Ibinahagi ni Pauleen Luna ang Kanyang Tunay na Emosyon Habang Nasasaktan Pa rin Siya Sa Paghiwalay Nila Ni Marvin Agustin/hi

Pauleen Luna still hurting over break-up with Marvin Agustin

Pauleen dismisses rumor that Marvin was a “jinx” to her career.
Ano naman ba ang tingin n’yo sa akin, robot? Of course, hurt akong talaga. Pero kailangan e. At saka ang maganda rin naman sa amin ni Marvin, nagkakausap pa rin naman kami,” says Pauleen Luna about her recent break-up with Marvin AgustinNang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actress na si Pauleen Luna sa backstage ng Eat Bulaga! last Fiday, January 26, ay mababanaag pa rin sa mga mata nito ang lungkot. Hindi naman niya itinanggi na talagang apektado pa rin sa break-up nila ng aktor na si Marvin Agustin.

“Oo naman. I’m still hurt,” mabilis niyang pag-amin.

“Ano naman ba ang tingin n’yo sa akin, robot? Of course, hurt akong talaga. Pero kailangan e. At saka ang maganda rin naman sa amin ni Marvin, nagkakausap pa rin naman kami,” patuloy ng young actress.

“It’s a mutual decision between my parents and him. Okay naman sila ng parents ko, hindi naman magkagalit or magkaaway. Kami naman, we still talk, the only difference now is that hindi na nga lang kami,” aniya pa.

Naitanong din ng PEP kay Pauleen kung totoo nga bang ang “hablutan ng libro” sa set ng Ang Mahiwagang Baul ang masasabing pinagsimulan ng panlalamig ng parents ng young actress, especially her mom, kay Marvin.

“No, that’s not the reason… Siguro that triggered, pero it’s not naman the real reason,” sagot ni Pauleen.

“Okay, what really happened then is that, totoo talaga yun… That time, talagang parang nagkakainisan na kaming dalawa [ni Marvin]. Tapos, pinipilit nga niya ‘kong kumain, e ayoko naman. Nagbabasa ako that time… Ang ginawa niya, kinuha niya yung book na binabasa ko dahil yun daw ang nakakasagabal. Kinuha niya lang, pero hindi naman hinablot,” kuwento ng dalaga.

“Tapos nga, may nagparating na sa mommy ko, siguro iba ang naging dating sa kanya. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil wala nga siya ro’n,” sabi pa ni Pauleen.

Kung nagkataon daw sigurong hindi pa nakiusap ang parents niya na makipag-break siya kay Marvin, siguradong sila pa rin hanggang ngayon. Pero mariing itinanggi ni Pauleen ang sinasabi ng ilan na wala na raw iba pang maituturong dahilan ng paghihiwalay nila ni Marvin kundi ang parents ng dalaga.

No. May mga nagiging problems na talaga. At saka yung break-up naman namin is for own good na rin,” paglilinaw ni Pauleen.

Ayaw nang i-elaborate ni Pauleen kung kailan talaga ang exact date ng pakikipag-break niya kay Marvin. Basta ang tinitiyak niya lang ay may closure daw silang dalawa at maayos naman ang naging pag-uusap nila.

Kinontra rin ni Pauleen ang lumabas sa PEP na naging pahayag ni Marvin sa isang taong malapit sa aktor. Sabi kasi ni Marvin ay wala siyang natatandaang nagawa niyang mali or hindi maganda para humadlang ang mga magulang ni Pauleen sa relasyon nila.

“Hindi naman totoo yun! ‘Wag nga siyang magkunwari diyan. Of course, may ginawa siya at alam niya yun. Although it’s not naman big thing, mga minor things lang. Kahit naman ako, aminado ako na may mga naging pagkakamali rin ako. Although as I’ve said, mga minor things lang, pero hindi yung wala talaga,” paglilinaw pa ni Pauleen.

Marami rin ang nagsasabi na kung talagang mahal niya si Marvin, sana raw ay naipaglaban niya rin ito. Ano ang reaksiyon ni Pauleen dito?

“E ganun talaga. Hindi naman sa hindi ipinaglaban, but they are my parents. Siyempre, I still need their guidance,” kibit-balikat niyang pahayag.

Nabanggit ni Pauleen na simula nang mag-break sila ni Marvin, biglang dumami ang offers niya for endorsements. In fact, nang araw na kausap siya ng PEP ay may pinaghahandaan siyang shoot for a shampoo commercial.

Dahil dito, nasabi namin sa kanya ang isyung naging “jinx” sa kanya ang dating boyfriend. Isa rin ito sa sinasabing rason na pinaniniwalaan ng parents niya.

“No… Hindi ganoon. At saka ako, hindi ako naniniwala na may jinx na tao. Feeling ko lang talaga, after naming mag-break, ang daming endorsements na pumasok. Like tomorrow, may shoot ako ng commercial. So, iniisip ko na lang, siguro ito yung blessing sa akin for obeying my parents,” sabi ni Pauleen.

Nakakatulong din daw sa kanya ang mga trabaho niya para mas maging madali sa kanya ang makapag-move on.

Nang tanungin si Pauleen kung may chance pa ba na maging sila pang muli ni Marvin, positibo ang sagot ng young actress.

“Meron pa naman. Pero hindi pa lang siguro sa ngayon. Maybe in two or three years time,” sagot niya.

Bandang huli, nakita naming gamit-gamit na ni Pauleen ang cell phone nito at nagte-text. Kaya naalalang itanong sa kanya ng PEP kung totoo bang confiscated ng parents niya ang cell phone niya noong hindi pa siya nakikipaghiwalay kay Marvin.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News