UNVEILED: Vice Ganda REVEALS Why the MASSES can’t get enough of His Films…

Vice Ganda: “Totoong istorya nila ito. Kwento ng aming mga pamilya.”

Vice Ganda on why his movies liked by the masses

Vice Ganda on why the masses support his films: “Ako at ang masa ay may ugnayan. May relasyon. Nagkakaunawaan kami. Nagmamahalan. Iisa ang lenggwahe namin. Iisa ang pulso. Nagkakaintindihan. Kaya’t di namin iniiwan ang isa’t isa anuman ang mangyari.”
PHOTO/S: Courtesy: Ermarc Baltazar / Instagram

Hindi maipagkakailang pinapanood talaga ng masang Pilipino ang mga pelikula ni Vice Ganda, lalo na tuwing Metro Manila Film Festival (MMFF).

Patunay nito ang pangunguna sa takilya ng kanyang pinagbibidahang pelikula, ang And The Breadwinner Is…, sa isinasagawang MMFF 2024.

Mula noong 2012, halos taun-taon ay mayroong official entry si Vice sa MMFF at halos lahat dito ay nag-No. 1 sa box office.

Kabilang sa MMFF movies ni Vice ay ang mga sumusunod: Sisterakas (2012); Girl, Boy, Bakla, Tomboy (2013); The Amazing Praybeyt Benjamin (2014); Beauty and the Bestie (2015); Gandarrapiddo: The Revenger Squad (2017); Fantastica (2018); The Mall, The Merrier (2019); at Partners In Crime (2022).

Ayon kay Vice, marami ang nagtatanong sa kanya kung bakit pinapanood ng masa ang kanyang pelikula.

May mga kritikong nagsasabing wala naman daw mapupulot na aral sa mga ito.

May iba namang nagsasabing pampaalis ng stress ang mga pelikula ni Vice.

Sa ika-50 edisyon ng MMFF, ibang putahe ang inihain ni Vice sa pamamagitan ng pelikula niyang And The Breadwinner Is…, na idinirek at isinulat ni Jun Robles Lana.

Hindi lamang ito sumesentro sa pagpapatawa kundi may hatid din itong kurot sa puso lalo na sa breadwinners.

VICE GANDA ON SPECIAL CONNECTION WITH THE MASSES

Sa kanyang social media accounts ngayong Lunes, December 30, 2024, ibinahagi ni Vice ang pinagdugtung-dugtong na videos kung saan kasama niya ang maraming tao.

Karamihan dito ay kuha sa mga mall na dinayo niya para personal na magpasalamat sa mga taong sumugod sa sinehan para suportahan ang kanyang pelikula at ang iba pang kalahok sa MMFF 2024.

Vice Ganda at the cinemas

Sabi ni Vice sa caption, mayroon siyang “ugnayan” at “relasyon” sa masang Pilipino.

“Maraming nagtatanong kung bakit maraming pumipila sa mga pelikula ko lalo na tuwing Pasko. Ito po ang sagot. Dahil po ako at ang masa ay may ugnayan.

“May relasyon. Nagkakaunawaan kami. Nagmamahalan. Iisa ang lenggwahe namin. Iisa ang pulso. Nagkakaintindihan.

“Kaya’t di namin iniiwan ang isa’t isa anuman ang mangyari.

“Yan ang karangalan na patuloy kong tinatanggap mula sa kanila noon pa man hanggang ngayon. Karangalang di lang pang isang gabi. Pangmatagalan.”

Dagdag pa ni Vice, kaya maraming naka-relate sa pelikula niyang And The Breadwinner Is… dahil kuwento ito ng pamilyang Pilipino.

Aniya, “Yan din ang dahilan kung bakit maraming nakarelate sa #AndTheBreadwinnerIs.

“Dahil totoong istorya nila ito. Kwento ng aming mga pamilya. Masa ang nagbibigay sakin ng tagumpay. Sila ang pamilya ko. Kaya sa masa labis labis ang pagmamahal at pasasalamat ko!”

Samantala, noong MMFF 2024 Gabi ng Parangal ay nagpasalamat si Vice dahil sa wakas daw ay napansin siya ng jurors.

Sa kauna-unahang pagkatakataon, ginawaran ng MMFF si Vice ng Special Jury Citation para sa kanyang natatanging pagganap sa pelikulang And The Breadwinner Is…

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News