
Nag-react ang ilang netizens sa TikTok sa guesting ni Alden Richards sa It’s Showtime noong Sabado, July 13, 2024.
Kinantiyawan ni Kim Chiu si Alden tungkol sa nagbibigay ng inspirasyon sa aktor ngayon.
Ani Kim, “Parang may inspirasyon ka naman ngayon, Alden! Parang yun naman yung patutunguhan ng tanong ni Kuya Vhong [Navarro].
“Meron ka bang message sa inspirasyon mo ngayon?”
Bulalas ni Alden, “Grabe naman ito!”
Bawi ng Kapamilya actress, “Puwede naman magulang, mga fans, ito naman si Alden, o!”
Kaya ang sabi ng aktor, “Sa mga nagbibigay ng inspirasyon sa akin, maraming salamat sa inyo dahil kayo ang bumubuhay sa aking ginagawa.
“Nag-e-enjoy naman ako, siyempre, at least para makita naman at ma-proud sa akin ang mga taong ito.”
May mga nag-comment na parang bagay rin sina Alden at Kim na mag-partner sa isang film project.
Pero ang gusto talaga ng fans ay si Paulo Avelino ang ka-partner ni Kim.
Pagkatapos ng It’s Showtime ay tumuloy si Kim sa launching ng bagong endorsement niyang beauty products sa Atrium ng The Block sa SM North EDSA, Quezon City.
May meet-and-greet siya roon na dinagsa ng iba’t ibang fans club niya.
Ang lakas ng tili ng fans na “Avelino!” kapag tinatawag ang pangalan ni Kim.

BAWAL MAGTANONG ABOUT LOVE LIFE NI KIM
Mahigpit na pakiusap ng handlers ng aktres sa press people na huwag itong tanungin tungkol sa mga personal na isyu, lalo na sa love life.
Kaya napaka-safe lang ng sagot ni Kim nang tanungin kung ano pa ang nagpapa-bloom sa kanya aside from the skin-care products.
“Grabe naman! Grabe naman! Ahhmm blooming ba?” masayang sambit ni Kim habang naghihiyawan ang fans.
“Face by Bloom, siyempre! At tapos na kasi akong mag-taping, and medyo light lang yung ginagawa ko lately.
“So, I get to do things that I want.
“Gusto rin namang mag-taping at mag-shooting, pero nakakapagpahinga nang maayos. Nakakatulog. Maraming time for myself.
“So, I think hindi mukhang pagod saka haggard.
“Pero na-miss ko na ring maging puyat at maging haggard. Pero soon, soon.”
Sino pa ba ang nagpapa-bloom sa kanya ngayon?
“Grabe naman sa sino. Siyempre kayong lahat, di ba? Lahat na nandito, lahat ng mga napapangiti ko, napapasaya ko. Kayo din ang dahilan kaya napapa-smile din ako,” safe na sagot ni Kim.
Sobrang blessed lang daw si Kim ngayon sa sunud-sunod na endorsements na ipinagkakatiwala sa kanya, kagaya nitong Face by Bloom. Wala raw muna siyang pelikulang ginagawa.
Bukod sa It’s Showtime ay malapit na rin siyang magsimula sa Pinoy Big Brother, at lilipad siya pa-Amerika para sa special show ng ASAP Natin ‘To na gaganapin sa Agosto 3, 2024, sa Toyota Arena ng Ontario, California.
KIM ON MOVING ON
Natatanong kay Kim ang tungkol sa pag-move on, pero hindi sa love life ang tinutukoy kundi sa bagong beauty products na ginagamit niya. Wala naman daw pag-move on mula sa dating produktong ginagamit niya. Mabuti at naging hiyang naman daw siya agad nang ginamit niya itong bagong ini-endorse.
“The first time I tried yung product ng Face by Bloom, bago kami mag-pictorial, sinubukan ko muna siya sa face ko. Kasi gusto ko pag nilalagay ko siya, parang ipo-promote ko siya as how I experienced the product.
“So, ako, sensitive yung skin ko… sobrang mabilis siyang ma-irritate. But with Face by Bloom, sobrang skin-friendly siya.
“And sa mga starters na kakasimula pa lang mag-skin-care routine, parang this is the best product na puwede nilang gamitin.
“And very easy steps lang, and konti lang yung kailangan nilang gawin in order for them to have a blooming face like me,” pagbungisngis pa ng Kapamilya actress.
JERRY OLEA
Kaugnay sa moving on ng relasyon, ano ang maipapayo ni Kim sa mga mag-ex couple na nagge-guest sa “EXpecially For You” segment ng It’s Showtime para maging blooming pa rin sila?
Safe pa rin na sagot ng Chinita Princess, “Just be happy. Kasi pag happy ka sa loob, magiging happy ka din sa labas. Yun lang naman ang sikreto para maging masaya.”
IS KIM CHIU HAPPY?
Happy siya, loob at labas?
“Oo naman, dapat lang. Dapat everyone happy, everybody happy, para fresh, blooming, ganun.”
Sinabi ni Kim na sensitive ang kanyang skin. Meron pa bang ibang sensitive sa kanya?
Napatili uli ang fans at napapangiting sambit ni Kim, “Grabe! Feelings ko ba? Ahhhmm… yun lang actually ang sensitive.
“Hahahaha, makapal na naman yung mukha ko! Hahaha! Saka ano, napagtibay naman siguro tayo ng panahon.
“So, sensitive, siyempre, tao pa rin. Nasasaktan in a way, pero kinakaya naman.”
Bukod sa It’s Showtime mula Lunes hanggang Sabado, anu-ano ang daily routine niya nowadays na wala siyang sinu-shoot na movie o tine-tape na TV series?
“Usual na araw, nagwo-work out ako nang maaga. Tapos natutulog din ako nang maaga,” matamang tugon ni Kim.
“Tapos Showtime every day. Nagre-rehearse ng ASAP. Mga saktuhang galaw lang. Parang April kami natapos mag-taping. So, sakto lang, pahinga muna.”
Kung maaga siyang nakakatulog, wala na siyang iniisip-isip sa gabi? Masarap na talaga ang tulog niya?
“Wala naman! Wala naman! Skin-care routine, tapos yun na, pahinga na. Para naman beauty rest tayo.”
Sinabi ni Kim na sensitive ang kanyang skin. Meron pa bang ibang sensitive sa kanya?
Napatili uli ang fans at napapangiting sambit ni Kim, “Grabe! Feelings ko ba? Ahhhmm… yun lang actually ang sensitive.
“Hahahaha, makapal na naman yung mukha ko! Hahaha! Saka ano, napagtibay naman siguro tayo ng panahon.
“So, sensitive, siyempre, tao pa rin. Nasasaktan in a way, pero kinakaya naman.”
Bukod sa It’s Showtime mula Lunes hanggang Sabado, anu-ano ang daily routine niya nowadays na wala siyang sinu-shoot na movie o tine-tape na TV series?
“Usual na araw, nagwo-work out ako nang maaga. Tapos natutulog din ako nang maaga,” matamang tugon ni Kim.
“Tapos Showtime every day. Nagre-rehearse ng ASAP. Mga saktuhang galaw lang. Parang April kami natapos mag-taping. So, sakto lang, pahinga muna.”
Kung maaga siyang nakakatulog, wala na siyang iniisip-isip sa gabi? Masarap na talaga ang tulog niya?
“Wala naman! Wala naman! Skin-care routine, tapos yun na, pahinga na. Para naman beauty rest tayo.”
News
Chris Brown Co-Signs Controversial Theory About L.A. Wildfire Arson
He’s not the only celeb, either. Wildfires are decimating Los Angeles this week. Thousands have lost their homes, and even more have been forced to evacuate the area. Chris Brown is not one of the celebrities who sustained damage to L.A….
Chris Brown’s Ex-Manager Details How Team Navigated Rihanna Incident
Davis explained the difference in the public perception of Brown before and after the assault. Tina Davis, Chris Brown‘s ex-manager, has explained how their team handled his career after the assault of ex, Rihanna. During an interview with NandoLeaks, Davis recalled establishing…
Chris Brown Reveals He’s Currently In “Multiple” Relationships
Chris Brown was transparent during his recent visit to Kai Cenat‘s Mafiathon 2 stream, where he admitted to being in “multiple” relationships. The Nov. 2 streaming segment found Cenat fielding questions from his beloved chat, with one fan asking of Brown, “Are you in a…
Touching moment Chris Brown celebrates the 3rd birthday of his adorable youngest daughter Symphani
Chris Brown was in full-on daddy mode as he celebrated his youngest daughter, Lovely Symphani‘s third birthday on Monday (Jan. 6). The global superstar — fresh from his shows in South Africa and Brazil — made it to her “under the sea” themed party…
Chris Brown Just REVEALED Why He Started His Relationship With Tyla – This Will Surprise You.
Hey everyone, welcome back! Today, we’re diving into some truly intriguing news that’s been making waves across social media. Chris Brown, the R&B icon, has finally opened up about his blossoming relationship with rising star Tyla—and trust us, the details…
Nicki Minaj Shocks When She Suddenly Praises Chris Brown On Stationhead: “He’s This Generation’s Legend!”.nana
In a surprising twist during a recent session on Stationhead, Nicki Minaj made headlines by praising Chris Brown, declaring, “He’s this generation’s legend!” This unexpected endorsement has sparked a wave of reactions across social media and the music industry, as…
End of content
No more pages to load