Nora Aunor hopes Alden Richards stays the same despite his immense popularity
Nora Aunor on Alden Richards: “Hindi dapat mawala kung ano ang nakilala sa kanya bilang siya.”

Nora Aunor on continuing to learn despite her many awards: “Ang isang artista, sa paniniwala ko, hindi dapat huminto sa pag-aaral o kagustuhan na matuto pang lalo. Kailangan sa bawat pelikula o sa bawat role na iniaatang sa ‘yo, dapat iba-iba ang kailangang maging atake dun sa karakter na ibinibigay sa ‘yo.
Hiningan ng mensahe ang Superstar na si Nora Aunor kaugnay ng tinatamasang tagumpay ngayon ng Kapuso matinee idol na si Alden Richards.
Nagkatrabaho ang dalawa noong 2014 sa short film ni Adolf Alix Jr. na Kinabukasan, at dito ay naging anak-anakan ng aktres ang young actor.
Pahayag ni Nora tungkol kay Alden, “Magaling na artista ‘yan!
“Magaling na artista yung anak kong ‘yon.
“Huwag lang siyang magbago. Hindi dapat mawala kung ano ang nakilala sa kanya bilang siya.
“Iyon pa rin ang dapat na makita ng mga tao na nakakakilala sa kanya, lalo na yung mga fans.”

Sikat na sikat ngayon ang loveteam ni Alden at ng kasamahan niya sa Eat Bulaga! na si Maine Mendoza o Yaya Dub.
Si Maine ay kilala sa pagda-Dubsmash nito ng mga kanta at maging linya sa mga pelikula.
May mga linya si Nora sa kanyang mga pelikula na dina-Dubsmash din.
Ano ang masasabi ng Superstar dito?
“Maganda nga yun, e, dahil ikaw ang ginagaya. Ikaw ang ginagawan ng ganun.
“Siyempre nakakatuwa naman ‘yon.”
LEARNING FROM THE YOUNG STARS. Maliban kay Alden ay marami pang kabataang artista na nakatrabaho si Nora.
Halos lahat sila ay nagsasabing marami silang natututunan sa Superstar.
Ano ang reaksiyon ni Nora dito?
Saad niya, “Kasi ako, masaya na marami ang gustong matuto, ‘no?
“Isang malaking karangalan para sa akin ‘yan na ganun ang sinasabi nila.
“Pero alam ko, sila [young stars], may sarili silang pag-arte na hindi lang nila siguro natutuklasan sa sarili nila.
“Depende sa role na ibibigay sa kanila, e.
“Kapag mabigat ang role na ibinigay sa isang artista, natural na magku-concentrate ang isang artista, at bibigyan talaga ng importansiya ang kanyang role.”
May natutunan din ba ang isang beterana at multi-awarded actress na gaya ni Nora sa mga baguhang artista?
Sagot niya, “Natural! Marami.
“Ang isang artista, sa paniniwala ko, hindi dapat huminto sa pag-aaral o kagustuhan na matuto pang lalo, na hanggang dun ka na lang, kung ano ang kinatatayuan o narating mo na.
“Hindi puwede.
“Kailangan sa bawat pelikula o sa bawat role na iniaatang sa ‘yo, dapat iba-iba ang kailangang maging atake dun sa karakter na ibinibigay sa ‘yo.”
Ano ang masasabi niya na halos lahat ng mga artista ay nangangarap na makatrabaho siya?
Pahayag ni Nora, “Alam mo, nakakatuwa rin naman.
“Kasi yung pagiging artista, noong araw kasi, mga pakanta-kanta [sa pelikula].
“Tapos nag-eksperimeto ako na, ‘O, ibahin ko nga,’ para hindi naman lahat ng oras, e, iyon ang nakikita ng mga tao.
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load