WATCH NOW: Vilma Santos admits that she still wants to compete with Nora Aunor for this one reason only - News

WATCH NOW: Vilma Santos admits that she still want...

WATCH NOW: Vilma Santos admits that she still wants to compete with Nora Aunor for this one reason only

Vilma Santos, aminadong buhay pa rin ang rivalry nila ni Nora Aunor

Vilma Santos, ipinagdasal si Nora Aunor nang magkasakit ang Superstar.
vilma santos nora aunor rivalryVilma Santos (left) on Nora Aunor (right): “Kahit sabihin mong may rivalry, iba pa rin yung naging kumare ko rin siya. And sincerely, I really did pray for her.”Ngayong nagbabalik-showbiz si Vilma Santos, hindi maiwasang naikukumpara na naman at ikinukumpitensiya sa mahigpit niyang karibal na si Nora Aunor.

Sa press launch ng bago niyang endorsement na Angkas nung Lunes, February 27, 2023, hiningan ng opinyon si Ate Visa iginawad na parangal sa Superstar bilang National Artist.

Umaasa ba siyang igagawad din sa kanya ang naturang parangal?

Saad ni Ate Vi, “If it’s for you, it’s meant for you. Pag hindi napunta sa yo, it’s not meant for you. So, dun sa hindi nabigyan, it’s not meant for them.

“Like yung kay Ate Guy. So, kung meron akong space diyan, darating ang panahon na yun para sa akin na yun.”

Tanggap ng Star for All Seasons na hindi pa rin nawawala ang pagtatapat sa kanila ni Ate Guy, pero mas nananaig daw sa kanya ang kanilang pinagsamahan at pagkakaibigan.

Sa katunayan, nung nabalitaan niyang dumaan sa matinding karamdaman si Ate Guy, pinag-isipan niyang dalawin ito.

“Kahit sabihin mong may mga ganyang rivalry, I mean, she’s still a friend.

“In fact, there was a time na sana paplanuhin ko na dumalaw, just to check on her. Pero I think, she’s getting better and I am happy for that.

“Sa totoo lang, I prayed for her. Kahit sabihin mong may rivalry, iba pa rin yung naging kumare ko rin siya.

“And sincerely, I really did pray for her,” seryosong pahayag ni Ate Vi.

Iba pa rin daw ang samahan nilang mga senior stars dahil napanatili ang magandang friendship nila.

Natawa siya bigla nang tinanong sa kanya nang biglang pinag-TikTok siya sa nakaraang Valentine concert nina Christopher de Leon, Tirso Cruz III, at Edgar Mortiz.

“Kasi ito namang tatlong ito, like si Direk Bobot, si Pipo… si Tirso Cruz, si Yetbo… si Christopher de Leon, they’re really my friends.

“That’s why nung nagkaroon sila ng concert, talagang I made sure na to be there. Hindi ko naman alam na bigla pala akong yayayain sa stage.

“Sinabihan ko na nung una na huwag na, ‘Huwag niyo akong tawagin sa stage, lagot kayo sa akin!’

“Tinawag din ako, kaya pinagsusuntok ko nga si Yetbo. Pinag-TikTok ako. Grabe! Pero enjoy ako sa kanila. They’re my friends talaga. True friends!” natatawang pahayag ni VilmaNgayong magsasama sila uli ni Christopher de Leon sa isang pelikula, bukas din daw siya sa posibilidad na makasama uli ang mga kapanabayan niya noon

Magsasama-sama sina Nora Aunor, Gina Alajar, Jaclyn Jose, at Bembol Roco sa pelikulang Pieta na pagbibidahan din ni Alfred Vargas.

“I don’t mind working again with our senior stars. Like yan sina Bembol… sina Gina Alajar, Jaclyn Jose, si Amy Austria, ano, e… excited ako.

“But at the end of the day, ang hahanapin ko pa rin is yung perfect script.

Kasi, hindi na biro yung edad namin ngayon. Alam mo yung ibig kong sabihin? Hindi na ito yung pa-cute noon, e.

“Ang kailangan sa edad namin ngayon, naghahanap na ng good project. Hindi ba? Para maging interesado naman sa audience.

“Hindi ganun kadali, pero pag meron, I’ll grab it,” saad ni Ate Vi.

Isa sa balak pa ni Vilma ay makagawa sana siya ng pelikulang tumatalakay sa buhay ng isang Muslim.

“Gusto ko makagawa ng isang Muslim movie. Yung kultura nila, ilalatag mo. Parang yun ang isa kong gusto kong magawa… na gagawin ko yung kultura ng mga Muslim. Parang may excitement ako dun.”

Umaasa pa rin ako na sana, magsama ulit sa pelikula sina Ate Guy at Ate Vi. At sana magkaroon na rin ng pelikula sina Ate Vi at Shawie (Sharon Cuneta), pati na sina Ate Vi at Juday (Judy Ann Santos).

Sila na lang ang natitirang celebrated major movie queens — kaya event ang magkasama-sama sila sa isang proyekto!

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…