Jellie Aw, nilabas ang screenshot ng mensahe mula kay Jam Ignacio
Patuloy ang pagsabog ng kontrobersiya sa pagitan ng DJ at social media influencer na si Jellie Aw at ng kanyang dating fiancé na si Jam Ignacio matapos ibahagi ni Jellie ang screenshot ng mensahe ng huli. Sa naturang mensahe, mariing itinanggi ni Jam ang mga akusasyong ibinabato sa kanya at nagmakaawang pag-usapan ang kanilang relasyon.

Source: Instagram
“Kahit kailan hindi kita kayang lokohin. Miski kumausap nang iba hindi ko kaya gawin yan sayo. Bakit mo ako ginaganito. Nag mamakaawa ako sayo. Pinipilit ko na maging maayos tayo. Maging maayos tong relasyon natin. Nangangarap ako para satin. Para sa pamilya mo na tinuturing ko na din pamilya. Bakit mo ako ginaganito? Bakit? Cge lang Jellie, cge lang. Hindi ko na alam. Hindi ko na alam,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Jam kay Jellie.
Matatandaang nagimbal ang social media nang ibahagi ni Jellie Aw ang serye ng mga larawan na nagpapakita ng kanyang mukha na may pasa at dugo. Sa kanyang mga post sa Instagram at Facebook, direkta niyang itinuro si Jam Ignacio bilang may kagagawan ng umano’y pananakit sa kanya.
Bago pa man ang insidente, nagbahagi si Jellie ng isang Instagram story kung saan makikitang nagpapalinis siya ng kuko habang si Jam ay tila naghihintay lamang sa tabi niya. May caption itong, “@jamignacio inip ka na? Ate Carla, pabilis daw,” na nagpakita ng normal na sitwasyon bago ang naganap na insidente.
Ngunit makalipas ang ilang sandali, biglang nagbago ang tono ng kanyang mga post. Sa kanyang Facebook account, ibinahagi niya ang isang larawan ng kanyang duguang mukha na may caption na, “Magkita tayo sa kulungan,” kasabay ng pag-tag kay Jam Ignacio. Naglabas din ng pahayag ang kanyang kapatid na si Jo Aw, na nagsabing handa silang ipaglaban ang hustisya para kay Jellie.
Matapos ang insidente, agad na nagtungo si Jellie sa ospital upang ipagamot ang kanyang tinamong pinsala. Kasunod nito, nakatakda rin siyang maghain ng pormal na reklamo sa pulisya laban kay Jam Ignacio.
Sa kanyang huling post, mariin niyang ipinahayag ang kanyang galit at hinanakit kay Jam. “HAPPY VALENTINES? (Explicit word) Jam Ignacio, mapapatay mo ‘ko! Wala akong ginawang masama para ganituhin mo ‘ko! Halos mamatay ako sa ginawa mo! Papalukong kita!”
Patuloy na umaani ng suporta mula sa kanyang followers si Jellie Aw, habang hinihintay ng publiko ang magiging resulta ng imbestigasyon at mga legal na hakbang na kanyang isasagawa laban sa dating kasintahan.
Si DJ Jellie Aw ay isang Pilipinang disc jockey, mananayaw, mang-aawit, at vlogger na kilala sa kanyang masiglang presensya sa industriya ng entertainment. Nakamit niya ang malaking kasikatan sa mga social media platform, partikular sa TikTok, kung saan ibinabahagi niya ang kanyang mga performance at lifestyle content. Sa TikTok, mayroon siyang mahigit 238,900 followers at 704,100 likes.
May matapang na pahayag si Ogie Diaz matapos akusahan ng pananakit sa kanyang fiancée na si Jellie Aw si Jam Ignacio.
News
KUMPIRMADO! Sa wakas inamin na nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda na official na ang kanilang relasyon – SI ALDEN RICHARDS ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON 😱🥰
Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo – Alden Richards, in ‘FTWBA,’ was asked about his “Hello, Love, Again” co-star, Kathryn Bernardo – On the show, Boy Abunda frankly asked Alden if he was courting…
Nadine Lustre calls out basher’s vulgar remark: ‘Didn’t pass the vibe check’
Nadine Lustre. Images: Instagram/@nadine Nadine Lustre didn’t waste any time in calling out a netizen who left a vulgar comment on her Instagram page, saying the latter “didn’t pass the vibe check.” Lustre took to her Instagram Story on Monday,…
Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo: Ang Nakakagulat na Common Denominator sa pagitan ng Tatlong Icon na Ito!
Empowered women: Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo It is good to note that the entertainment industry is peopled with empowered women — individuals who possess an unwavering belief in their own capabilities and worth and use their confidence to navigate challenges…
Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop
Ogie Diaz has taken to social media to share his honest reaction to a viral video about Kim Chiu. Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop (@chinitaprincess, @ogie_diaz) Source: Instagram In the…
Ivana Alawi, Ipina-Tulfo Na Ang Mga Business Partners!
Itinampok si Ivana Alawi, sa pinakabagong episode ng programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa kasong estafa na isinampa niya laban sa kanyang mga business partner. Sa kanyang pakikipag-usap kay Sen. Raffy Tulfo, humihingi si Ivana ng refund na…
Part 2 | BISTADO NA KASAMA Sa VIDEO Christine Dacera at Valentine Rosales INILABAS NA ANG LAHAT
Introduksyon Sa ikalawang bahagi ng kwentong ito, umusbong ang mga bagong impormasyon tungkol sa relasyon nina Christine Dacera at Valentine Rosales. Ang mga bagong video at ebidensya ay nagbigay-diin sa kanilang koneksyon, na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa…
End of content
No more pages to load