNA by Drake Dustin.
Siya ang special guest sa pormal na pagbubukas ng fine diamond jewelry store sa Clark City Frontmall branch sa Clark, Pampanga, noong Sabado, Nobyembre 23, 2024.
Isang malaking sorpresa ang natanggap ni Andrea dahil binigyan siya ni LVNA owner Drake Dustin Ibay ng diamond ring na nagkakahalaga ng mahigit sa isang milyong piso.
Gulat na gulat si Andrea dahil ang pakiramdam nito, parang nakatanggap siya ng “engagement proposal” nang ipasukat at hindi na ipinaalis ni Drake mula sa kanyang daliri ang singsing na kasyang-kasya sa kanya.

Andrea Brillantes surprised after receiving a diamong ring.
Photo/s: Jojo Gabinete
“Gulat na gulat ako nang binigyan ako ng LVNA. Siyempre, hindi ko ito ine-expect, promise!
“It made my day. Ito na yung gift na all in all ng 2024. Thank you so much, Merry Christmas! Happy New Year.
“Gulat na gulat ako. Sabi ko, oh my God! Ito pala yung feeling, ito pala yon.
“Meron din po si Mommy. Sobrang generous ng LVNA, sobrang-sobra,” hindi makapaniwalang reaksiyon ni Andrea dahil sa mamahaling alahas na regalo sa kanya.

Andrea Brillantes and Drake Dustin Ibay
Photo/s: Jojo Gabinete
HIGHLIGHTS OF 2024 FOR ANDREA
Ang High Street na natapos noong Agosto 2024 at ang Part 1 nitong Senior High ang huling TV series na pinagbidahan ni Andrea.
Sa panayam sa kanya ng Cabinet Files, tiniyak niya ang pagkakaroon ng mga proyekto sa 2025.
“Katatapos pa lang ng High Street. Super drama ng Senior High at High Street so medyo nagpapahinga lang muna ako.
“Pero meron na po akong mga project na pinaghahandaan. Hindi ko pa siya puwedeng i-disclose pero hindi ako mawawala. Meron kayong aabangan from me.
“Right now, let us just end this year, this very eventful year na masaya tayong lahat,” saad ni Andrea.

Andrea Brillantes in High Street
Photo/s: Dreamscape Entertainment
Mabilis ang sagot ni Andrea nang tanungin tungkol sa kanyang mga plano para sa paparating na Pasko.
Aniya, “Christmas is always with my family pero ayokong ma-jinx, but I have a New York trip with one of my loved ones.
“I have a gift pero ayokong na siyang mabati. Makikita ninyo naman yon sa social media.”
Ano naman ang mga highlight sa buhay niya ngayong 2024?
Sagot ni Andres, “Ang daming nangyari this year, ang daming blessings.
“Well, for me, it’s also a milestone na mabigyan ng Part 2 yung show ko, yung show namin na Senior High kasi hindi po yon kadalasan na nangyayari.
“For me, para humingi yung mga tao ng sequel, it means a lot. Ibig sabihin, talagang kumapit sila sa Part 1, nagustuhan nila kaya they asked for more.
“For me, yun ang pinaka-highlight na naging impactful yung first part nung humingi po sila ng second part.
“Pero overall, lahat ng blessings na dumating, masaya ako.”
IPON MODE
Ang panonood ng mga concert at pagbibiyahe sa iba’t ibang bansa ang mga reward ni Andrea sa sarili sa tuwing nagwawakas ang kanyang mga TV show.
Pero sa ngayon, mag-iipon muna raw siya dahil sa dami ng mga gastos niya.
“I think mag-iipon po ulit ako, sa dami ng nagastos ko this year. Ang dami ko na pong napuntahan na concerts at ang dami ko nang napuntahan na bansa so ipon muna kasi meron pa akong trip sa New Year. Ipon-ipon muna,” reaksiyon ni Andrea.
Kabilang sa pinaghahandaan ni Andrea ay ang partnership nila ng LVNA kay House Representative Dimple Mastura ng 1st District ng Maguindanao and Cotabato City na magtatayo sa Davao ng sangay ng jewelry store na kanyang ine-endorso.
“Ngayon pa lang mag-start ang relationship namin ni Congresswoman Mastura at excited po ako,” sabi ni Andrea.
Magkakaroon din siya ng mga sariling disenyo ng alahas para sa Barbie line ng iniendorso niyang jewelry brand na binigyan niya ng pangalang “Living The Dream Life.”
News
Lumabas sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa screening ng pelikulang ‘And the Breadwinner Is’ na marami pang bagay na dapat ibunyag….. (nuna)
Kim Chiu and Paulo Avelino made the rounds on social media after being spotted at the blocking screening for “And the Breadwinner Is…” Kim Chiu at Paulo Avelino, spotted sa block screening ng ‘And the Breadwinner Is’ (@annecurtissmith, @chinitaprincess) Source:…
Boy Abunda, humiling na huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang breakup (nuna)
Umapela ang King of Talk na si Boy Abunda sa publiko na pairalin ang kabutihan at huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos na maghiwalay ang dalawa.Dahil sa panibagong kabiguan sa pakikipagrelasyon ni Bea, sinabi ni Tito Boy…
Sunshine Cruz, Atong Ang kissing video goes viral (nuna)
Atong Ang at Sunshine Cruz A kissing video of actress Sunshine Cruz and businessman Atong Ang went viral on social media. In a video uploaded on TikTok, Sunshine was seen kissing Atong while in an unknown cockpit arena. It can…
Denise Julia Responds to BJ Pascual’s Accusations of Canceling a Photoshoot (nuna)
R&B singer Denise Julia (left) speaks up after celebrity photographer BJ Pascual (right) named her as the “worst celebrity/model to shoot.” PHOTO/S: Instagram / YouTube Sumagot na ang R&B singer na si Denise Julia sa mga akusasyon sa kanya ng…
KC hopes relationship with mom Sharon will be “ok” soon (nuna)
KC Concepcion (left) on mom Sharon Cuneta (right): “Christmas will always be about love, laughter, and time with family for me… ending the year right with a conversation between Mama and I. She always makes the holidays extra magical and…
Julia Barretto thinks it’s okay to walk away from this situation (nuna)
Julia Barretto on trusting the people closest to her: “I feel like yung mga nasa paligid namin, that stood the test of time. Kumbaga, parang napatunayan na ang loyalty, and parang good naman para sa amin, so far masaya naman…
End of content
No more pages to load